17th Mystery

4.5K 133 1
                                    

A/N: Merry Christmas sa inyo! Salamat sa mga patuloy na nagbabasa kahit ang bagal ng updates.

-Peachberryfruity

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* 17th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Congratulations!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*--

---* Cleinch *---

Hingal na hingal kami ni Loki ng makalabas kami ng Creep.

'Kung mahirap ang hanapin kung nasaan ang Creep River at kung saan makakahanap ng itlog, mas mahirap palang hanapin ang daan palabas.'

Bumungad sa harap namin ni Loki ang isang mahabang table. Nakaupo doon si Mr. Xenon, Mr. Cadmium at ang mga adviser ng iba't ibang section.

Sinalubong nila kami ng may ngiti kaya kahit na pagod kami at medyo nilalamig ay nagawa naming ngumiti pabalik.

"Congratulations! You both passed!" bati nila sa amin matapos naming maiabot ang mga itlog na dala namin.

"Pwede na kayong magpahinga mga bata. Alam naming pagod kayo." sabi pa ni Mr. Cadmium.

Matapos ang usapang yun ay dumiretso ako sa kwarto ko para ayusin ang sarili ko dahil mukha akong basang sisiw.

Matapos kong magpahinga at maglinis ng katawan ay dumeresto na ako sa harap ng pinagdarausan ng exam para antayin ang mga kasama ko na hanggang ngayon ay di pa lumalabas.

'Ano kayang nangyari sa mga yon?'

Umupo ako sa waiting area kung saan marami ring estudyante na mukhang nag-aabang rin sa mga kaibigan nila.

Ilang saglit pa at natanaw ko na si Zhyla na mukhang masaya pa ata.

'Aba? Mukhang hindi naging stressful ang exam para sa kanya ah!'

"Zhyla!" sigaw ko ng pangalan niya at agad nagliwanag ang mukha niya.

Matapos nilang maibigay ang mga itlog kina Mr.Xenon ay patakbo siyang lumapit sa akin.

"Cleinch ang bilis mo naman...nandito ka na agad! Pumasa ka ba?"

"Of course! Papayag ba akong hindi pumasa?"

"Ahehe! Ay may papakita pala ako sa iyo." sabi ulit nya at saka sya dumukot sa kanyang bulsa.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang isang puting-puti at mabalahibong nilalang na mahibing na natutulog sa palad niya.

"A-Ano yan?" gulat na tanong ko at ngumiti siya ng pagkalaki-laki.

"Eh! Di bago nating pet. Sya si Fluffy. Nakuha to dun sa gubat at tingin ko isa siyang blood eating monster." sabi pa nya.

"Ano bakit ka nagdala niyan? baka may makagat yan! halimaw yan!" sabi ko pa at ngumiti siya.

"Mukhang hindi naman. Bagong pisa pa lang ito nung kunin ko kaya wala pa tong alam sa pagkahalimaw. Itretrain ko to para maging pet ko." tumataas taas pa ang kilay na sabi nya.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now