28th Mystery

4.4K 135 9
                                    

---* 28th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Opening

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

Tinitigan kong maigi si Aphroditee habang kausap n'ya 'yong kaibigan n'yang si Cleon.

'Nakuha ko na ba ang loob n'ya? Masyado kasi s'yang matalino. Pakiramdam ko ay pinaghihinalaan nya na ako.'

~FLASHBACK~

(Three days ago)

Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong mag-isa s'yang nakaupo sa harap ng round table.

Bakas sa mukha n'ya ang lamig pero mukhang hindi n'ya naman iniintindi 'yon.

'Nakatulala lang s'ya at mukhang malalim ang iniisip.'

Lumapit ako sa counter at umorder ng dalawang tasang Cafe Mocha.

Nang maiabot na sa akin ang order ko ay nakangiti akong lumapit sa kanya. Agad n'ya naman akong nginitian nang makita n'ya ako.

"Mag-isa ka ata? Nasaan sina Manami?" tanong ko nang makaupo na ako sa harap n'ya.

"Ah, tulog na kasi sila. Hindi kasi ako makatulog kaya pumunta muna ako dito sa Food Dec."

"Pumunta ka nga rito pero hindi ka naman umorder." natatawang sabi ko at ngisi lang ang isinagot n'ya sa akin. "Here! Have a cup of hot coffee."

Iniabot ko sa kanya 'yong cup na kinuha n'ya rin naman.

"Thanks!" nakangiting sabi n'ya at tinanguan ko s'ya.

Sumimsim ako ng kape at gan'on din ang ginawa n'ya.

"Hmm.. Mukhang malalim ang iniisip mo kanina ah? Care to share?" pagbasag ko sa katahimikan at inilapag n'ya ang tasang hinihigop n'ya.

Nangalumbaba pa s'ya bago s'ya ngumisi sa akin.

Hindi ko ipinahalata pero may kakaiba sa ngisi ng babaeng ito.

'Nakakakilabot.'

"Ehem!" tumikhim ako ng bahagya at ang ngisi n'ya ay napalitan ng nakasisilaw na ngiti.

"Oh well, you're a good observer." panimula nya at kumunot ang noo ko.

 "Pareho tayo! Malalim talaga ang iniisip ko kanina eh. I was just wondering? Bakit kaya ang dami daming naglipanang mga mapagpanggap? What can they get from me? I'm just curious." bigla uling ngisi n'ya at muli kong itinago ang pagkabigla ko.

'When I'm with her, I should really be careful. Mukhang tuso ang isang 'to! Tsk!'

"Tss! What do you mean? So, hindi ka naniniwala sa mga ipinapakita sa'yo ng mga nakakasalamuha mo?" tanong ko ulit at umiling s'ya.

"Hindi naman sa ganoon. Sabi ko nga di ba? I'm a good observer parang ikaw. Sa dami ng taong nakilala at nakasalamuha ko na, I can easily identify who's who." seryosong sabi n'ya saka n'ya ako tinitigan at pagkatapos ay tumayo na s'ya at ngumiti.

"I'll go ahead. Inaantok na ako. Salamat ulit sa coffee." paalam n'ya pa saka s'ya naglakad.

Akala ko lalampasan n'ya na ako pero hindi ko na naitago ang pagkagulat ko ng ilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now