57th Mystery

2.9K 110 9
                                    

--* 57th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Without him

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cleinch *---

Hindi na namin alam ang gagawin kay Cassandra. Kanina pa s'ya iyak ng iyak. Mula ng dumating s'ya kanina ay hindi namin s'ya mapatahan. Panay ang banggit n'ya sa pangalan ni Chance habang walang patid ang pagtulo ng mga luha n'ya. Hindi namin s'ya makausap ng matino. Kapag tinanong mo ay panay iling at hikbi ang isasagot sa'yo.

"Cassandra, please naman tumahan ka na oh. Paano namin malalaman ang nangyari kung ayaw mong magkwento." sabi ni Zhyla habang patuloy na hinahaplos ang likod n'ya.

"Cassandra, calm yourself, drink this first." mahina at punong puno ng pag-aalalang sabi ni Prystel na inabotan s'ya ng isang basong tubig. Kinuha naman n'ya 'yon at marahang ininom.

Nagulat talaga kami no'ng dumating s'ya. Masaya kami na ligtas s'ya pero ikinabigla namin ang itsura n'ya. Magulo ang buhok, marumi ang damit at may uling pa s'ya sa mukha. May mga piraso rin ng parang kung anong nasunog sa buhok at damit n'ya. Naliligo s'ya sa sariling luha at pawis at nakapagtatakang wala si Chance. Agad s'yang dinala sa opisina para kausapin pero iyak lang s'ya ng iyak. Napagpasyahan na lang na pahupain muna ang nararamdaman n'ya bago kausapin pero hanggang ngayon ay iyak pa s'ya ng iyak. Mugto na ang mga mata n'ya.

Mabuti at napapayag namin s'yang maligo. Ako pa ang nagsuklay sa kanya dahil matapos n'yang maligo ay umiyak na ulit s'ya ng umiyak.

"Oh ayan. Tahan na s'ya." sabi ni Ditee. Narito kaming lahat sa opisina nina Sir Rake kasama kaming walo. Wala kasi si Manami at hindi pa nga bumabalik si Chance. Nag-aalala na kami sa kanya.

Nakapalibot sa amin si Sir Rake, Ma'am Krey pati na sina Ma'am Mri, Mr. Cadmium at Sir Xenon.

"Hija, maari mo na bang ikwento samin ang nangyari? Nasaan si Chance?" maingat na tanong ni Sir Rake pero agad na namang nangilid ang mga luha ni Cassandra at maya maya pa ay umiyak na naman s'ya. Nanlumo kaming lahat at pati ako ay maiiyak na.

'Ano bang nangyari kay Chance at ganyan ang iyak mo kapag nababanggit s'ya?'

"Damn it! Hindi naman siguro nila pinatay si Chance?" inis na tanong ni Loki kaya sinaway ko s'ya. Nagulat na lang kami ng mas lumakas ang iyak ni Cassandra. This time, sinasabunutan n'ya na ang sarili n'ya kaya nagpanic na kami.

"Cassandra! Stop it! You're hurting yourself!" awat ni Prystel pero patuloy n'yang sinasaktan ang sarili n'ya.

"S-Si C-Chance... pinatay na nila s-si C-Chance. N-Namatay s-sya dahil sakin!" umiiyak na sabi n'ya kaya napatigil kaming lahat.

'W-What? T-They killed him!'

"Hell no! That's impossible! Hindi nila papatayin si Chance! Kailangan nila tayong lahat." sigaw ni Storm na napatayo pa.

"T-Tama si Storm, hindi nila makukuha ang gusto nila kung kulang tayo." sabi pa ni Line.

"Tama 'yon. Stop crying na, Cassandra. They won't kill him." sabi pa ni Ditee.

Nagulat kami nang biglang huminto sa pag-iyak si Cassandra at humarap kay Ditee.

"P-Pero narinig ko. N-Nakipaglaban s'ya para makatakas ako. N-Narinig ko ang s-s-sigaw n'ya tapos... tapos... m-may tatlong putok ng b-baril. Dapat hindi ko s'ya iniwan do'n! Kasalanan ko. Kung mas naging matapang lang ako, dapat, sabay sana kaming babalik p-pero... duwag ako. Tumakbo ako at iniwan s'ya. Kasalanan ko." umiiyak na kwento n'ya kaya tinambol ang dibdib ko. Lahat kami ay natigilan.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now