41st Mystery

3.4K 144 3
                                    

---* 41st Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Possessive

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Cassandra *---

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

'Oh my God! Napalabas ko ang S.A ko.'

"Y-Your S.A is really something huh?"

Nilingon ko si Ditee na nakaupo sa tabi ko habang pinagmamasdan ang nagtatalong kulay ng apoy.

"Uhm... Salamat pala kanina ah kasi hinarangan mo ko. Akala ko katapusan ko na eh. Tsaka thank you kasi dahil sobrang galing mo, lumabas 'yong S.A ko."

She glanced at me then she sighed. " I did that because it's my fault. Hindi dapat ganoon kalaki ang fireball na 'yon. It was out of control. Nawala kasi ako sa focus." sagot n'ya at ngumiti na lang ako.

"Kapag nagtagal ang pag-ulan ng fire particles, this school might burn. Your flame is dangerous." dagdag pa n'ya at natigilan ako.

Doon ko lang napansin na nagkakagulo na pala ang mga tao sa paligid ko dahil umuulan ng apoy.

'I was spacing out the whole time. My S.A just make me forget that we did a disaster. Oh my!'

Iginala ko ang paningin ko pero sa dami ng taong nagkakagulo ay hindi ko makita ni isa sa mga kaibigan ko.

"I have to go! Umalis ka na rin dito." sabi ni Ditee saka s'ya tumayo at nagtatakbo palayo.

Tumayo na rin ako saka ko muling iginala ang paningin ko. Sa di kalayuan ay nakita ko si Chance at ng magtama ang paningin namin ay bigla s'yang tumakbo papalapit sa akin.

"I-Ive been looking for you! Akala ko kung napaano ka na!" biglang sabi n'ya at parang naputulan ako ng dila.

'Hinahanap n-n'ya ako?'

"Let's go!"

Hinatak n'ya ako palayo sa lugar na 'yon. Huminto kami sa ilalim ng isang matandang oak tree.

"U-Uhm... Why are we here?" tanong ko at nginitian n'ya ako.

"I'll help them put the fire off." sabi pa n'ya saka n'ya itinaas ang dalawa n'yang kamay.

'Anong gagawin n'ya!'

Iginalaw n'ya ang mga kamay n'ya at itinapat iyon sa lugar kung saan may malaking apoy.

My eyes widen and my jaw drop when I saw a dark grey cloud above the burning area and then...

the heavy rain pours in that area.

Akala ko tapos na s'ya pero muli n'yang itinaas ang kamay n'ya at saka n'ya pinagdaop ang mga 'yon.

Few seconds passed and we are both soaking wet as well as everyone. Walang nagawa ang oak tree. Wala s'yang laban sa napakalakas na ulan.

Tinitigan ko si Chance na ngayon ay nakapikit at nakatingala. Hinahayaan n'yang mabasa ng ulan ang mukha n'ya.

"K-Kaya mong magpaulan?" mahinang sabi ko pero hindi s'ya sumagot. Siguro hindi n'ya narinig dahil sa lakas ng ulan.

'Anong klaseng tao ka ba talaga, Chance. Sa dalas ng panahon na nakakasama kita mas nalilito ako sa pagkatao mo. May napapansin ako pero takot akong magtanong. Nililito mo ako, Chance.'

Napayuko na lang ako pero naiangat kong muli ang ulo ko ng maramdaman ko ang kamay n'ya doon.

"Pumunta ka na sa kwarto mo. Maligo ka saka ka magpalit, baka magkasakit ka."

Natigilan ako saglit pero sumunod din naman ako.

Bago pa man ako makalayo ay nilingon ko ulit s'ya saka ako lumapit.

"Oh bakit?" he asked and I gather tons of courage to ask.

"Nag-alala ka ba sa akin kanina?"

Shock was writen all over his face for a few seconds but he manage to snap out of it.

'Com'on! Answer my question.'

Tinitigan n'ya ako kaya umiwas na ako ng tingin pero naibalik ko iyon ng sumagot s'ya.

"Nag-alala ako."

"Sa akin o kay Ditee?"

Natigilan ulit s'ya pero kumunot ang noo n'ya.

"Uhm n-nakita kasi kita kanina sa laban namin, nakangiti ka sa kanya kaya naisip ko na b-baka..."

"Tss! Ikaw ang kasama ko di ba? Ikaw ang hinanap ko. Kung s'ya ang inaalala ko dapat s'ya ang nandito at hindi ikaw."

*dug dug* *dug dug*

"Uhm... Hindi ka ba nag-aalala sa kanya? I mean c-close kayo at..." natigilan ako nang humakbang s'ya papalapit sa akin.

"Why is she our topic?" tanong n'ya at napayuko ako.

"Uhm... b-babalik na ako sa kwarto ko. B-Bye!"

Pumihit ako patalikod pero nahawakan n'ya ang kamay ko.

"You're avoiding my question. Tell me. Is something bothering you?"

Hinawakan n'ya pa ako sa baba para mahuli ang tingin kong pilit kong iniiwas sa kanya.

"Uhm... Naisip ko kasi kanina habang nakatingin ka sa kanya na baka nagsisinungaling ka sa akin. Sabi mo a-ako lang ang kaibigan mo. Marami akong tanong. Bakit ako lang? Si Manami hindi mo ba kaibigan? Bago tayo naging friends close na kayo dahil galing kayo sa SFI. Si Ditee close din kayo? So? Friends kayo. Saka bakit sa kanya ka nakatingin kanina?" tanong ko.

"Woah! Alam mo Cassandra, iba sila sayo. I maybe with them longer, I maybe talking to them, laughing, smiling with them pero iba ka. I don't consider them as my friends and besides I don't treat them the way I treat you. 'Mas matagal na kitang kilala. Una pa sa kanila.' You don't need to be jealous." sabi n'ya at nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy, Chance! I'm not jealous. Nagtataka lang naman ako eh!"

"Tss! Hindi ko alam na possessive ka pala sa kaibigan. O baka naman... sa akin ka lang ganyan. Gusto mo ba sayo lang ako?" nakangising sabi n'ya at napanganga ako.

"Ang kapal mo ah! H-Hindi ako possessive no? Nagtatanong lang naman ako ah! Yabang mo..."

"Hmm... Sabagay okay na ring possessive ka atleast pwede na akong maging possessive sayo para pareho tayo." nakangising pang-aasar n'ya at umirap na ako.

"Tse! H-Hindi nga 'yon ganoon! D'yan ka na nga!" asar na sabi ko saka ko s'ya iniwan.

'Kaasar talaga 'yon! Seryoso 'yong tanong ko eh! Feeling ko kasi nagsisinungaling s'ya sa akin minsan, na marami s'yang tinatago. Kapag nagtanong ako dinadaan n'ya sa ganyan! Ugh! That guy! Porke close na kami gano'n s'ya! Omo! Sabagay sabi n'ya sa akin lang s'ya ganoon. Atleast sa akin lang di ba! Hala! possessive ba ako? Pero nagtataka lang ako, sabi n'ya mas matagal n'ya na akong kilala? Una pa sa kanila? Paano? Kaya naghihinala ako eh! Minsan kasi parang ewan ang mga sinasabi n'ya. Wierd di ba?'

.

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now