Introductory Chapter #5

8K 221 6
                                    

A/N: Next Chapter will be the First Mystery. Ang mga naunang chapters including this one's NOT yet the official start of our story. Haha! Kilalanin muna natin ang isa't isa! Other characters won't be introduced for very special reasons..

Salamat sa lahat ng nagparticipate and sorry for the late update!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Introductory Chapter #5 *---

Let's Meet Loki Shearlock Maldivuoe..

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

"HOY! Gago ka! Magnanakaw kang hayop ka!" sigaw ng dalawang lalaking nakabalandra ngayon sa harap ko. Nakahawak ang isa sa braso ko at ang isa ay naka-amba ng suntok.

"Pare! Hindi ka namin sasaktan basta ibigay mo samin yang cellphone na hawak mo." sabi nung isa at tinitigan ko ang cellphone na hinablot ko kani-kanina lang.

"Ah.. Eto ba?" tanong ko habang pinapakita ang cellphone.

"Oo pare! May buyer kami nyan kaya pwede ba? Ibalik mo yan samin! Lintek na! Mawawalan kami ng kita dahil sayo!" sabi nung isa.

Lihim akong napangisi saka ako lumingon sa paligid ko.

Nasa isang eskinita kami at walang dumaraan dahil siguro tirik na tirik ang araw.

"Pare, ibigay mo na kundi, hindi ka na makakauwi sa inyo!" banta nung isa na bumunot pa ng balisong at itinutok sa akin.

Nginisihan ko sila saka ako bumwelo at agad kong sinipa ang kamay nyang may hawak na balisong.

Tumilapon agad ito at napangiwi ang lalaki sa sakit ng pagkakasipa ko.

"GAGO! Tirahin mo!" sigaw nya sa nakahawak sa braso ko pero bago pa man ito makakilos ay napilipit ko na ang braso nya.

"ARAAAYYYY!" sigaw pa nung pinilipit ko.

Sinipa ko pa ulit yung isang papalapit sa may tiyan at bumakas ang sakit sa mukha nya.

"AHHH!" sigaw pa nya na bahagyang napaatras saka ko sinipa sa likuran yung lalaking pinipilipit ko papunta sa kasama nya.

Nagkauntugan pa ang dalawang itlog at...

~BLOG!~

"ARAY! LINTEK!" sigaw nila matapos nilang matumba ng magkapatong sa kalsada.

Bago pa sila makatayo ay lumapit ako at tinapakan ko ng madiin ang likuran ng lalaking nasa ibabaw.

"AAAAHHHHH!!" sigaw pa nya.

Akmang hahawakan pa ako nung nasa ilalim pero..

"AAAAAHHHH!" mas malakas na sigaw nilang pareho dahil itinuon ko ang bigat ko sa likuran nung lalaki para magawa kong masipa ang kamay nung isang hahawak sana sa binti ko at saka ko inapakan ang kamay nya.

"Itong cellphone na kine-claim nyong ninakaw ko, inisnatch nyo sakin kani-kanina lang din! Ang bilis nyo naman atang makalimot!" kalmado ngunit malamig na sabi ko. "Sa susunod kung mang-i-snatch kayo, siguraduhin nyong hindi kayo mamumukhaan para di kayo mabalikan!" dagdag ko pa saka ako tumalon papaalis sa mga parte ng katawan nilang tinatapakan ko.

Hindi na sila nakapagsalita pa kaya naman tumalikod na ako at naglakad papalayo sa lugar na iyon.

'Tss! Ni hindi man lang ako pinagpawisan!'

Binuksan ko ang phone ko saka ko i-nenter ang password.

Napangiwi pa ako ng makita ko kung anong oras na.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now