56th Mystery

3K 117 3
                                    

A/N: Okay! Dahil maikli ang update ko nung nakaraan, nadadagdagan ng isa pang chapter ang MLH 2. Eight more chapter pa. 

Here's the update! Enjoy!

-Peachberryfruity

---* 56th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Lost Memories

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cassandra *---

Nagising ako na masakit ang ulo. My vision was a bit blurry.

'Ano bang  nangyari sakin? Bakit ang sakit ng ulo ko?' I tried reminiscing, then it hit me! I was kidnapped by Mr. Lardy and Ms. Lilac. They used Manami!

Shivers suddenly run along the my spines as I look at my surrounding.

Madilim ang paligid. Siguro ay gabi na. Wala halos laman na kahit anong gamit ang lugar na ito maliban sa mga nakasalansang sako sa isang gilid. Wala halos ilaw rito kaya kaunti lang ang naaninag ko.

Sa itaas ng nakasalansang sako ay may bintana na gawa sa salamin. Iniiling ko ang ulo ko.  Kailangang makaalis na ako rito.

Sinubukan kong igalaw ang bibig ko. Bahagya akong gumawa ng ingay pero sadyang napakahina no'n para may makarinig. Nakabusal ang bibig ko, nakatali patalikod ang mga kamay pati ang dalawa kong paa.

'Think, Cassandra. May S.A ka. Pwede mo 'yong gamitin!'

Ipinokus ko ang sarili ko at pilit akong gumawa ng apoy para masunog ang tali. Ilang beses na  paulit ulit kong sinubukan pero walang nangyari. Naiiyak na ako  dahil sa frustration.

'Kailangan kong makalabas dito! I need to go back to MLH!'

Sinubukan kong tumayo na sa kabutihang palad ay nagawa ko naman.

'Okay! Now, Cassandra, jump!'

Ginawa ko 'yon at mabilis kong nakuha ang technique para makabalanse. Ang turo sa amin ni Sir, kapag nasa oras ng panganib, wag raw magpanick. Dapat raw may presence of mind.

Nakatatlong talon na ako ng biglang tumunog ang bakal na pinto. Tunog ng kadenang parang tinatanggal.

Agad na kumabog ang puso ko at pinagpawisan ako ng malamig. Mabilis akong umupo saka ko muling inihiga ang sarili ko, ipinikit ang mga mata.

Maya maya pa ay umingit ang pinto. Nakarinig akong yabag papalapit sa akin.

"Tsk! Tsk! Ano bang ginawang pagpukpok nina Lardy sa ulo n'yan? Hindi pa rin s'ya nagigising?" saad ni isang lalaki. Nakapikit ako kaya sa boses ko na lang ibinase.

"Baka napuruhan nila. Ano hong gagawin natin?" sabi pa  nang isang boses na lalaki rin.

"Ano pa ba? Eh di ang  hintayin ang paggising n'ya. Hindi natin mahihypnotise ang  bata kung hindi s'ya gising. Gagamitin natin s'ya kagaya ni Manami para makuha  at mapasunod ang iba pa." sagot nang nauna.

'Hinipnotise nila si Manami? Kaya pala tulala lang s'ya at wala sa sarili.'

"Tawagan mo si Lardy para bilinan sila na wag masyadong puruhan ang mga bata. Kita mo ang nangyari d'yan." sabi ulit n'ya.

"Opo, dapat nga pong mag-ingat sila baka makahalata rin ang mga taga-ML---"

Natigilan sila ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now