45th Mystery

3.2K 123 4
                                    

---* 45th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Open Battles ( Last Round )

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cleinch *---

'Hmm... ano bang nangyayari sa mga tao sa paligid ko. Wierd na si Cassandra at mas wierd pa si Zhyla. Hindi ko na alam kung ano ang iisipin ko. Magulo sila. Siguro talagang wala na akong dapat gawin kundi ang mag-intay sa mga sasabihin nila. Hay!'

Pinagmasdan ko si Prystel na kasalukuyang kausap ni Mr. Xenon.

'Ipanalo mo ang laban. I know you can do it.'

Iginala ko ang paningin sa crowd para hanapin kung may pabalik na bang Zhyla o Cassandra pero wala. Wala ni anino ng dalawa. Kung gano'n ay ako lang pala ang cheerer ni Prystel.

"Mag-isa ka ata? Nasaan ang iba mo pang kaibigan?"

Gulat akong napalingon sa kanan ko at nakita ko si Loki na titig na titig sa akin.

'Ayan na naman 'yang titig na 'yan. Haist! Isa pa itong si Loki sa mga taong nagiging wierd sa paningin ko. Minsan ay nahuhuli ko s'yang nakatingin sa akin sa klase. Minsan biglang ngingiti sa akin tapos dati, pag may mga research work kami, kung di ko pa s'ya tatawagin para gumawa, hindi s'ya gagawa pero ngayon, s'ya pa ang nangungulit sa akin.  Weird right?'

"K-Kanina ka pa ba d'yan?" tanong ko at ngumiti s'ya.

'Oh no! Why are you smiling at me?'

"Kani-kanina pa, hindi mo siguro ako napansin dahil may hinahanap ka." sagot n'ya at napatango na lang ako.

"Uhm... Chocolate oh. Masarap manood kung may kinakain." sabi pa n'ya kaya napayuko ako sa inaabot n'ya.

'C-Cadbury?'

"Uhm... Thanks ha." natatawang sabi ko.

"Oh bakit ka natatawa?" tanong n'ya.

"Ah, ang wierd lang kasi na binigyan mo ko ng chocolate. Kalimitan kasi ng kinakain sa ganito, chichiria eh."

Natawa pa ako lalo ng napakamot s'ya sa batok n'ya saka s'ya umiwas ng tingin.

"C-Chichiria ba ang gusto mo? Ibibili kita kung gusto mo." sabi pa n'ya at nagulat ako.

"Ah h-hindi. Okay lang. Gusto ko 'tong chocolate." nahihiyang sabi ko at ngumiti ulit s'ya.

Itinuon ko na lang ulit ang atensyon ko kina Prystel.

"Aling post ang iga-guard mo, hija?" tanong ni Mr. Xenon kay Cleon.

'S'ya pala ang pipili.'

"Well, I'm choosing the red one po." sagot n'ya.

Pumwesto na sila sa designated area nila at sa hudyat ni Sir ay nagsimula  na ang laban.

"Whooo!"

"Yeah! Astig mo, Prystel!"

Nagulat pa ako dahil tumayo si Line at malakas na ipinagcheer si Prystel. Nasa medyo baba namin s'ya ni Loki at medyo malayo sa pwesto namin.

"Lakas talaga ng tama ng isang 'yan." natatawang sabi ni Loki at natawa na rin ako.

No'ng tingnan ko si Prystel ay puro pisikalan pa lang ang ginagawa nila ni Cleon. Sapak, sipa, iwas!

'Alam kong kaya mo 'yan Prystel! Go!'

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now