10th Mystery

5.3K 152 6
                                    

---* 10th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

A Dream?

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Cleinch *---

Talagang namangha kami sa mga sinasabi ni Mr. Xenon tungkol sa S.A ni Prystel.

"Talaga po? So may possibility na makaproduce ako ng maraming kagaya nya?" tanong ni Prystel habang nakaturo dun sa isa pang Prystel na patuloy na nagpupumiglas sa pagkakatali sa kanya.

"Yes! But first, you have to learn how to control this one." sagot nya habang itinuturo si #2. "As far as I know, people with Redupliclation abilities can have a maximum of 28 copies of themselves. Yun eh kung kontrolado mo na ang S.A mo. Limited lang din ang existence ng clone mo, 4 to 5 hours lang ata ang itinatagal nila." dagdag pa nya.

"Uhm.. Bakit po hindi sya nagsasalita?" tanong ni Cassandra at ngumiti si Sir.

"Eh kasi ganyan ang mga clones na gawa ng mga amateurs. They are imperpect. Lahat ng magagawang clone ni Prystel ay may mga defects unless she has reached Level H. Yung mga clones na yun ay close to your true self already but be careful, Prystel. Delikado ang S.A mo, kahit galing sya sayo, may sarili silang isip kaya talagang manggugulo sila at gagawin nila ang mga gusto nila unless mapasunod mo na sila." sagot nya at mas namangha kami.

"Wow! Hanep! Ang lupet. Sana ganyan din yung akin." sabi ni Zhyla at nagtawanan kami.

"Ahm last question, Sir, bakit po lumalabas sya sakin ng di ko alam?" tanong nya at napaisip sya.

"I am not sure but most of the time, our S.A control is being imbalance because of our emotion. Baka mataas masyado ang emotion mo kaya naman unconciously, nakakagawa ka ng duplicate."

"Ahh.. Okay po. Salamat po ah saka pasensya na sa panggugulo nya kanina. Magpapasa na lang po ko ng research kahit may minus na." sabi nya at tumango si Sir.

"Oh sya sige. Iintayin ko yung report nyo ni Line before 6. Dalhin nyo sa opisina ko." dagdag pa ni Sir at sumama ang mukha ni Prystel pero tumango din naman sya.

Umalis na rin agad si Sir kaya natahimik kaming apat habang pinagmamasdan yung si #2.

"I think, dapat na natin syang pakawalan." suggest ko pero umiling si Prystel.

"Kapag ginawa natin yan, manggugulo yan!" sabi ni Prystel at umiling iling yung si #2 kaya natawa sya.

"Hindi ka na manggugulo?" tanong nya ulit at tumango tango yung clone.

"Weh? Baka nagsisinungaling ka?" sabi ulit ni Prystel at umiling si #2.

"Pakawalan mo na sya." bulong ni Cassandra.

"Fine! Wag ka talagang manggugulo ha?" paninigurado pa nya at ngumiti at tumango uli yun.

Kinalag nila ni Zhyla yung pagkakatali at agad na tumayo at nagpagpag yung clone.

Hinawakan sya agad ni Zhyla para hindi makatakbo at nakakatuwang hindi naman talaga sya nanggulo katulad ng sinabi nya.

"Mabuti pa, i-tour natin sya dito!" sabi ni Zhyla at nagsipagsang-ayunan naman kami.

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now