5th Mystery

6.7K 184 7
                                    

---* 5th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

New Class!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Cassandra *---

"Students, please go to your respective rooms! Kung saan kayo nag-exam kanina ay dun ang room nyo. Ibibigay ng proctors nyo ang result at makikita nyo rin sa bulletin ng mga classrooms ang sections nyo for tomorrow. Sige na!" pag-aannounce pa ni Mr. Cadmium na rinig na rinig sa buong school.

Kanina pa kami nandito sa Food Dec dahil kanina panamin natapos ang interview pero hindi ko din naman nalaman ang section ko.

'Uwah! Bakit kaya ganun? Excited pa naman ako!'

"Tara na daw girls! Yie! Makikita na natin ang sections natin. Sana magkakaklase tayo noh?" sabi ni Prystel

"Oo nga noh, baka magkahiwahiwalay tayo! Tsk! Paano pala kung hindi ko makasundo yung mga kaklase ko. Sana nga kaklase ko kayo!" sabi ni Zhyla.

"Oo nga! Hirap pa naman akong makisama." nakasimangot pang sabi ni Cleinch

"Eh di pumunta na agad tayo dun para malaman na natin! Dali!" sabi ko pa yun nga, dumiretso kami sa room 14.

Nandun na nga si Mrs. Krey at ngumiti sya samin.

"Please fall in line!" nakangiting sabi nya kaya pumila kami. Dahil ako ang pinakamaliit samin kaya ako ang nauna.

"Name please!" sabi ni Mrs. Krey.

"Cassandra Cadler po!" sabi ko at hinanap nya sa mga blue na envelopes ang pangalan ko.

"Here! Next!" abot nya sa akin nung sobre.

Umupo ako sa isang upuan saka ko binuksan yung envelope.

|Name: Cassandra Zhyre L. Cadler

Academic Test- 91%PASSED

Physical Test- 93%PASSED

S.A Interview Test- 65% FAILED

TOTAL- 83% PASSED |

'OMO! I passed pero may isa akong failed! Uwah!'

"Uy! Ano pasa ka?" tanong ni Zhyla.

"Oo. 83% nga lang!" nakangusong sagot ko.

"Buti ka nga eh, ako nga 79.3% lang pero okay na din, atleast pasa di ba? Oh ikaw Cleinch?" tanong ulit ni Zhyla.

"Bagsak ako sa S.A Test! Buti nakabawi ako sa iba, 86.4 ako!"

"Wow! Ang galing mo ah. Bagsak din ako sa S.A eh. Ikaw Prystel?"

"Hehe! 89% ako! Alam ko kasi yung S.A ko kaya siguro ganun!" sagot nya.

"Ganun pala yun! Ang laking hatak sa grades pala nung S.A na yun. Tara na nga, tingnan na natin yung section natin." sabi ni Zhyla.

Lumapit na kami dun sa bulletin at hinanap namin ang pangalan namin.

| 1.Cadler, Cassandra - Section U

14.Kayle, Zhyla - Section U

16. Lawn, Keira - Section S

27. Stone, Cleinch - Section U |

"Hala! Hindi ko kayo kaklase! Ano ba yan? Bakit nahiwalay ako?" nagmamaktol na sabi ni Prystel.

"Oo nga noh! Nyahaha! Buti kami, magkakaklase! Kitakits na lang kapag recess!" nang-aasar na banat ni Zhyla.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedOnde histórias criam vida. Descubra agora