32nd Mystery

3.7K 119 6
                                    

---* 32nd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Changes!

---*---*---*---*---*---*---* ---*---*---*---*---*---*---* ---*---*---*---*---*---*---* ---*---*---

---* Zhyla* ---

( Two weeks later )

Malungkot naming pinagmasdan si Cassandra na mag-isang umaakyat ng hagdan.

Sa aming magkakaibigan ay s'ya na lang ang natitira na nasa undiscovered section.

Sa dalawang linggong lumipas ay maraming nangyari. Naayos na ulit ang mga nasirang parte ng school at naisaayos na ulit ang lahat maliban doon sa butas na naiwan sa gitna ng battle field.

Palaisipan pa rin sa amin ang butas na iyon kaya nga lang ay natabunan na iyon ng mga bagong pangyayari kagaya na lang nang nangyari no'ng nakaraang linggo.

Last week kasi ay makumpirma ko na ang S.A ko. Magkasama naming natuklasan ni Storm kung ano ba talaga ito.

(FLASHBACK)

"Zhyla! Zhyla!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang malakas na pagtawag ni Storm.

Nilingon ko s'ya at hingal na hingal s'ya nang makalapit sa akin.

"Oh bakit? Kung makahabol ka naman d'yan!" sita ko pa at humihingal na tumawa s'ya.

"Eh paano kasi kahapon pa kita gustong maka-usap. Hindi naman kita matyempuhan."

"Oh 'yan, natyempuhan mo na ako. Ano ba 'yong sasabihin mo?" usisa ko pa at ngumiti s'ya.

"Uhm... Saan ka muna pupunta?"

"Psh! 'Yan ka na naman. Ayaw mo na lang akong diretsyahin!" kunwaring singhal ko at agad na namang dumapo ang braso n'ya papunta sa balikat ko.

'Aish! Itong lalaking ito talaga!'

"Saan ka nga kasi pupunta?" tumataas taas pa ang kilay na tanong n'ya.

"Sa library! Magri-research ako tungkol sa S.A ko. Tinatanong na rin ako ni Sir eh. In-assess na nga n'ya ako kahapon eh pero malabo pa rin."

"Gano'n ba? Sasamahan na kita." masiglang sabi n'ya at kumunot ang noo ko.

"Akala ko ba may sasabihin ka sa akin? Naku ah! Hmm... Nagdadahilan ka lang sisiguro 'no? Kunwari may sasabihin ka pero ang totoo, gusto mo lang akong makasama! Hahaha!" biro ko pa at tumawa s'ya.

"Ikaw talaga, Zhyla! 'Yang mga banat mo, nakakatawa! Tss! Mag katotoo 'yan sige ka! Hahaha! Baka hindi mo mapangatawanan ah? Wahahaha!"

"Siraulo! Di tayo talo! Hahaha! Oh eh ano ngang sasabihin mo?" pang u-usisa ko pa.

"Hmm... Unahin na lang siguro natin ang S.A mo. I'll tell it to you later."

"Tsk! Ngayon na nga! Ano nga 'yon?" asar kunwaring tanong ko at itinaas n'ya ang dalawang kamay n'ya na parang sumusuko.

"Fine! Fine! Ang init agad ng ulo mo eh!" natatawang sabi n'ya na sinundan n'ya ng malalim na buntong hininga. " I just wanna ask you..."

"Hep! Tigilan mo 'ko sa ka-i-english mo ah! Tagalugin mo na lang kasi!" putol ko pa sa kanya at mahinamg tumawa s'ya.

"Oo nga pala, allergic ka pala sa English. Hahaha! Anyway, may balat ka ba?"

'Ano raw? Balat?'

"Balat? 'Yong birthmark!"

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang