62nd Mystery

3.3K 104 9
                                    

A/N: Thanks for patiently waiting! Here's the update. ENJOY!

---* 62nd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Lady Shalili and The Prophecy

---*---*---*---*---* ---*---*---*---*---* ---*---*---*---*---* ---*---*---*---*---* ---*---*---*---*---* ---*---*---*---

---* Cleinch *---

Maraming masasarap na pagkain ang nakain sa harap namin pero halos lahat ata kami ay walang gana.

Patuloy ako sa pag-iikot ng pasta sa tinidor ko pero ni isang subo ay wala pa akong nagagawa. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng paligid kaya mawawalan ka talaga nang gana.

Natinag ako ng lagyan ako ni Loki nang chicken sa pinggan. Napatingin tuloy ako sa mga kasamahan namin pero mukhang walang may balak na asarin kami. Nakatulala ang ilan samantalang may ilang mabagal na sumusubo at ngumunguya.

"Kumain ka na Cleinch. Hindi naman aayos ang problema kapag nagpakagutom ka." bulong sa akin ni Loki na kasalukuyang ipinaghihimay na ako ng manok.

"Wala kasi akong gana."

"Tsk! Kahit katabi mo ko?" bulong n'ya kaya inagaw ko na 'yong manok.

"Babanat ka na naman eh! Ako na nga dyan. Kumain ka na lang." singhal ko pero kinurot n'ya ako sa pisngi.

"Wag kang masyadong mag-isip. Magiging okay ang lahat."

"Wow! Future teller ka na rin ba? Kung makapagsalita ka, parang ang dali ng lahat."

"Tiwala lang Cleinch. Ako naniniwala akong malulusutan nating lahat ito."

"Hay! Sana talaga. Gusto ko mang maging positive pero, pinanghihinaan na talaga ako ng loob lalo na't kulang tayo. Si Chance nasa panig na ng kalaban, paano kung pati si Manami gano'n din? Si Cassandra, kinuha ni Lycxis, baka kung ano na namang problema ang ibabalita n'ya. Natatakot ako. Si Mrs. Soul comatose pa. Nakakapanghina nang loob di ba?"

"Don't say that. Kaya natin to---"

"Guys mauna na ako. Pupuntahan ko na lang kayo sa kwarto ni Cassandra. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko." tawag pansin ni Ditee. Hindi na n'ya kami inintay na sumagot. Agad s'yang tumayo at naglakad palayo sa amin. Nagkatinginan na lang kami at sabay sabay na nagkibit balikat.

Alam naman naming lahat na hindi talaga masama ang pakiramdam n'ya. Siguro nag-aalala talaga s'ya kay Manami.

Natapos kaming kumain at agad kaming dumiretso sa kwarto ni Cassandra. Automatic naman kasi na doon s'ya ibabalik ni Lycxis.

Katulad ng inaasahan, mas nauna kaming dumating kaysa kay Ditee. Nag-uusap usap kamo tungkol sa mga pwede naming gawin ng biglang pumasok si Aphroditee. Alam kong hindi lang ako ang nakapansin sa namumula n'yang mata pero pinili naming hindi na lang iyon pansinin.

Noong una ay ayaw ko sa kanila ni Manami. Aminado ako doon, bukod sa pangit ang first impression ko sa kanila ay talagang inis ako sa mga taong mayabang at maarte. Pero noong nakasama namin sila, I realize that I was wrong. Mabait naman pala sila lalo na itong si Ditee. Bukod sa maganda at sopistokada nyang mukha ay maganda rin ang kalooban n'ya. Na-intimidate lang siguro talaga ako noon. Now that Im looking at her, I know that beyond that fierce and god like face of her is a fragile girl.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now