43rd Mystery

3.1K 119 1
                                    

---* 43rd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

C.A.S

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cassandra *---

"Grabe talaga, Cleinch. Hangang ngayon feeling ko nakalutang ako. Ang saya saya ko kasi nalaman ko na ang S.A ko kaya lang, nakakalungkot kasi hindi ko kayo makakasama." mahinang sabi ko habang naglalakad lakad ako sa kwarto n'ya.

"Oo nga eh! Ang galing ng S.A mo. Alam mo, namangha talaga kami no'ng nakita namin 'yong nangyari. Kaso 'yon nga lang, hindi ka na namin kasama. Ganyan din 'yong nafeel ko no'ng napalipat ako eh. Ang pinagkaiba nga lang natin, ako may kasama ikaw, ikaw lang ang nando'n sa barkada natin."

"Kaya nga eh. Di bale magkikita pa rin naman tayo eh. Tsaka nando'n din naman si Chance eh."

"Naks! Super friends na talaga kayo ano?" sabi pa n'ya at tumango ako. "Oh ano nga palang decision ng board tungkol sa laban n'yo?"

"Ah 'yon? Tie raw kami. Okay na 'yon at least tig 90 kami. Wala raw kasing nakakuha ng ribbon at hindi na raw pumayag ang sina Mr. Rake na mag-rematch." natatawa pang sabi ko saka ako umupo sa tabi n'ya.

"That's good! Mataas na ang 90 ah!"
"Oo nga eh, hindi ko pati 'yon ineexpect noh. No'ng iannounce na si Ditee ang makakalaban ko, alam ko na agad na matatalo ako. I'm really lucky! Haha!"
Tumawa ako na sinundan din ng tawa n'ya. "S'ya nga pala, para saan ba 'yang mga gamit na hinahanda mo?"

Napansin ko kasing kanina pa s'ya nag-aayos ng ilang damit n'ya.

"Ah... last battle day na nukas di ba? Monday ang excursion kaya hinahabda ko na 'yong mga dadalhin ko. Ayaw ko kasing magahol sa oras. Three days pa naman 'yon kaya nagpre-prepare na ako."

"Ay! I forgot about it already. Masyado ata akong naexcite sa mga nangyari kaya nakalimutan ko na 'yan."

"Haha! Don't worry, I'll help you prepare." nakangiting sabi n'ya at ngumiti din ako.

"Salamat ah! Tulungan na rin kita para mapadali ka." I said and she nodded.
Tinulungan ko s'yang magtiklop ng ilang pirasong damit at inilagay iyon sa isang backpack.

"Ay ang cute ng box! Ano 'to Cleinch?" tanong ko pa habang hawak ang isang rectangular royal blue box with light blue ribbon sa edge at embroided na silver flowery design sa body nito.

"Ah 'yan ba? Gift 'yan sa akin nina Dad n'ong Christmas last year. It's a locket." nakangiting kwento n'ya habang nakatitig sa  box na hawak hawak ko.

"Pwede ko bang makita?" tanong ko pa at tumango s'ya.

"Sure! Sure!"

Dahan dahan kong binuksan ang box at bumungad sa akin ang isang golden necklace na may flowered shape pendant.
Inangat ko 'yon mula sa box. "Ang ganda naman nito." puri ko pa at ngumiti s'ya.

"Haha! Actually favorite ko 'yan kaya iniingatan ko talaga."

I flipped the pendant and my eyes widen in surprise.

"C.A.S?" patanong na sabi ko at ngumiti s'ya.

"Ah yeah! Pinalagyan nila ng initials ko 'yong likod but when you open it, nakalagay rin ang whole name ko dyan."

Napalunok ako at saka ko binuksan ang locket n'ya. Bumungad sa akin ang embroided na pangalan n'ya sa left side ng locket at family picture nila ang nasa kabila.

"S-Sila pala ang parents mo? Kamukha mo ang Dad mo." sabi ko pa at tumango s'ya.

Isinara ko ang locket n'ya at napapalunok na ibinalik iyon sa kahon nito. Inabot ko iyon sa kanya at nakangiti n'ya namang kinuha at itinago ito sa bag n'ya.

"Ahm... Cleinch, bukod sa birthmark mo sa dila, may iba ka pa bang birthmark?" tanong ko at nilingon n'ya ako.

"Ha? Ah... oo sa talampakan." sagot n'ya at nanlaki ang mga mata ko. "Oh bakit gulat na gulat ka naman d'yan?"

"H-Ha a-ah eh w-wala. Haha! Uhm... sige ah, babalik muna ako sa kwarto ko." Tumayo ako at ngumiti sa kanya.

"Oh akala ko ba, mag-aayos na tayo ng gamit na dadalhin mo?" tanong n'ya.

"Ahm.. bukas na lang, may gagawin pa pala ako. Sige ah!"

"O-Oh sige." parang nawiwirduhang sabi n'ya at pilit na tumawa ako saka ako nagmamadaling bumalik sa kwarto ko. Ini-lock ko pa ang pinto saka ako napaisip.

'Si Cleinch kaya ang isa sa mga hinahanap ko? Kailangang makausap ko si Lycxis.'

.

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now