22nd Mystery

4.6K 145 5
                                    

---* 22nd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

The Sun!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

Marahan kong pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko sa harap ng salamin.

'Tao naman ako pero bakit pakiramdam ko gamit ang turing 'nila' sa amin?'

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko saka ko kinuha ang coat ng uniform namin at dali dali akong dumiretso sa Food Dec.

'Panibagong araw, panibagong pagpapanggap. Tsk! Mahirap magpanggap na kakampi ka kung kalaban ka naman talaga. Pero ang mas mahirap, ang magpanggap na kalaban ka kung kakampi ka naman talaga.'

Hindi ko pa man tuluyang nararating ang Food Dec ay agad ko ng natanaw ang maliwanag na ngiti ni Manami habang kausap ang mga kaibigan nya.

'Ngiting totoo at kailanma'y hindi magiging huwad.'

Alam kong totoong kaibigan ang turing nya sa kanila lalo na kay Ditee pero, sadyang may mga bagay na kahit gaano kabusilak at totoo ay nababahiran ng kasamaan at nababalot ng kadiliman.

'Hindi man nya gusto pero yun ang totoo, dahil sumuko na sya. Sumuko na si Manami. Isang bagay na kailanman ay hindi ko gagawin. Ako ang araw at kailangang bigyang liwanag ko ang aking mga bituin. '

"CHANCE!" malakas na tawag nya sa akin.

Naagaw nun ang atensyon ng iba pang mga nag-aalmusal ngunit natinag ako ng makita ko ang masamang tingin na ipinupukol sa akin ng dalawang tao nakaupo sa likod ng mesang kinauupuan nina Nami.

Tatlo silang naroon bagama't walang pakialam ang isa na patuloy lamang sa paghigop ng sabaw na nasa harapan nya.

'Storm Alexis Dattel. Line Ariston Fortalejo. Bakit ganyan kayong tumingin sakin?'

Nang marating ko na ang upuan ko ay saka lang nila ako tinantanan ng tingin.

'May alam ba kayo? Pero paano? Paano nyo nalaman?'

.

.

.

.

.

"Kindly pass your works!" utos ng prof. namin sa research kaya wala na kaming choice kundi ipasa ang kakarampot na nagawa namin ni Cassandra.

"This will be your last work for the month dahil this coming Saturday ay uuwi na kayo sa mga pamilya nyo." wagas ang ngiting dagdag nya at napayuko ako.

'Pamilya? Meron ba ako nun?'

Napalingon ako sa katabi ko habang masaya sya at tutok na tutok na nakikinig sa paliwanag ni Sir para sa magaganap na visitation.

'Uuwi ka na kaya siguro ganyan ka kasaya? Sino ba namang hindi sasaya kung makikita na nila ang mga mahal nila di ba?'

Agad kong iniwas ang tingin ko nung bigla syang lumingon sa akin.

"B-Bakit ka tumititig sakin, may dumi ba ako sa mukha?" tanong ni Cassandra pero hindi ko sya pinansin.

Nagpanggap akong nakikinig sa prof. kahit pa malayo na ang aking isip.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now