8th Mystery

6.1K 159 9
                                    

---* 8th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Partner Partner!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Loki *---

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang kasa-kasama ko ang dalawang to!

Isang araw, nagising na lang ako na palagi silang nakabuntot sa akin at eto pa..

'Magkakaibigan na daw kami!'

Makulit silang pareho at matanong pero inaamin ko, kahit paano ay nakakatuwa sa pakiramdam na hindi ako mag-isa, na may mga taong gustong lumapit sa katulad kong basag ulo.

'Putek! Ano bang pinagsasasabi ko, napakadrama! Nakakabading! Pwe!'

"Hoy! Earth to Loki! Kanina pa kami kwento ng kwento eh! Ano ba't tulala ka na naman?" sita ni Storm habang ngumangata ng chichiriang binili nya kanina sa food dec.

"Wala! Naiiingayan ako sa inyo!" singhal ko at tumawa silang dalawa.

"Kahit kailan talaga tong si Loki oh! Pare ingata mo yan ng chichiria dali!" natatawang sabi ni Line na ibinato sakin ng hindi pa nabubuksang chichiria.

Binuksan ko naman yun saka ko sinimulang kainin.

'Tss! Pasaway din talaga ang dalawang ito!'

May klase kami ngayong hapon kaya nandito kami sa Underground. Hindi ko naman talaga sila kaklase kapag umaga eh pero kapag hapon, heto at magkakasama ang tatlong section.

Wala pa si Sir Xenon kaya naman nakakakain pa kami.

'Bawal kasing magdala ng pagkain dito eh pero, siraulo ang mga kasama ko. Hahaha!'

"Kyaah! Yung new student, paparating na! Ang gwapo nya!"

Napalingon kaming tatlo sa pintuan nung underground at pumasok nga dun yung bagong salta.

'Mag-isa lang sya? Nasaan yung kasama nya kahapon. Tss! Dahil sa pagdating nila kahapon, nawalan kami ng pasok! Ang saya di ba?'

"Ghaa! Ang gwapo nya! Ang bango pa!" impit na tili ng ilang kababaihan.

"Hanep! Lakas ng dating ng isang to ah!" biglang sabi ni Storm.

"Oo nga eh! Mukhang ang yabang noh?" tanong ni Line at tumango si Storm.

Tiningnan ko naman sya.

'Tsh! Mukhang lampa to eh! Nakadekwatro pa umupo! Baka bakla! Hahaha!'

Natinag ako nung bigla nya akong lingunin.

Nakipagtitigan sya sakin kaya tinitigan ko din sya.

'Gago to ah!'

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatingin sa isa't isa pero nakangisi nyang binawi ang tingin nya.

'Aba't? Anong ngini-ngisi ngisi mo?'

Yinupi ko yung balat ng chichiriang naubos ko na saka ko itinupi at inaambang ibabato sa kanya..

"Hoy! Anong gagawin mo?" tanong ni Storm.

"Eh loko yung bagong salta eh, ang yabang!" sabi ko at tumawa sya.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now