35th Mystery

3.9K 131 6
                                    

A/N: Short Update!

---* 35th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Open Battles' Rules and Mechanics

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Zhyla *---

Agad kong isinuot ang hairnet at inayos ang combat uniform ko.

'Whooo! Eto na! Open Battles na! Ilang sandali na lang ay magsisimula na ang exam. Sana naman, manalo ako.'

"My gosh! Kahit ano atang gawin ko eh, hindi mawawala ang kaba sa dibdib ko. I'm not ready. Wag muna sana akong mabunot!" sabi pa ni Prystel.

"Naku! Buti ka nga eh, magagamit mo 'yong S.A mo. Eh ako? Hindi ko iyon magagamit sa pakikipaglaban." nakasimangot na sabi ko.

"Oo nga no? Hay! Goodluck na lang talaga sa atin. Shocks! Paano na lang si Cassandra? Hindi n'ya alam ang S.A n'ya."

"Oo nga pala! Tsk! Ano kaya ang mechanics ng battles?"

"Hmm... Isa pa yan! Ano nga kaya no?" tanong n'ya ulit habang nag-aayos ng buhok n'ya.

"Malalaman din natin 'yan mamaya. Oh matanong nga kita, sinong gusto mong makalaban?" pang-uusisa ko pa at napaisip s'ya.

"Uhm... Mas maganda kung galing sa undiscovered section para malaki ang tyansa kong manalo pero wag si Cassandra, o di kaya si Cleon, para makaganti ako sa kanya." natatawang sabi n'ya at natawa na rin ako.

"Good Day, students! Please proceed to the Battle field. The Open Battles will start in 15 minutes." malakas na announce mula sa speaker.

"Good Day, students! Please proceed to the Battle field. The Open Battles will start in 15 minutes."

"Tara na! Magsisimula na raw!" aya ko pa at sabay kaming pumunta sa field.

-----*-----

Napapalibutan ng stair benches ang buong field. Punong puno ito ng mga estudyante mula sa iba't ibang levels.

'Level M students lang naman ang maglalaban laban pero manonood ang ibang levels.'

Di kalayuan sa inuupuan namin ay tanaw na tanaw ko si Storm na kausap ang mga kaibigan n'ya. Kasama rin nila si Moni.

Simula ng tanungin n'ya ako ng tungkol sa future n'ya ay napansin kong madalas na silang magkasama. Hindi ko na nga s'ya gaanong nakakasama eh.

Napabuntong hininga na lang ako.

'Hindi n'ya na ako gaanong kinakausap! Sineryoso n'ya talaga ang sinabi ko.'

"Hey! Are you okay?" natinag ako sa tanong na 'yon ni Cleinch.

Nilingon ko s'ya at saka ako ngumiti. "Ano ka ba? Syempre ayos lang ako." Pilit ang tawang sagot ko at kumunot ang noo n'ya.

"Sigurado ka?" tanong n'ya at tumango ako.

"Bakit naman hindi ako magiging okay?"

"Hmm... Kanina pa kasi kita kinakausap kaso..." pambibitin n'ya pa saka s'ya sumilip sa pwesto nina Storm. "... nasa kanila ang atensyon mo?"

Ngumiti s'ya nang bahagya saka sya ulit nagsalita. " Anyway, goodluck sa atin. Sana manalo tayong makakaibigan."

Umiwas s'ya ng tingin, magsasalita na sana ako nang biglang dumating si Sir Cadmium.

Doon ko lang din napansin na naroon sa assigned sit nila sina Mr. and Mrs. Soul, si Sir Xenon at iba pang mga faculty members.

'Wow! Ganito ba kabongga ang exam na ito? Kumpleto sila ah. Nakakapressure naman!'

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now