11th Mystery

5.5K 152 2
                                    

---* 11th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

Imbalances!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Line *---

Kanina ko pa pinagmamasdan si Storm na parang balisa at hindi mapakali.

Ni hindi nya ako tinatapunan ng tingin at patuloy sya sa paglalaro sa mga daliri nya habang malikot naman ang kanyang mga mata.

Oras ng klase namin ngayon sa Mathematics kaya naman hindi ko sya malapitan.

Malayo ang upuan namin sa isa't isa at isa pa, naglelecture yung teacher namin.

Nung isang araw ko pa napapansin na may kakaiba sa kanya pero binabalewala ko lang yun dahil kapag kaharap nya ako ay pilit nyang ipinapakitang normal lang ang lahat, na walang kakaiba, walang mali pero hindi nya na kayang itago to sakin ngayon.

'Nakakatakot masyado ang S.A nya at kapag ganyan sya, alam kong may hindi tama. Nagugulo na naman ang balenseng inaayos nya. Ang balanseng napakahirap intindihin na kahit ang ubod ng talinong kagaya ko ay hindi naiintindihan.'

"Class, we are already in our 4th week of class. I wanna announce that this coming friday will be your first ever major examination. I hope you will study our lessons. For my subject, I prepared a hundred-item test." nakangiting sabi ni Ma'am at nagsipag-angalan ang mga kaklase ko kasama na ang katabi ko.

"Ma'am ang dami naman nun!" reklamo ni Prystel at nagsipagsang ayunan ang mga kaklase ko.

"Oh well, konti pa nga yun eh, minsan hundred fifty or 200 items ang ibinibigay ko." sagot ni Ma'am at nagsisama ang itsura nila at tumayo pa yung transferee.

"Ma'am sa Sun Flare, konti lang magbigay ng exam." maktol pa ni Nami at tumawa si Ma'am.

"Sa Sun Flare yun, nasa Moonlight ka na." sagot nya at napaupo na lang si Nami.

"Oh well, alam ko namang kaya nyo yun. Aside from that, magaganap ang test of courage sa Creep. Si Sir Xenon na ang magpapaliwanag nun sa inyo. So that's all for today, you can take your break." sabi pa nya bago sya lumabas.

Tumayo na ang karamihan at nagsipaglabasan kaya naman nagkaroon na ako ng pagkakataong lapitan si Storm na busy sa pag-aayos ng gamit nya.

"Dude! Tara!" nakangiting sabi ko at kumunot ang noo nya.

"You're creeping me out! Wag ka ngang ngumiti ng ganyan." sabi nya at tumawa ako.

"I know you dude, may problema na naman di ba? You need to tell me." sabi ko at kitang kita ko ang pagtamlay ng expression nya.

"Tara sa tambayan. Dun ko ipapaliwanag." mahinang sabi nya at sumunod naman ako.

.

.

.

.

"Oh ano na? Anong problema mo at parang iba ang timpla mo?" tanong ko at may kinuha syang papel sa bulsa nya.

Inabot nya yun sakin kaya naman binasa ko ang nakasulat dun.

|*Storm Alexis Dattel

*Line Ariston Fortalejo

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now