44th Mystery

3.1K 127 6
                                    


---* 44th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Zhyla, Chance and Cassandra

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Prystel *---

At exactly six in the morning, we headed our way to the battle field.

'Maaga raw kasing sisimulan ang battles na naudlot kahapon. As promised, restored na rin ang mga damages na ginawa nina Cassandra kahapon.'

"Hoy! Aba Zhyla, kagabi ka pa tulala ah. Ano ba kasi 'yong sasabihin mo dapat sa akin ha?" tanong ko sa katabi kong magdamag na nakatingin sa kawalan.

Lumingon s'ya sa akin at nagpakawala ng buntong hininga. " Mamaya ko na lang sasabihin sayo pag tapos na ang laban mo. Ayaw kong madistract ka." seryosong sabi n'ya at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

'Ano bang sasabihin mo, Zhyla? Kinakabahan ako ng sobra.'

"Hey, Cassandra. Ayos ka lang ba talaga?" dinig kong sabi ni Cleinch na katabi ko. Sinilip ko si Cassandra at tulad ni Zhyla ay nakatulala rin s'ya at mukhang pareho silang puyat.

'What is happening on earth? May alam ba si Cassandra sa sasabihin ni Zhyla?"

"Hoy, Cassandra!" sigaw ko.

"Ay confirmed!" gulat na sigaw n'ya at kumunot ang noo ni Cleinch.

"Anong confirmed?" tanong ni Cleinch.

"A-Ahaha! Wala 'yon!"

"You're acting wierd since last night tapos mukhang puyat na puyat ka pa? May nangyari ba kahapon? I mean kinuha ka ulit no'ng boses?" tanong ni Cleinch at akmang sasagot si Cassandra ng biglang sumulpot si Chance sa harapan namin.

"Cassandra, sumama ka muna sa akin. I have something to tell you." seryosong seryosong sabi ni Chance at nilingon kami ni Cassandra.

"Ah girls, saglit lang ah. May pag-uusapan kami ni Chance. Babalik din ako agad." sabi n'ya pa bago s'ya tumayo.

Nagulat na lang kaming lahat ng tumayo rin si Zhyla at agad n'yang hinawakan ang kamay ni Cassandra.

"Hindi mo s'ya pwedeng isama. May laban ang kaibigan namin at mahalagang nandito s'ya." kunot noong sabi n'ya at nanlaki ang mga mata namin ni Cleinch nang tanggalin ni Chance ang kamay ni Zhyla na nakahawak kay Cassandra saka n'ya hinawakan ang kamay ni Cassandra as in holding hands.

'Whoa! What's happening?'

Nagkatinginan kami ni Cleinch at pareho kaming napakibit balikat.

"Hindi naman hawak ni Cassandra ang paa at kamay ng kaibigan mo hindi ba? Walang dahilan para hindi s'ya makalaban kahit wala si Cassandra. Isa pa, saglit lang naman kami, wag kang mag-alala, ibabalik ko agad ang kaibigan mo." seryoso at kunot noong sabi ni Chance saka n'ya marahang hinila pababa si Cassandra.

Naiwan kaming kukurap kurap at hindi makapaniwala. Napansin ko naman ang pagkuyom ng mga kamay ni Zhyla. Padabog s'yang umupo sa tabi ko at muli kaming nagkatinginan ni Cleinch. Akmang kakausapin ko si Zhyla nang pigilan ako ni Cleinch.

Binigyan n'ya ako ng makahulugang tingin saka s'ya marahang umiling. Napatingin ulit ako kay Zhyla at kunot na kunot ang noo n'ya.

'Oh ohh! Mukhang badtrip na badtrip itong isang 'to. Oh my gosh! Based on what I've witnessed, hindi kaya? Capital OMG! Hindi kaya lesbian talaga si Zhyla? 'Yon siguro ang sasabihin n'ya sa akin. Baka hindi n'ya na kayang itago ang totoo at kailangan n'ya ng isang friend na mapagkakatiwalaan ng deepest and darkest secret of her life. Siguro crush n'ya si Cassandra at nagseselos s'ya kay Chance. Baka kaya ayaw n'ya ring ipaalam kay Storm ang nakita n'ya dahil hindi talaga s'ya girlash! OMG! Kung tama nga ako, don't worry Zhyla. I'll accept you no matter what you are. Gano'n ang totoong kaibigan di ba? Hays. Siguro hirap na hirap s'ya. Aww kawawa naman si Zhyla. Tsk! Tsk! Tsk!'

"Prystel, anong iniiling iling mo d'yan?" bulong sa akin ni Cleinch at umiling lang ulit ako.

"Sana maunang mabunot ang pangalan para, makapag-usap na tayo, Prystel." biglang sabi ni Zhyla kaya nilingon namin s'ya. Binalingan rin n'ya ng tingin si Cleinch. "Ikaw rin Cleinch, pati si Cassandra. Kailangan ko kayong makausap pati na rin si Aphroditee."

"Aphroditee? Bakit pati s'ya?" tanong naming pareho.

"Dahil damay s'ya rito." sagot n'ya na s'yang nagpagulo sa isip namin.

'Damay? Damay saan? Mukhang mali ang naisip ko ah. Hindi 'yon ang sasabihin n'ya. Pero ano?'

-----*-----

Natapos ang unang tatlong laban na walang Cassandrang dumadating.

"Nasaan na ba si Cassandra at bakit antagal n'ya. Akala ko saglit lang sila?" tanong ni Cleinch.

"Hahanapin ko lang si Cassandra." biglang tayo ni Zhyla saka s'ya dali daling bumaba sa stair benches. Naiwan kami ni Cleinch na napapailing na lang.

"Ang wierd ni Zhyla ngayon ano?" sabi ni Cleinch.

"Oo nga eh. Kinakabahan tuloy ako sa sasabihin n'ya."

"Kaya nga eh. Nagtataka nga rin ako kung bakit pati si Aphroditee."

Natinag lang kaming pareho ng biglang magsalita si Mr. Xenon.

"For the next battle, here are the players." pag-a-announce pa n'ya saka n'ya ipinitik ang kamay n'ya. Umikot ang mga pangalan sa board at huminto matapos ang ilang segundo.

|••• Keira Prystel Lawn VS Cleon Almendres •••|

Napangisi ako nang mabasa ko ang pangalan ko at ni Cleon.

'Huh! It's payback time baby!'

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now