20th Mystery

4.6K 147 0
                                    

---* 20th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

A Simple Touch!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Prystel *---

Hindi pa rin talaga kami makapaniwala sa nakita namin.

'What the eff?'

Nanatili kaming gulat na nakatingin kay Cassandra na kasalukuyang inaayos ang sarili nya mula sa pagkakalaglag sa kama.

"C-Cassandra! O-Okay ka lang?" tanong ko nung makabawi ako.

Dali dali akong lumapit sa kanya at tumabi ako sa kanya.

"B-Bakit nandito kayo ni Zhyla?" tanong nya pa.

"Because we are worried." sagot ko.

"Pinuntahan ko sila dahil bigla kang n-nawala. Ayos ka lang?" tanong ni Cleinch na nakabawi na rin sa pagkagulat.

Kumuha sya ng walis at dustpan at agad nyang nilinis yung mga nagkalat na bubog at si Zhyla naman ang nag-mop ng sahig dahil sa choco drink na natunaw na.

Matapos yun ay lumapit sila samin at pinagitnaan namin si Cassandra.

"Yung boses ba ang kumuha sayo? Sinaktan ka ba nya? Jusko! Sobrang nag-alala kami sayo." nag-aalala pa ring sabi ni Zhyla at bumuntong hininga muna sya bago sumagot.

"A-Ayos lang ako. Wala naman s-syang ginawa sakin eh. N-Nag-usap kami at h-hindi naman daw sya masama. H-Hindi nya din daw ako sasaktan at wala daw syang intensyong takutin ako."

"Oh eh bakit ka daw nya kinukuha?" tanong ko pa.

"E-Ewan ko nga eh, pero sabi nya, kailangan ko daw syang tulungan. May mission daw ako."

"Mission?" gulat na tanong namin at parang batang tumango tango sya.

"What mission?" tanong ni Cleinch na tumayo pa at pumunta sa harap nya.

"H-Hindi nya nasabi eh. Next time na lang daw, basta sabi nya bukod sakin may 9 na tao pa daw na tutulong sakin para sa mission ko."

"Seryoso?" tanong ni Zhyla at tumango ulit sya.

"Mmm.. Sigurado ako, hindi tao yang nakakausap mo. Makapangyarihan yan for sure." dagdag ko pa.

"Oo, makapangyarihan talaga sya kaso daw, hindi nya na magamit yung iba nyang kapangyarihan kaya kailangan nya ng tulong ko at nung 9 persons pa na tinutukoy nya. Tingnan nyo, may binigay sya sakin." sabi pa nya at agad nyang inilabas ang isang coin mula sa bulsa nya pero malaki yun kesa normal.

"Coin?" gulat na tanong namin.

"Sabi nya, dapat ingatan ko to! Wag ko daw aalisin sa katawan ko." sabi nya at kumunot ang noo naming tatlo.

"Tsh! Eh paano mo gagawin yun. Mukha ka namang ewan kung lagi mong bitbit yan eh hindi naman yan maipapambili." sabi ko pa.

"Naisip ko na din yan eh kaya ipapatunaw ko na lang to para gawing bracelet." sagot nya.

"Hmm.. Pwede, eh saan mo ipapatunaw?" tanong ni Zhyla.

"Ewan? Patapos na naman ang June eh di ba? Uuwi na tayo sa mga bahay natin, magpapasama na lang ako kina Kuya." sagot nya pa.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon