58th Mystery

2.9K 116 4
                                    

--* 58th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

♥♡Scattered Hearts ♥♡♥

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Zhyla *---

Dumating ang araw na punakahihintay ng lahat, ang school festival. Kung excited ang mga estudyante dahil walang klase at puro fun... fun... fun lang, kami ay excitef dahil nagbabakasakali kaming darating si Chance.

~BIKYU~

Malakas na ungot ni Fluffy na ngayon ay hanggang tuhod ko na ang taas. Mataba pa rin s'ya at mas kyumute kaysa dati.

Binuhat ko s'ya at inilapag sa kama. "Ang laki mo na ah, ang bigat mo." sabi ko pa at agad pumungay pungay ang mga mata. 'Pacute talaga!'

"I can't believe napalaki natin s'ya nang ganyan without them knowing. I'm proud! Hahaha!" sabi pa ni Prystel.

"Oo nga eh. Nakakalungkot lang na hindi na natin s'ya napagtutuunan ng pansin dahil sa mga problema. Napakarami kasi."

"Oo nga eh. Minsan nga naawa na ako sa kanya dahil nakukulangan na s'ya  ng pansin." sabi pa ni Prystel habang inaayos ang pulang ribbon sa ulo n'ya. Napatitig ako sa suot n'ya at napabuntong hininga. Naka- light blue collared shirt s'ya na may logo ng school sa gitna. May pangalan ito saa bandang ibaba, white shorts na kalhati lang ng legs ang haba at pink na rubber shoes. Nilingon n'ya pa ako ng mapansing nakatitig ako sa kanya.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Magbihis ka na, malelate tayo n'yan eh. Baka magsimula na ang opening ceremony." sabi pa n'ya bago lumapit kay Fluffy at kinalong ito.

Walang kibong pumasok ako sa C.R at nagbihis. 'Ugh! Bakit kasi kailangang ganito pa ang isuot! Halos kita na ang balat ko eh. Hindi ako kumportable.'

Lumabas ako at humarap sa salamin. Inipit ko na lang ng isang mataas ang buhok ko.

"Ang cute mo, Zhyla! Haha!" pang-aasar ni Prystel kaya pinandilatan ko s'ya. "Ang pikon nito eh. Naku! Kapag nakita ka ni Storm, laglag panga no'n. Ang sexy mo. Baka ibreak n'ya si Moni."

"Tumigil ka nga! Hindi naman daw sila eh sabi ni Storm." singhal ko at ngumisi s'ya. "Oh? Ano na naman?"

"So, paano mo nalamang di sila?" tanong n'ya.

"Malamang, sinabi n'ya sa akin!"  asar na sagot ko.

"Oh eh bakit daw hindi sila?" tanong n'ya.

"Dahil may gusto s'yang iba!" asar na talagang sabi ko at humalakhak s'ya. Tumayo s'ya at inihiga ang tulog na si Fluffy bago lumapit sa akin.

"Sino raw gusto n'ya?" tanong pa n'ya at agad na nag-init ang mukha ko.

"A-Aba malay k-ko! E-Eh di itanong mo sa kanya. Bakit ba a-ako ang tinatanong mo?" sigaw ko pero ngumisi s'ya.

"Eh kasi Zhyla, obvious naman na may hindi ka sinasabi sa amin. Halata kayang nag-iiwasan kayo. Akala n'yo ba, hindi namin pansin?"

"Tsk! Ano bang sinasabi mo? B-Bakit naman kami mag-iiwasan?"

"Kasi gusto n'yo ang isa't isa, umiiwas ka kasi takot ka, umiiwas s'ya kasi nahihiya s'ya dahil sa mga sinabi n'ya." nakangiting sagot n'ya na tumataas pa ang dalawang kilay.

"A-Anong sinabi? Wala s-syang sinasabi ah!" nanlalaki ang matang sabi ko.

"Geh! Ideny mo lang. Narinig kaya namin ni Cleinch 'yong usapan n'yo. Hindi naman namin sinasadyang marinig eh."

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now