14th Mystery

4.8K 129 5
                                    

---* 14th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

Test of Courage! (3)

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Zhyla *---

Nang idilat ko ang mga mata ko ay natagpuan ko ang sarili kong nakahiga sa isang madamong lugar.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at dun ko napansing sa halip na kulay green ang mga damo damo ay bluish ang mga dahon nila at violet naman ang mga maliliit na bulaklak.

'Hanep! Amazing!'

Nilingon ko ang gilid ko at dun ko nakita si Storm na nakadapa at natutulog.

"Hoy!" tapik ko pa sa braso nya at bahagya syang gumalaw.

'Aba ang mokong! Wala atang balak bumangon!'

"Hoy, Storm! Uy nasa exam tayo. Mamaya ka na matulog!" yugyog ko sa braso nya pero tinanggal nya ang kamay ko at ibinaling nya sa kabila ang ulo nya.

'Aba! Tadyakan ko kaya to? De joke lang! Haha! Mabait yan sakin eh!'

"Parekoy! Gising na ho! Pst! Aba!" sabi ko habang sinisipa sya ng mahina.

"Aray ko naman, Zhyla! Tulog muna tayo. Masyado akong nahilo dahil dun sa mga umiikot na bilog. Mamaya na tayo mag-exam. Ang sakit ng ulo ko eh, saka hindi pa nga natin alam kung ano yung ipagagawa satin eh!" pangangatwiran nya pa saka sya tumihaya.

Humiga na lang din ako at pinagmasdan ko ang buwang nagkukulay green?

'Nyeks? Bakit parang abnormal naman ng mga kulay dito sa lugar na to? Damong blue tapos buwan na green? Nabaligtad ganun?'

"Ano yun?" turo ni Storm dun sa isang pigurang papalapit sa amin pero lumilipad ito.

"Malamang ibon! Kita mo na ngang lumilipad." nakangising sagot ko at ngumisi sya.

"Bakit, ibon lang ba ang lumilipad? Hahaha! Baka si Line yan! Hahaha!" tumatawang sabi nya at nanlaki ang mga mata ko.

"B-Bakit? Nakakalipad ba si Line?" gulat na tanong ko at humagalpak sya ng tawa.

"Oo! Aswang yun eh!" malakas ang tawang sabi nya at hinampas ko sya.

"Siraulo ka! Seryoso ako!" sabi ko at tumawa ulit sya ng malakas.

"Seryoso rin naman ako eh, at sa tingin ko sa mga oras na to, kinakain nya na ang mga laman loob ni Prystel!" nanlalaki ang matang sabi nya at napabalikwas ako.

"Ugok ka! Wag ka ngang magbiro ng ganyan!" inis na sabi ko at sumeryoso ang mukha nya.

"Hindi naman talaga ako nagbibiro. Yun ang S.A nya. Ang pagiging aswang." sabi nya at pinaghahampas ko sya.

"Waaaaaah! Nantritrip ka eh!"

"A-Aray! Aray ko! UY! Aray! UY! Tsk! Zhyla!" umiiwas na sabi nya habang hinahampas ko sya.

"Nakakainis ka kasi. Lakas trip ka ah!" sigaw ko.

"Hindi yun pantritrip! Kaya nga kami lumipat dito sa MLH eh, dahil may nabiktima sya sa dati naming school." sabi nya pa at ramdam na ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa mukha ko.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now