Introductory Chapter #2

12.3K 251 6
                                    

---* Introductory Chapter #2 *---

Let's Meet Zhyla Jame Kayle..

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

*TOK! TOK! TOK!*

"ATE!! ATE!!"

*TOK! TOK! TOK!*

"ATE ANO BA? BAHALA KA NGA, MALE-LATE KA NA! MAY PASOK NA!!"

*TOK! TOK! TOK!*

'Argh!'

"OO NA! HETO NA OH! BABANGON NA!" sigaw ko din saka ako padabog na bumangon mula sa hinihigaan ko.

Nagdiretso agad ako sa C.R ko at diretso hilamos.

Bago naman ako matulog sa gabi eh inihahanda ko na ang mga gagamitin ko para paggising ko, diretso na diba.

Nakapikit akong lumusong sa tub at dun nagising ang diwa ko.

'Shet! Ang lamig!'

Makalipas ang ilang minutong paliligo eh lumabas na rin ako ng C.R.

Lumapit ako sa closet ko at dun ko nakita ang Senior High Uniform ko.

'Tsk! Ang init init na nga sa Pilipinas, long sleeves pa ang uniform! Nice! Baka mamatay ako neto sa init! Sino bang umembento ng ganitong uniform at uupakan ko. Pahirap sa buhay eh.

Yuck! Ang ikli ng palda! Nakakahiya namang magsuot nito! The heck talaga!'

Kinuha ko ang mahabang medyas saka ako sumalampak sa kama ko at isinuot yun.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at dun ako napasimangot.

'Mukha akong ewan! Nakakairita!'

Kinuha ko ang suklay at agad kong inipit ng ang buhok ko.

'Messy bun para astig! Naks!'

Matapos yun ay kinuha ko ang backpack ko na black, plain meaning wala ni isang design.

Bumaba ako at naabutan ko ang mga kapatid kong kumakain na ng almusal, si Kuya multi-tasking pa, kumakain habang nagbabasa. Ikaw na!'

"Ang daya nyo ah! Bakit di naman kayo nang-intay?" sabi ko saka ako umupo sa tabi ni Blue.. "Ayos kang makakatok ah! May balak ka bang sirain yung pinto ko?" tanong ko pero nginisihan nya ako kaya naman..

*plok*

"ARAY! Ate! Bakit ka naman nambabatok?" singhal nya at ako naman ang ngumisi sa kanya.

"Tigilan nyong dalawa yan ha, nasa harap kayo ng pag-kain." saway ni Kuya Grey.

"Nasaan pala si Papa? Hindi nya ba kami ihahatid ni Blue?" tanong ko at ibinaba nya ang dyaryong binabasa nya.

"Umalis na sya. Maaga daw syang kailangan sa trabaho." sagot nya saka ulit bumaling sa dyaryong binabasa nya.

"Ano ba yan! Anong trabaho ba kasi yun ha? Masyado namang masikreto yang si Paps! Anyway, ikaw ba ang maghahatid samin? Ayoko mag-commute ng ganito kaaga!" sabi ko at ni hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin.

"Ang aga aga, nagrereklamo ka na Ate. Wag kang mag-alala ihahatid tayo ni Kuya. Bugbugin natin pag di tayo hinatid!" sabat naman ni Blue at ngumiti ako.

"Sige gusto ko yan! Apir!" sabi ko at umapir naman sya.

Ganyan lang kaming tatlo pero ang totoo, super close kami.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now