47th Mystery

3K 121 6
                                    

A/N: Ipopost ko na ang enrollment form ng MLH 3 maya maya pati ang prologue though updates will be after MLH 2 pa. Feel free to enroll, libre yon. Haha! If you have time, you can also read Enchanted Chronicles. Sunflare Institute naman ang featured school do'n. Kasabay ng MLH 3 ang timeline no'n.

-Peachberryfruity

---* 47th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

The Tale that Started it all!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cassandra *---

Nanatili akong nakatulala sa gitna ng pag-uusap usap nilang lahat.

'Masama si Chance? Kaya ba palaging pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanya? Pero hindi eh, alam kong hindi s'ya gano'n. Eh bakit nga ba kailangang hanapin pa nila kami? Kung wala silang interes sa kapangyarihan, bakit nandito kami ngayon? Bakit ipinapahanap nila sa akin, sa amin ang iba pa? Si Lycxis? Kasabwat ba s'ya? Masama ba s'ya? Ibig sabihin fake lahat ng pinapakita sa akin ni Chance?'

Hindi ko alam kung bakit pero isipin ko pa lang na totoo ang hinala nila ay kumikirot na ang puso ko. Pakiramdam ko may nakabara. Gusto kong maiyak pero wala namang dahilan para umiyak ako.

'Chance, sana hindi ka tulad ng iniisip ko dahil kapag nagkataon, masasaktan talaga ako.'

"So... handa na ba kayong makinig? Kailangan nating ianalyze ng mabuti ang kwentong ito para makaisip tayo ng magandang plano para icounter sila." sabi ni Storm kaya bumalik ang focus ko sa kanila.

"I can't believe this! This is... ugh! How will I... tsk!" inis at putol putol na sabi ni Ditee kaya nilingon namin s'ya.

"Nakakagulat 'to? Oo! Nakalapanlumo? Oo. Wala na tayong choice, kailangan nating magtulungan para protektahan ang isa't isa." sabi ni Zhyla.

"Tama s'ya. Dapat nating tulungan at protektahan ang isa't isa mula sa mga taong gaya ng kaibigan mo." dagdag ni Line.

"At ang kwentong 'yan ang susi sa lahat." sabi  pa ni Cleinch.

"Oo, kaya dapat simulan na nating basahin 'yan." suggest pa ni Loki.

"Simulan mo na, Storm."mahinang sabi ni Prystel.

Umayos kami sa pagkakaupo at maya maya pa ay sinimulan na ni Storm ang pagbabasa.

"The Tale of Eternity by Eiram Oya." panimula ni Storm.

"Wait... nabasa na natin 'yan sa literature class ah. Tsaka, can you please clear things out? Ano bang kinalaman ng story na 'yan sa nangyayari?" tanong ni Ditee.

"Hay naku, Ditee. Mas maganda ito dahil tagalog version. Mas maiintindihan natin ang buong kwento. Makinig ka muna at kapag nabasa ko na ito sa inyo, malalaman mo na kung ano ang connection nito sa atin. Matalino ka di ba? I'm sure you can figure this out." paliwanag pa ni Storm kaya wala nang nagawa si Ditee kundi ang makinig.

"Noong unang panahon, pinaniniwalaang may dalawang uri ng daigdig. Ang daigdig ng mga mortal at ang daigdig ng mga diyos at mga diyosa. Ang dalawang daigdig na ito ay pinagbawalang magtagpo dahil sa malaki nilang pagkakaiba. Lumipas ang maraming panahon at nanatiling magkahiwalay at walang pakialaman ang dalawang daigdig. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat... dahil sa isang pagkakamali."

"Isang dalagitang dyosa ang nangahas na tumawid sa mundo ng mga mortal. Dala ng kyuryosidad ay nilabag n'ya ang batas na ipinagbabawal ng lahat. Dala ang buong tapang, tumawid s'ya sa mundo ng mga mortal na walang nakakaalam.

Nang marating n'ya ang mundong kanyang inaasam na makita ay agad s'yang namangha sa ganda nito. Agad n'yang minahal ang daigdig na hindi n'ya kinabibilangan. Ilang beses na tumawid s'ya roon at sa kabutihang palad, walang nakaalam sa ginagawa n'ya. Nagpatuloy ang pagpuslit n'ya sa daigdig ng mga mortal hanggang sa isang araw, nagawi s'ya sa isang sakahan. Agad na nabighani ang dyosa sa nagsasayawang mga palay, sa mga humahapay na sanga ng mga puno at sa humalimuyak na mga bulaklak. Sa di kalayuan ay---"

"Students, please proceed to the Cykoro Field. I repeat, students, please proceed to the Cykoro field." biglang announce kaya naman nahinto si Storm sa pagbabasa.

"Paano 'yan? Tsk! 2 hours ko lang daw pwedeng hiramin 'to sabi ng librarian. Kailangan ko na tong ibalik maya maya." asar na sabi ni Storm.

"Hiramin na lang ulit natin. Baka importante 'yong announcement. Tara na!" sabi naman ni Zhyla.

"Basta habang wala pa tayong concrete na plano, iwasan n'yo muna sina Manami at Chance. Wag na rin kayong makipag-usap do'n sa mga teacher na taga Sunflare. Malamang sila ang utak nito." bilin pa sa amin ni Line bago kami tuluyang naghiwahiwalay.

-----*-----

"Good evening students. I want to congratulate each one of you for giving us wonderful performances. Nakita namin ang improvements n'yo. Sa mga hindi pinalad na manalo, don't worry, makakabawi pa naman kayo. Nagkataon lang na magaling din ang nakalaban n'yo. Take this as a challenge to improve yourselves. Para naman sa mga nanalo. Job well done! Pero wag kayong hihinto d'yan. Take that as an achievement but do not stop improving. Well then this ends the open battles. Congratulations again, everyone!" nakangiting sabi ni Mr. Cadmium Soul.

Nagpalakpakan naman kaming lahat kahit pa hindi naman talaga ako gano'n kafocus. Hinahanap ng mga mata ko si Chance.

'Gusto ko s'yang makita. Gusto ko s'yang makausap. Gusto ko s'yang tanungin tungkol sa mga bumabagabag sa akin pero natatakot rin akong marinig ang magiging sagot n'ya sa mga tanong ko. Paano kung totoo? Paano kung masama nga s'ya? Paano kung hindi s'ya ang Chance na kilala ko?'

Muli kong inilibot ang paningin ko at doon nagtama ang paningin namin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng kaunting kirot. Nakaupo s'ya sa di kalayuan pero nasa kabilang row s'ya. Ngumiti pa s'ya sa akin kaya agad kong naiiwas ang tingin ko.

'Paano kung peke pala ang mga ngiting 'yan?'

" Hey, are you okay?" biglang tanong sa akin ni Cleinch at mahinang tumango ako.

"Hay Cassandra, alam kong mahirap pero iwasan mo muna s'ya. Para sa'yo rin naman 'to." sabi pa n'ya.

"A-Alam ko naman 'yon eh." 'Mahirap lang talaga para sa akin.'

"For our next announcement, are you all excited for this coming Monday?" masiglang tanong ni Sir at nagsigawan ang halos lahat dala ng tuwa.

'Excursion na nga pala sa Monday. I wonder what will happen. Pupunta kami sa Sunflare, papasok kami sa teritoryo ng kalaban. I hope it's not true! I'll expect for the worst but I hope for the best. Sana nga hindi totoo... Sana!'

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now