29th Mystery

4.2K 123 7
                                    

A/N: Chapter 29- Recovered! Hooray!

ENJOY!

-Peachberryfruity

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* 29th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

The Holix Code

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cassandra *---

'Hay! Hindi ko alam kung bakit pagod na pagod ako ngayon. Siguro 'yong utak ko 'yon, ang hirap kasi ng mga lessons eh.'

May mga gagawin pa rin kasi ang mga kaibigan ko kaya mag-isa na lang akong umakyat dito.

Dumiretso agad ako sa kama ko.

Pakiramdam ko nanlalambot ang katawan ko. Ni hindi ko nga ata naisara ang pinto ng kwarto ko eh.

Ilang saglit pa at nawalan na ako ng ulirat.

-----*-----

Nagising ako nang maramdaman ko ang pagyanig ng lugar.

Masyado iyong malakas at ramdam na ramdam ko rin ang lamig.

Agad kong naimulat ang mga mata ko at laking gulat ko ng makita kong wala na ako sa kwarto ko. Nandito na ako sa Tierra Eterno.

Napatayo ako at napasigaw ng makita ko ang liwanag na nagmumula sa may falls.

'Natatakot ako pero gusto ko ring makita kung ano ang mayroon d'on.'

'Siguro, dahil sa ilang beses kong pabalik balik dito ay lumakas na ang loob ko kahit konti.'

Dahil sa lakas ng pagyanig ay pagapang akong lumapit sa fall at d'on ko nakita ang pinagmumulan ng liwanag.

Unti unting nabibitak ang nagyeyelong tubig.

'Hala! Bakit nasisira na ang falls?'

Unti unting lumabas ang tubig mula roon at mas tumindi ang liwanag kaya naipikit ko na ang mga mata ko.

"CASSANDRA, LUMAYO KA D'YAN!" sigaw ng isang munting tinig at agad ko iyong nilingon.

'Si Lycxis!'

Nagmamadali s'yang pumunta papunta sa akin at agad nya akong hinawakan.

Sa isang iglap ay nilamon kami ng liwanag at napunta kami sa lugar na ngayon ko pa lang napuntahan.

Huminto ang pagyanig at d'on s'ya nakahinga ng maluwag.

Tanaw na tanaw namin mula rito sa tuktok ng falls ang humuhupang liwanag mula sa tubig sa paanan ng talon.

Noong tuluyan itong nawala ay nanlaki ang mga mata ko.

Tubig na ito maliban sa mga yelong may hugis na naroon.

Sa pinakagitna ay may korteng korona. Sa kanan nito ay ang yelong may hugis araw at sa kaliwa ay ang hugis buwan. Nakapalibot sa mga 'yon ay ang walong bituin na gawa din sa yelo.

"Bumukas na ang lagusan." mahinang sabi ni Lycxis kaya nilingon ko s'ya.

"A-Anong lagusan?" tanong ko pero ngumiti lang s'ya.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon