BONUS SCENE

3.5K 127 11
                                    

BONUS SCENE! Read it if you want Fluffyness. ^o^

Habang abala ang ating mga bida sa kani-kanilang buhay estudyante, may isang nilalang ang mag-isang naiiwan sa kwarto.

Ano nga ba ang nangyayari sa kanya kapag wala sina Zhyla?

Welcome to FLUFFY'S FLUFFY CORNER!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Fluffyness 101

~bikyu~

Mahinang huni ng munting nilalang na kasalukuyang nakamasid sa kahong kanyang kinalalagyan.

~bikyu~

Maingat nyang itiningkayad ang mga mumunting paa para makita ang paligid.

Wala pa ang kanyang amo.

Dahil na rin sa pagkainip, malakas nyang binangga ang gilid ng kahong kinalalagyan nya na syang ikinagilid nito.

~bikyu~

Masayang masaya ang munting halimaw dahil sa wakas ay malaya na syang makapaglalaro.

~bikyu~

~bikyu~

~bikyu~

~bikyu~

Ikinagat nya ang mga mumunting ngipin sa kobre kama habang mahigpit nyang ikinakapit ang mga maliliit ngunit matatalas na kuko sa malambot na tela.

Kailangan nyang marating ang kama.

Doon nya balak maglaro.

Makalipas ang ilang minutong pagtitiyaga ay narating nga niya ang tuktok.

~bikyu~

~bikyu~

~bikyu~

Masayang nagtatalon ang munting halimaw sa ibabaw ng malambot na kama.

Sa bawat talbog nya ay talagang lumiliwanag ang kanyang mga mata sa tuwa.

~bikyu~

~bikyu~

~bikyu~

Sa katatalon ng munting halimaw ay may napansin syang kakaiba.

Isang misteryosong nilalang ang kanyang nakita.

Napahinto sya sa pagtalon at napatitig sa nilalang na iyon.

~bikyu~

~bikyu~

Napuno ng tanong ang kanyang isip.

'Ano ang nilalang na iyon?'

Muli syang tumalon at kitang kita nya ang pagtalon rin ng mahiwagang nilalang na tila ba ginagaya sya.

~bikyu~

Mahina syang humuni.

Huminto sya sa pagtalon at huminto rin ito. Kapag tumatalon sya ay tumatalon din ito.

Hindi na nakatiis ang munting halimaw.

Marahan syang bumaba sa kama at nilapitan ang lugar kung saan nya nakita ang mahiwagang nilalang.

~bikyu~

Habang inihahakbang nya ang munti nyang mga paa ay ganoon rin ang nakikita nya.

Nanlisik ang kanyang mata at agad nyang sinugod ang nilalang ngunit...

~bog~

~bikyu~

~bikyu~

Umungot ito sa sakit dahil bumangga sya sa matigas na bagay.

~creeek~

Bumukas ang pinto.

"Fluffy! Bakit nasa harap ka ng salamin? Don't tell me pati mga monsters nananalamin na din. May fashion sense na rin ba kayo? Hahaha!" tatawa tawang sabi ni Prystel na sinundan ng tawa ni Zhyla.

Bumalik na ang amo nya.

"Fluffy, di ba sabi ko wag kang makulit. Tss! Ikaw talaga! Hahaha!"

Kinuha sya ng amo nya pero ang paningin nya ay nanatili sa mahiwagang bagay na binangga nya kanina. Takang taka sya at walang kaaalam-alam kung bakit may isa pang nilalang ang naroon at ginagaya sya.

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now