26th Mystery

4.4K 142 8
                                    

A/N: Hello readers! ^o^, I just wanna know your thoughts about this story. Simula 1st mystery up to the current mystery, may clue na ba kayo kung saan talaga papunta ang story na ito? Just comment your guesses. I just wanna know kung may nakahula na ba? Nasobrahan ata ako sa imagination.

Sorry for late updates! Daming ginagawa eh.

Yung may mga characters, justified pa ba ang characters na binigay nyo? Inform me ha, para alam ko. Haha!

Yun lang naman. Thank You! Enjoy!

-Peachberryfruity

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* 26th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Chance and Cassandra

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

I never imagined myself being in a long table surrounded with lots of mouth watering food and colorful drinks.

Eating with them feels like I'm a sort of royalty or something.

"How was the food? Are you enjoying it hijo?" biglang tanong ng Daddy ni Cassandra.

Tumikhim muna ako bago ako nagsalita.

"Nagustuhan ko p-po." tipid kong sagot at tumango naman sya.

Nagpatuloy sila pagkwekwentuhan habang ako ay tahimik na ipinagpatuloy ang pagkain.

'So this is the feeling of eating with your family ha? The feeling that I'll never experience, again.'

"Hey bro. Let's play basketball after this." bulong sakin nung isa sa mga kapatid ni Cassandra na syang katabi ko.

'Kung di ako nagkakamali, Raven ang pangalan nya.'

"A-Ah sige." sagot ko na lang at ngumiti sya.

"Ayos! Austin pumayag na sya." tapik nya pa dun sa kapatid nya na malawak din ang pagkakangiti sa akin at nagthumbs up pa.

Nginitian ko na lang siya.

'Hindi ko ine-expect na ganito ang pagtanggap na makukuha ko mula sa kanila. Nung una ko kasi silang makita ay talagang mukha silang mayayabang at masusungit na kabaligtaran naman pala ng totoo.'

Huminga ako ng malalim at muling pinag-isipan ang plano ko.

'Sumama ako dito hindi para magbakasyon kundi para mangalap ng impormasyon tungkol kay Cassandra. Sobrang pamilyar sya talaga sakin at nung makita ko ang mga magulang nya ay mas nalito ako dahil pamilyar din sila. Mas lalo tuloy akong naghinala.

Malaki talaga ang tsansang nakilala ko na sila dati at maaaring isa sya sa mga hinahanap ko.'

.

.

.

.

"So, kumusta naman ang stay mo dito samin? Are you enjoying?" tanong ni Cassandra habang nakaupo kami sa malaking swing sa garden nila.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now