21st Mystery

4.4K 124 3
                                    

---* 21st Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

The Nerd and The Jerk!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Loki *---

Nagulat talaga ako sa nalaman ko.

Nung minsan kasing naglaho ang katawan ko ay pinuntahan ko sya para komunsulta sana kung bakit iba ata ang teloportation style na meron ako, yun ay kung teleportation talaga ang S.A ko.

~Flashback~

Dali dali akong pumunta sa opisina ni Sir para matanong sya.

Bagaman gabi na ay nagbakasakali akong naroon pa sya sa opisina nya.

~TOK! TOK! TOK!~

Hindi kaagad bumukas ang pinto kaya muli akong kumatok at matapos ang pangalawa kong katok ay bumukas nga yun at ngumiti syang agad ng makita ako.

"Oh? Mr. Maldivuoe? Ikaw pala yan? Come in!" masayang usal nya na mas nilawakan pa ang bukas ng pinto.

Tumuloy naman nga ako at agad na umupo sa upuang nasa harap ng mesa nya.

"Ano naman ang maipaglilingkod ko sayo?" tanong nya.

"Ah eh,. May nangyari kasi sakin kanina." panimula ko at itinukod nya ang siko nya sa mesang nasa harapan nya saka nya pinagsalikop ang mga palad nya.

"Ano naman yun?" tanong nya at sinimulan kong ikwento sa kanya ang nangyari.

Nagulat naman ako ng malakas syang tumawa matapos kong idetalye sa kanya ang mga nangyari.

Lumapit sya sa isang shelf at may kinuhang manipis na libro.

"Dissolving ability ang tawag dyan. Narito sa librong ito ang lahat ng kailangan mong malaman at matutunan. Basahin mo yan at pag-aralan. Special type ang S.A mo." nakangiting sabi nya habang inaabot sa akin ang librong hawak nya.

Kinuha ko naman yun at tinitigan.

'Dissolving Ability book of Secrets!'

'Secrets huh?'

"Salamat." usal ko at tumango naman sya.

"You're welcome."

"Sige! Aalis na ako." paalam ko pa saka ako tumayo at nagmamadaling lumabas pero may pahabol pa pala sya.

"Oh! By the way, since alam mo na ang S.A mo, malilipat ka na ng section. Ipapatawag na lang kita para sa mga detalye."

~End of Flashback~

'Tss! Malilipat na daw ako, mabuti naman. Hmm! Nasanay na kasi ako sa presensya nung dalawang kumag kaya naman kahit papaano ay masaya ako na makakaklase ko na ang mga *ehem* kaibigan ko.'

Marami na akong natutunan tungkol sa S.A ko dahil malaking tulong ang librong ibinigay sa akin ni Mr. Xenon.

"CALLING the attention of Mr. Maldivuoe and Ms. Stone. Kindly go to Mr. Xenon's office!" malakas na announce nung speaker na syang gumising sa inaantok kong diwa.

'Bakit kaya? Tsh! Pati si Cleinch? Nakakatawa yun kanina, nasigawan sila dahil late sila nung kaibigan nya.'

Ang alam ko nasa clinic yun ngayon dahil nahimatay yung isa pang kaibigan niya.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now