24th Mystery

4.2K 133 4
                                    

---* 24th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Other Sides

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Manami *---

Today is Saturday and guess what..

I'm here at my Lola's house. Narito kami sa isang napakalayong probinsya. Yung tipong malalayo ang agwat ng mga bahay at kalimitan ay puro puno at damuhan ang matatanaw. Mabato ang daan at kokonti ang poste ng ilaw. Mahina ang signal at higit sa lahat, napapalibutan ka ng mga tanim na gulay. Haha!

Dito naman kasi talaga ako umuuwi since nasa abroad ang Dad ko at wala na nga ang Mom ko, sa pangangalaga ako ni Lola ko lumaki.

'Mahal na mahal ko ang Lola ko and I know ganun din sya sakin.'

Tatlong taon na mula nung huli akong makauwi dito, hindi kasi tulad ng Sun Flare ang Moonlight. Mahigpit sila masyado kaya taon ang bibilangin bago sila magpauwi.

'Daig ko pa ang nag-abroad din eh!'

Namiss ko talaga itong province.

'I maybe maarte at times pero I'm not madidiriin naman. I'm always misjudged and hated by many but I don't give a damn. Why bother myself di ba? They don't know me naman. Judge me if they want! Duh! Who cares?'

"Heto, apo! Aba, nangayayat ka ata doon, ano bang kinakain mo roon ha?" tanong ni Lola habang inaabot sakin ang sliced na pisngi ng hinog na mangga.

Nagpipicnic kami sa ilalim ng puno ng mangga.

Malilom dito at malakas ang sariwang hangin.

May nakalatag kaming picnic mat at maraming prutas at mga pagkain. May inihaw na isda, mga mangga at saging at kung ano ano pa.

"Lola talaga! Haha! Okay lang po tong katawan ko, hindi naman ako masyadong payat. Sexy!" masayang sabi ko at sumimangot sya.

"Ano bang sexy iyang pinagsasasabi mo? Napakapayat mo. Hala! Kumain ka riyan." singhal nya sakin at napanguso ako.

'Si Lola talaga parang ewan.'

"Ay! Bago ko malimutan, tumawag sa akin ang Papa mo. Baka daw makauwi sya sa susunod na buwan. Uuwi ka ba rito sa panahong yun?"

"T-Talaga po! Wow! Opo uuwi ako kahit anong mangyari. Gusto kong makita si Papa, miss na miss ko na sya." masaya talagang sabi ko at ngumiti sya.

"Mabuti naman kung ganun. Miss na miss ka na rin noong tatay mo. Oh sya bilisan mong kumain diyan at pupunta tayo sa puntod ng nanay mo. Alam mo namang may oras ang daan ng dyip dito kaya dapat maabutan natin yun."

"Ay oo nga po pala. Sige po, wait lang."

Dali dali kong inubos ang pagkain ko saka kami nagmamadaling nag-ayos ni Lola.

Nine o'clock kasi ang daan ng dyip pababa sa bayan eh. Alas dose na kasi ang susunod na byahe pababa.

Nag-abang kami ni Lola sa waiting shed na nasa tabi ng poste ng ilaw. Malapit lang ito sa bahay namin kaya naman hindi kami gaanong nahirapan.

May mangilan ngilan ng nakaupo dun ay may mga dalang basket.

'Mamimili siguro sila.'

"Aba Saturnina, si Manami na ba ito? Aba'y dalaga na." bati sakin ng isa sa mga kaibigan ni Lola, Aling Bena is her name if Im not mistaken.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon