39th Mystery

3.5K 134 5
                                    

---* 39th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Flashback and Forward

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Manami *---

Maaga akong gumising para pumunta sa field.

Tiningnan ko ang mga nagkalat na mga bato. Ang iba rito ay gawa ni Chance at ang iba pa ay gawa naman ng iba pang naglaban.

'Hm... Magagamit ko talaga ang iba rito mamaya sa laban ko. Sino kayang makakalaban ko. Sana 'yong kapartner ni Chance, bukod sa mahina s'ya at walang panama sa akin ay medyo naiirita na ako sa kanya.'

Recently, palagi ko silang nakikitang magkasama ni Chance. Kahit pa walang mga research works and the likes eh nakabuntot pa rin s'ya sa kanya. Ang ipinagtataka ko pa, hinahayaan lang s'ya ni Chance.

'Kaasar! Ako nga hindi n'ya pinapayagang sundan s'ya nang sundan eh tapos that girl? Ugh! I'm starting to think na baka naman she's like Ditee kaya mabait si Chance sa kanya. I asked pero nagkibit balikat lang si Chance tapos sabi n'ya 'wag kang makialam, hindi s'ya isa sa atin. Alam ko ang ginagawa ko.'

'KAASAR DI BA?'

"Hey, Nams! Ang aga mo ah! Checking the field?"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon and I saw the coolest girl in town. She's yawning.

'Kahit bagong gising ang ganda n'ya pa rin.'

"Uhm... ang aga mo rin. May balak ka rin bang icheck ang field?"

"Nah! I'm on my way to the Food dec when I saw you here. Kaya pala walang sumasagot no'ng pumunta ako sa kwarto mo. Cleon is still sleeping. Kumain ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. I woke up early just to check the field. Anyway, tara let's eat."

-----*-----

Five minutes before the battle starts, Aphroditee and Cleon arrived. After we ate breakfast kasi ay naghiwalay rin kami ni Ditee.

'Syempre kailangan naming maghanda para sa laban.'

"Hey! Here!" Ikinaway ko pa ang kamay ko para matawag ang atensyon nila.

Sa bandang gitna na kasi ako nakakuha nang upuan dahil taken na 'yong seat na inupuan namin kahapon.

"Ang early bird mo naman, Nami. Excited ka noh?" Nakangiting sabi pa ni Cleon saka s'ya umupo sa tabi ko at sa tabi n'ya umupo si Ditee.

"Oh yeah! Sana nga ako ang maunang lumaban sa ating tatlo." sagot ko pa at ngumiti s'ya.

Dumating si Mr. Xenon at ang iba pang officials. Nagsimula ang opening remarks and now, it's time to choose the gamers.

"And our first set of players for today are..." sabi pa ni Sir Xenon saka gumalaw ang electronic board.

Sa isang pitik ay huminto 'yon.

'After decades of waiting... lumabas rin ang iniintay kong pangalan. My name... and... what the hell? Bakit s'ya? Ayoko s'yang kalaban.'

|••• Zhyla Jame Kayle VS Manami Shiraishi •••|

'Aish! Kami talaga ang magkalaban? For sure panalo na ako. Ugh! Walang thrill. Makakita ng past at future ang S.A n'ya so basically speaking, hindi n'ya 'yon magagamit sa akin. This match will be boring!'

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now