51st Mystery

3.2K 125 5
                                    


A/N: Hello! I posted a new story. It's a collaboration with my sister. Sana basahin n'yo rin pag may time kayo. Seven Colors ang title n'ya. At dahil nga dumarami na ang stories ko na nakapost baka magsched na ako ng update. Priority ko pa rin naman to lalo't patapos na. 'Yon lang naman, ENJOY!

-Peachberryfruity

---* 51st Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

PAPA???

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Cleinch *---

Matapos ang nakakawindang na mga rebelasyon, masisinsinang paliwanagan at mautak na planuhan ay nagsipagbalikan na kami sa mga tent namin.

Maayos na ang lahat kahit na medyo magulo pa ang mga utak namin. Siguro nga ay hindi sapat ang kaunting minuto para maintindihan namin ang lahat ng napakakomplikadong bagay.

Naaawa talaga ako kay Manami at Chance. Maling mali ang ginawa naming panghuhusga. Hindi namin alam na gano'n kabigat ang pinagdadaanan nila.

Bumalik na nga rin pala si Ditee sa mga kaibigan n'ya. Kailangan n'ya raw mag-sorry at bumawi kay Manami dahil sa nagawa n'ya.

Bigla ko tuloy nilingon si Cassandra. Tahimik s'ya mula ng bumalik kami rito. Kapag kinakausap namin s'ya ay sumasagot naman s'ya pero matipid at seryoso. Nakakapanibago dahil hindi s'ya ang Cassandrang nakasanayan namin.

Siguro ay nasaktan talaga namin s'ya dahil sa inasal namin pati na rin ang mga salitang binitiwan ni Zhyla.

Pagkarating namin sa tent ay humiga na kaagad s'ya. Nagtalukbong pa s'ya ng kumot kaya gustuhin man naming kausapin ulit s'ya ay hindi na namin nagawa.

"Masama pa rin siguro ang loob n'ya sa atin ano?" napapabuntong hiningang tanong ni Prystel.

Nasa pinakadulo si Cassandra na natutulog na ngayon samantalang heto kami at nagbubulungan sa kabilang sulok.

"Kasalan ko. Maling sinabihan ko s'ya ng traydor. Tsk! Pinagsisisihan ko naman eh kaso no'ng oras na 'yon, akala ko talaga ay ipinahamak n'ya na tayong lahat."

"May kasalanan rin kami ni Prystel. Sa tingin ko dapat mag-sorry tayo sa kanya bukas. Sa ngayon matulog na muna tayo." sabi ko pa. Wala na kaming nagawa kundi ang matulog.

Nagising kami kinabukasan sa malakas na tunog ng bell. Hudyat na kailangan na naming maghanda para sa almusal.

Katulad kagabi ay nanatiling tahimik si Cassandra. Natapos ang almusal, ang iba't ibang games na kasama sa activities ng halos hindi n'ya kami kinikibo.

Tanghalian na nang mapagpasyahan naming kausapin na s'ya pero ang wrong timing nga naman at kay Chance s'ya sumabay sa pagkain. Sa huli ay kaming tatlo na lang ulit ang kumain ng magkakasama.

"Dinamdam n'ya talaga ang sinabi ko." malungkot na sabi ni Zhyla.

"Wag kang mag alala, bago matapos ang gabing 'to, magkakabati bati na tayo." nakangiti pang sabi ko na sinang-ayunan ni Prystel.

Lumipas uli ang buong hapon. Natapos ang lahat ng activities na dapat sana ay fun packed pero hindi naging gano'n dahil alam naming masama ang loob ng isa naming kaibigan.

Ganito pala 'yon. Sa friendship, hindi mawawala ang mga tampuhan. Kailangam lang maayos ito kaagad dahil baka tuluyang madamage ang pagkakaibigan. Challenges come to test you so be better to be brave enough to face them. Kung ito pa lang hindi na namin maayos, paano pa ang mga susunod. Siguradong mas malala pa ang mga susunod. Pilit mang wag naming isipin, alam naming darating araw na dapat namin 'yong harapin. At bago pa man dumating ang araw na 'yon, kailangang maayos namin ang mga tampuhang ito.

Lumipas pa ulit ang mga oras hanggang sa sumapit na ang hapunan. Agad na hinanap ng mga mata namin si Cassandra na kasalukuyan namang mag-isang naka-upo sa bandang dulong table.

Nagkatinginan kami saka kami dali daling lumapit sa kanya at umupo. Nagulat pa s'ya ng bahagya pero agad s'yang yumuko.

"Mag-isa ka ata? Hindi mo ba kasabay si Chance?" tanong pa ni Prystel.

"Ah hindi. Ako lang talaga mag-isa rito." mahinang sagot n'ya habang tinutusok n'ya ang mga gulay sa pinggan n'ya.

"O-Okay lang bang dito kami umupo?" tanong ni Zhyla. Walang salitang lumabas sa bibig n'ya pero tinugon n'ya kami ng marahang tango.

Tahimik kaming kumain at ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa paligid. Patapos na kami ng biglang magsalita si Zhyla.

"Ahm... ga-galit ka ba sa akin? Samin?" tanong n'ya pa. Nag-angat ng tingin si Cassandra at nilingon s'ya.

"Hindi." tipid na sagot n'ya.

"H-Hindi? E-Eh nagtatampo?" tanong n'ya ulit at umiling si Cassandra.

"Hindi rin?" gulat na tanong namin at tumango s'ya.

"Oh eh bakit, iniiwasan mo kami? Hindi ka nga sumasama sa amin eh." tanong ni Prystel.

"Oo nga, akala namin galit ka sa amin." sabi ko pa. "Kung hindi ka galit eh bakit hindi ka nga sumasama sa amin?"

"S-Sabi n-n'yo kasi traydor ako k-kaya naisip ko na baka ayaw n'yo na akong kasama. Akala ko ayaw n'yo na akong maging kaibigan." nakayukong sabi n'ya at gulat na nagkatinginan kami.

"Ano?" sabay sabay pang tanong namin.

'Oh wow! So all of this are just crappy misunderstandings?'

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Zhyla *---

Nauwi kami sa hagalpakan dahil sa sinabi ni Cassandra. Nawala ang tensyon at napalitan ng masayang tawanan. Nag-sorry pa rin kami sa kanya lalo pa't alam naming nasaktan namin s'ya.

Natural namang mabait si Cassandra at sabi nila, masamang magalit ang mga mababait kaya naman natakot kami na baka ayaw n'ya na sa amin pero, dahil s'ya nga si Cassandra... iba ang rason n'ya. S'ya 'yong tipong pagtatawanan at pagtritripan mo pero katatakutan mong mawala sa'yo.

'Mabuti naman at ayos na ang lahat.'

Ginigol namin ang natitirang oras bago ulit ang bonfire sa pagkwekwentuhan at paglilibot libot na rin.

Alas siete ay pina-upo na kaming mulu paikot sa bonfire para sa susunod na activity.

"Our last activity for tonight is called 'Reflection.'" panimula pa ni Mr. Xenon.

Pinapikit n'ya kami at saka n'ya pilit na ipinaisip sa amin ang lahat ng mga bagay na pinagsisisihan namin, masayang mga sandaling pinagsamahan namin at pati na rin ang buong pagkatao namin. Makakatulong daw ito para sa personality development namin.

Napakatagal ng pagkakapikit namin dahilan para mawala na ako sa focus dahil sa unti unti na akong nakaramdam nang antok. Napahikab pa ako.

Classical music ang nagsisilbing background namin habang nagre-reflect. Sino bang hindi aantukin?

Iminulat ko saglit ang mga mata ko at inilibot iyon sa mga kasamahan ko. Nakapikit ang lahat maging si Sir Xenon.

'Hay! Siguro may tulog na sa mga ito?'

Inilibot kong muli ang paningin ko sa paligid. Tahimik ang lahat. Idagdag mo pa ang malamig na ihip ng hangin at ang nagkikinangang bituin sa langit.

Lumingon pa ako sa likod ko at doon ko nakita ang masukal na damuhan kung saan kami nagpaliwanagan.

Babaling na sana uli ako paharap para muling pumikit ng may mahagip ang mga mga mata ko.

Isang bulto ng lalaking may hawak na flashlight at malaking paperbag ang naglalakad papasok sa masukal na damuhan.

Nanlaki ang mga mata ko at nanginig ang kalamnan ko ng makita ko nang bahagya ang mukha nito.

'Papa? Si Papa nga! Anong ginagawa n'ya rito?'

.

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon