12th Mystery

5.5K 133 3
                                    

A/N: Ang 'Creep' ay isang lugar sa Moonlight High (1) na madalas pinagdadausan ng mga exams. Ito ay gawa sa illusion ng dating namumuno sa Moonlight High pero dahil M.L.H 2 na ito, wala na ang Green Garden kung saan ito dati nakatabi. Inilipat na ito sa pusod ng gubat at ibang illusionist na ang may gawa nito ngayon.

Isa ito sa special features ng school na hindi nawala pero malaki ang nabago.

Yun lang! Para malinaw!

The Blood Eating Monsters are back to suck your blood! Sinong nakamiss sa kanila? Haha!

Enjoy!

-Peachberryfruity

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* 12th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

Test of Courage! (1)

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*

---* Chance *---

I stared blankly at the huge gate in front of us.

'Ilang sandali na lang at magsisimula na ang exams. Natapos na ang academic exams kaninang umaga at eto naman ang susuungin namin ngayon. Ang Test of Courage.'

'Maaari mong gamitin ang Physical Strength mo pati ang S.A mo para malampasan ang exam. Ang nakakapagtaka, wala silang time limit na ibinigay para sa exam na ito. Bakit ganun?'

Ang sabi ni Mr. Cadmium, kailangan lang naming magawa ang task na iaasign samin at makalabas ng magkasama sa venue na tinatawag nilang Creep. Bonus na lang daw at swerte ka kung mabilis kayong makakalabas.

'Tss! Hindi ganito sa Sun Flare kaya talagang naninibago ako. Magkaibang magkaiba! Tsk! Tsk! Tsk!'

"We will now open the gate at kapag narinig nyo ang drum rolls, yun ang hudyat para pumasok na kayo sa loob. Good luck, students. Always remember the keyword and that is?" patanong na pahayag pa ni Mr. Cadmium.

"TEAM WORK!" sagot naming lahat at nakangiting tumango sya.

Ipinitik nya ang kamay at sa hudyat nyang yun ay dahan dahang bumukas ang napakalaki at napakataas na gate sa harapan namin.

Nakakapangilabot ang madilim na lugar na iyon.

Ramdam namin mula rito ang malakas na hangin na nagmumula roon.

Nakakamangha na sa kabila ng pagkatirik ng araw ay napakadilim sa loob nun na tila gabi.

"On your marks!" sabi pa ulit ni Mr. Cadmium at..

*DUGUDUGUDUG! DUG! DUG!*

Matapos ang malakas na tunog ng drumrolls ay pumasok na kami sa loob nun at namangha pa ako ng kusang sumara ang gate na pinasukan namin.

Nailibot ko ang paningin ko sa buong lugar at agad na nangunot ang noo ko.

'We are in a wide and dark space.'

May isang poste sa gilid na syang nagbibigay ng kakarampot na ilaw pero bukod dun ay wala na kaming maaninag pa.

'Dito kami mag-eexam?'

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now