61st Mystery

3.1K 116 7
                                    


A/N: We are down to the last 2 chaps then epilogue. Uwah! Hope I can make updates faster. Napepressure ang brain cells ko. Haha!

Here's the update, Enjoy!

---* 60th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Parting Ways

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Aphroditee *---

Nagmamadali kaming pumunta sa opisina ni Mr. Rake dahil sa biglaan n'yang pagpapatawag sa amin.

Naabutan namin do'n sina Sir Rake at Sir Cadmium. Kunot na kunot ang noo ng pangalawa habang malungkot ang mukha ni Sir Rake.

Kinabahan ako bigla. 'May nangyari kaya? Sabi nila, pagkatapos daw ng kasiyahan ay problema. Natapos ang School Festival na masaya at walang aberya, so does that mean na heto na ang problema? Hindi ba pwedeng break muna? Kahit konti pa. Hays!'

"Students, please lock the door and kindly be seated." napapabuntong hiningang sabi ni Sir Rake. Tahimik kaming nagsiupuan at hininanda ang sarili sa kung ano man ang sasabihin n'ya.

Tiningnan n'ya kami isa isa hanggang sa mapako ang paningin n'ya kay Cassandra kaya napalingon rin kami sa kanya. Mukhang nagulat rin s'ya kaya napayuko pa s'ya.

"Kumusta ka naman hija?" biglang tanong ni Sir Rake.

Bahagyang inangat ni Cassandra ang ulo n'ya bago sumagot. "Ayos na po ako." mahinang sagot n'ya. Tumango tango si Sir saka ulit bumuntong hininga.

"Ipinatawag ko kayong lahat para ipaalam sa inyo ang mga bagay bagay. Una..." huminto pa s'ya saka iniwas ang paningin sa amin.

"Nakausap ko si Mr. Flare, kinukuha nila si Manami."

Nanlaki ang mga mata namin at agad kong nahawakan ang braso ni Manami.

"B-Bakit daw po? Ayaw ko na pong bumalik do'n. Wag n'yo po akong ibibigay, please." Ramdam na ramdam mo ang takot sa boses n'ya.

"Kinausap namin s'ya at nais n'yang bawiin na ang Exchange Student program. Ibabalik na rin nila rito 'yong dalawang kapalit n'yo dati." sabi ni Sir Cadmium.

"S-Sandali po!" biglang singit ni Cassandra kaya napunta sa kanya ang atensyon namin. " Kung kinukuha na nila pabalik si Manami, ibig po bang sabihin, wala na silang balak ibalik dito si Chance?" tanong n'ya kaya gulat kaming napalingon kina Sir.

"Unfortunately, yes! Sinubukan naman namin pero baka makahalata sila na may alam kami sa mga pinaggagagawa nila so, we have no choice but to agree." malungkot na sabi ni Sir Rake at nagsimula nang humikbi si Manami.

"Bakit gano'n kadali para sa inyo na igive up kami? Alam n'yo naman po na mapapahamik kami do'n. Dahil po ba hindi n'yo talaga kami estudyante?" umiiyak na sabi ni Nami kaya niyakap ko s'ya.

"Hindi 'yon gano'n hija, wala lang talaga kaming choice. Maghihinala sila kapag hindi kami pumayag at baka mas maraming estudyante ang madamay. We're avoiding too much conflicts. Inosente sila."

"At kami hindi? Inosente rin kami!" sigaw ni Manami na napatayo pa. "Ayaw n'yo silang madamay kaya pababayaan n'yo kami? Akala ko ba, poprotektahan n'yo kami. Sorry po ah? Hindi kami informed ni Chance na hindi pala kami kasama do'n."

"Hija, please calm down! Ililigtas namin kayo---"

"Paano nga ho? Paano n'yo maassure na ililigtas n'yo kami kung ngayon pa lang binitawan n'yo na kami? Hindi kami alay! Hindi kami baboy, hindi kami tupa na isasakripisyo n'yo para sa iba. Hindi namin gustong mapunta dito! Hindi ba pwedeng wag n'yo kaming ibigay do'n? Baka hindi n'yo lang ginawan ng paraan? Bakit n'yo nga naman kami iintindihin eh, hindi n'yo naman talaga kami estudyante!"

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now