55th Mystery

2.8K 111 5
                                    


A/N: Pasensya na kung super tagal ng update at maikli pa. Ito lang ang nakayanan ko ngayon. Bawi na lang ako sa next chapter though di ko alam kung kelan ko iyon maa-update. Inaasikaso ko kasi ang mga requirements ko for work kaya busy ako. Sana ay maintindihan n'yo.

Thanks sa mga nag-aantay kahit sobrang tagal! Enjoy!

-Peachberryfruity

---* 55th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Rescue

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

Five thirty pa lang nang umaga ay nagisina na ako kaagad. Hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba sa araw na 'to.

'It felt so normal yet so different.'

Tulad ng nakasanayan, maaga akong naligo at pumunta sa food dec para mag-almusal. Natapos rin naman ako at agad na bumalik sa kwarto para maghanda.

Papunta na sana ako sa classroom ng masalubong ko si Manami. "Hey, good morning! Nakabalik ka na pala? Anong nangyari, bakit ka ipinatawag?" tanong ko pa pero tinitigan n'ya lang ako saka n'ya ako nilampasan.

Pumasok s'ya sa classroom nila at iniwan ako sa hallway.

'Anong nangyari do'n?'

-----*-----

"Chance, nakita mo ba si Cassandra? Hindi kasi s'ya pumasok kanina eh, pinuntahan namin s'ya pero wala s'ya sa room n'ya." sabi pa ni Cleinch. Tapos na ang klase at free time na namin ngayon.

"Hindi ko s'ya napansin eh. Ang ibig n'yo bang sabihin, maghapon s'yang wala?" tanong ko at tumango sila.

"Naisip ko, baka naman nasa Tierra s'ya ngayon. Di ba bigla naman kayong kinukuha ni Lycxis?" sabi ni Prystel.

"Yon din ang naisip ko, gusto sana naming makasigurado eh, alam mo naman, marami tayong kalaban. Kahit pa alam na nina Mr. Xenon ang tungkol dito, mas mabuti pa rin 'yong sigurado tayo. Hindi naman kami basta makakapunta sa Tierra na kagaya n'yo, okay lang ba kung itsek mo?" sabi naman ni Zhyla.

"S-Sure. Uhm, sige pupunta na ako."

"Salamat, Chance ah!" sabay sabay na sabi nila at tumango na lang ako.

Dumiretso ako sa kwarto saka ko binanggit ang orasyon at maya maya pa ay narating ko ang Tierra.

Kumabog ang puso ko at nabuhay ang takot sa sistema ko dahil wala pala ro'n si Cassandra.

'Shit! Kaya pala pakiramdam ko may kakaiba.'

----*----

"Ano? Eh nasaan s'ya?" tanong ni Zhyla.

"Hindi raw n'ya kinuha si Cassandra. Tsk! Masama ang kutob ko rito!" sagot ko na may kasama pang kamot sa ulo.

"Hindi ba s'ya pwedeng kunin ni Lycxis?" tanong ni Cleinch.

"Oo nga! Di ba ginagawa n'ya naman 'yon!" sabi pa ni Prystel. Umiling ako at napahawak sa sintido ko.

"Naisip ko na 'yan. Sinubukan na s'yang i-summon ni Lycxis pero walang nangyari. Tuso ang kumuha sa kanya. Ang sabi ni Lycxis, baka raw gumamit ng barrier ang kalaban para hindi makuha si Cassandra. Ang mabuti pa ireport na natin 'to kina Sir." kinakabahang sabi ko pa kaya agad kaming pumunta sa opisina ni Sir para mag report.

"Wala ba kayong napansin na kakaiba? Paano s'yang mawawala eh nagpakalat ako ng tauhan sa floor n'yo?" tanong ni Mr. Cadmium na kasalukuyang hindi mapakali sa pagkakatayo.

"Tuso ang Sunflare, Mr. Cadmium. Kilala ko sila, kayang kaya nilang gumawa ng paraan para lusutan ang mga 'yon. Kasalanan ko rin dahil masyado rin akong naging kampante! Shit! Siguradong takot na takot na si Cassandra." singhal ko.

"Kung hawak nga nila si Cassandra, marapat lamang na magpadala na tayo ng tao para bawiin s'ya." suhestiyon ni Mr.Xenon na agad kong tinutulan.

"Wag! Hindi pwede 'yon."

"Anong wag! Nasa kapahamakan si Cassandra, Chance! Mahalaga s'ya sa'yo tapos ayaw mo s'yang iparescue?" singhal ni Zhyla.

"Hindi 'yon gano'n, Zhyla! Sikreto ang pakikipag alyansa natin sa MLH. Kapag nalaman ng Sunflare na may alam sila at tinutulungan tayo, malamang na idamay nila ang lahat ng students dito. Hindi 'yon pwedeng mangyari. Hindi pwedeng may madamay lalo pa't wala silang kinalaman dito." paliwanag ko pa.

"Kung gano'n may naiisip ka bang plano, hijo?" tanong ni Sir Cadmium.

"Meron ho, pupunta ako sa Sunflare para iligtas si Cassandra."

"What! Are you insane? Mag-isa ka lang?" sabi ni Cleinch.

"Oo, kung sakaling mahuli nila ako, hindi sila makakahalatang may alam na kayo."

"Eh siraulo ka pala eh! Paano mo ililigtas si Cassandra kung mahuhuli ka pala!" singhal ni Zhyla.

"Shut up! Tingin mo ba hahayaan kong mahuli ako. In case lang yon! In case! I'll make sure na ililigtas ko si Cassandra."

"Sigurado ka ba hijo? Isama mo na lang si Xenon." sabi pa ni Mr. Cadmium.

"Hindi na ho. Kaya ko nang mag-isa. Kahit anong mangyari, ibabalik ko s'ya rito."

Napabuntong hininga pa si Sir Cadmium saka s'ya marahang tumango. "Mukhang delikado 'yang naisip mo, hijo. Kung may iba lang tayong choice. S'ya sige, tutal alam na ito ng pamunuan ng MLH. Nasabi ko na sa kanila at handa silang tumulong. Para mas mapadali ka, sumakay ka na lang sa Cloud transpo. Hindi tayo pwedeng gumamit ng teleportation dahil hindi namin kabisado ang Sunflare. Baka mapahamak ka pa kung maling lugar ang mapuntahan mo."

"Wag na ho! May plano na ako. Ang kaso, paano kapag nakahalata sila na wala ako?" tanong ko pa at ngumiti si Sir Cadmium.

"Don't worry about that, hijo. May isa member ng council na kayang manggaya ng anyo at boses. Siguro naman ay hindi nila iyon mahahalata."

"Salamat ho sa tulong n'yo." sinserong sabi ko na sinuklian n'ya ng ngiti.

"Ang mga tao ay dapat na itinatrato bilang tao at hindi bilang eksperimento. Iyan ang natutunan ng Papa ko mula sa karanasan nila. Hindi namin hahayaan na may mangyari uling ganyan. You are part of this family kaya hindi namin kayo pwedeng pabayaan." sabi pa n'ya.

"Salamat ho talaga. Sana ay ganyan kabuti ang Sunflare, hindi sana nangyari ito."

Hindi na sila nagsalita pa kaya napabuntong hininga ako. "Mamayang gabi ho ako pupunta ro'n. Mas magandang isagawa ang plano ko kung gabi." saad ko pa at tumango sila.

Natapos ang diskusyunan kaya bumalik na ako sa kwarto para pagplanuhang maigi ang gagawin ko.

Maya maya pa ay dumating na ang sinasabi ni Mr. Cadmium na magpapanggap na ako. Kuhang kuha nga n'ya ko kaya nasisiguro kong malilinlang ko sina Mr. Lardy.

Maayos akong nakalabas sa Moonlight. Pasado alas syete dumating ang yateng sasakyan ko. Pagdating sa Pier ay may nakaabang na ring kotse na maghahatid sa akin sa Sunflare.

Alas nuebe ay narating ko ang back gate ng Sunflare. Dalawa lamang ang bantay rito kumpara sa main gate na may doble ang bilang. Mukhang kampante naman sila kaya mukhang hindi magiging mahirap isagawa ang plano ko.

Huminto ako ilang metro bago amg gate saka ko tinawag ang malakas na hangin, ulan. Ang kulog at ang kidlat.

Ilang sandali pa ay basang basa na ang buong paligid. Ang madilim na kalangitan ay mas dunilim pa. Umihip ang napakalakas na hangin. Isang orasyon pa ang aking binigkas at gumuhit ang kuryenteng tumama sa pinakamataas na building ng paaralan. Nagkagulo na ang mga tao pati na ang bantay sa gate na papasukan ko.

'Ayos! Sana magtuloy tuloy ang swerte ko. Dapat mailigtas ko si Cassandra.'

.

.

.

.

.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα