53rd Mystery

3.2K 119 11
                                    


---* 53rd Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Tierra and Lycxis + The Untold Truth

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Chance *---

Tierra

Lumipas ang dalawang linggo mula nang excursion. Hindi na kami nakapagpatuloy pa dahil nakita naming napakarami pa lang bantay sa lugar na 'yon. Siguradong mahuhuli kami kapag nagpatuloy pa kami.

Wala kaming nagawa kundi bumalik sa itaas. Kung ano man ang misteryong mayroon do'n ay aalamin ko. Sa tamang panahon babalik ako ro'n at aalamin ko ang mayro'n doon.

Sa lumipas na dalawang linggo ay maraming nangyari. Nalaman ni Zhyla mula sa mga kapatid n'ya na ilang linggo nang hindi umuuwi ang Papa n'ya sa kanila. Tumatawag naman daw ito at nagpapadala ng pera para sa kanila. Lalo tuloy kaming naguluhan kung ano ang kinalaman n'ya sa Sunflare. Idagdag mo pang sa tagal namin doon ni Manami ay hindi pa namin nakita at narinig man lang ang lalaking 'yon, hindi pa namin na-encounter si Mr. Kayle.

Sa loob rin ng panahong 'yon, nailipat si Cassandra sa Special Section dahil hindi naman pala s'ya Elemental na gaya namin. She has the ability to copy S.A's. 'Yon ang ability n'ya, ang S.A of Replication. Hindi ko na tuloy s'ya kaklase.

Sa panahon ring 'yon, napag-isipan na namin ang aming magiging hakbang. At ngayong gabi nga namin isasakatuparan  'yon.

Sa loob ng isang linggo, nagpuyat kaming mga lalaki para obserbahan ang buong school. Humanap kami ng oras kung saan wala na talagang taong gumagala pa sa buong school. Kailangan kasi naming makahanap ng tyempo para mabuksan ang portal para makapasok kaming lahat sa Tierra. Sa kabutihang palad, nalaman naming sa pagitan ng alas dos at alas tres lang nawawalan ng taong nagpapatrol o nagpapagala gala sa school kaya mamaya, bubuksan na namin ang portal.

~

Ala una nang madaling araw ay tumunog na ang alarm clock ko. Mabilis akong bumangon at naligo. Kailangang magising ang inaantok kong katawan. Inayos ko ang sarili ko at saka ako humigop ng mainit na tsokolate. Kinuha ko ang makapal kong jacket at ang susi ng kwarto ko saka ako dahan dahan lumabas.

Tulad nang naobserbahan namin, ganitong oras nga tulog at mahimbing na natutulog ang lahat. Maging ang bantay ng dorm namin ay wala nang kamalay malay sa aking pagtakas.

Ilang minuto pa at narating ko ang gitna ng battle field. Tinanggal na ang bakod nito dahil natabunan na ang butas na naroon noon.

Luminga pa ako sa paligid at nang masiguro kong walang tao ay agad akong umupo ro'n. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang mga lalaki. Kinamayan mayan pa ay dumating na sina Cassandra. Sa kwarto n'ya natulog ang lahat ng babaeng kasama sa plano para mapadali ang pagtakas kesa kung manggagaling sila sa iba't ibang kwarto.

"Oh kumpleto na, simulan na natin. Halika na Cassandra, baka may makakita pa sa atin." sabi ko pa.

Lumapit kaagad si Cassandra sa akin. "Alam mo ba ang gagawin?" tanong pa n'ya.

"Oo, dala mo ba 'yong pinapadala ko?" tanong ko at tumango s'ya.

"Para stick eh!" natatawa pang sabi n'ya.

"Okay, akin na." sabi ko pa at agad n'yang inabot sa akin ang medyo may kahabaang stick.

Nagsimula akong gumuhit ng kalahating araw at kalahating buwan sa lupa. Mabuti na lang at walang damo rito sa parteng 'to dahil bagong tabon lang ito. Inilabas ko ang karayom na dala ko saka ko tinusok ang dulo ng daliri ko. Nang may lumabas ng dugo ay ipinatak ko 'yon sa araw. "Ikaw na, Cassandra." sabi ko pa na agad n'yang sinunod.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now