15th Mystery

4.5K 132 2
                                    

---* 15th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Test of Courage (4)

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*------*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Prystel *---

Inis kong iniwan si Line dun sa pwesto namin kanina.

Pagkagising kasi namin ay nasa malubak kaming lugar.

Halos malalaking tipak ng bato ang makikita mo at para kaming nasa paanan ng bundok. Pataas ang way at para kang mag-ha-hiking.

Idagdag mo pa sa pagkabwiset ko nung may napakalaking ibon ang lumipad sa amin at muntikan pa akong dagitin.

Iniwanan kami nun ng envelope na may lamang task letter.

'Si Line? Ayun, iniwan ko dun sa paanan. Nambwibwiset na naman kasi sya. Hindi ko pa naman masakyan ang trip nya dahil bukod sa waley ang mga hirit nya eh ayaw kong makita ang nakakairita nyang mukha.'

'Sabi ni Mr. Cadmium, teamwork daw ang kailangan eh paano ka makikiisa sa taong palaging binibwiset ka?'

'Tsk! Saan ba dito yung Creep River? Nangangawit na yung hita ko kakaakyat eh! Hays!'

Lumingon ako sa may paanan para silipin sana kung sumusunod na ba sa akin si Line pero bigo ako.

'Wala sya sa likod ko! Yung talagang kumag na yun! Kapag ako talaga nakahanap ng itlog, lalabas na ako at sasabihin kong ako lang ang ipasa dahil di naman ako tinulungan ng partner ko. Unfair sakin kung ibabagsak nila ako dahil lang hindi kami sabay na nakalabas. Nag-effort ako para dun kaya dapat lang na makapasa ako with or without him!'

Ang dami ko namang sintemyento sa buhay!

'Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko? Sigurado ako, tinutulungan sila ng partners nila unlike me! Nganga!'

Nagpatuloy ako sa pag-akyat hanggang sa marating ko ang isang malaking tipak ng bato na maaari kong pagpahingahan.

'Hindi naman siguro masama kung huminga ako kahit konti! I'm so exhausted! I need some water pero mukhang wala nun dito at mukhang malayo pa ang ilog na yun! Baka sa kabilang banda pa kapag natawid ko na itong mini bundok na kinalalagyan ko.'

Infairness naman sa mini bundok na to ha, puro ata bato at mangilan ngilan lang ang mga halaman at damo!

'Adobe pa ata ang mga bato rito!'

Nag-indian sit ako sa batong yun saka ko tiningala ang langit.

'Ang ganda ng buwan!'

Kitang kita ko mula rito sa kinauupuan ko ang perpektong hugis nito at ang nag-aasul nitong kulay.

'The best! Nakakarelax! Nakakawala ng stress!'

Muli akong sumilip sa ibaba para muling tingnan si Line pero wala pa rin talaga.

'Mukhang wala talaga syang balak na sundan ako o baka nagsarili na talaga sya? Ay naku! Bahala na nga sya! I shouldn't be thinking about him.'

Tumayo na ako at ipinagpatuloy ko ang paglalakad.

'Gaano pa kaya kalayo bago ko marating ang Creep River!'

Nilakihan ko na ang mga hakbang ko dahil kumpara kanina, mas malalaki at mas matataas na ang mga tipak ng mga batong tinatapakan ko.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now