59th Mystery

3K 128 11
                                    

A/N: Sabaw ba ang updates? Pasensya na marami lang talagang ginagawa, night shift na, may writer's block pa ako. Paano? Anyway, Enjoy! Here's the update! We're down to the last 6 chapters and hello to MLH 3 na! Excited na ako kahit kalat kalat pa ang plot n'ya. Haha!

--* 59th Mystery *---

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

Necromancy!

---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---*---

---* Aphroditee *---

It's the fourth day of the school festival. I had fun, I guess we all did. Naging matao rin ang Elemental booth. Pinaghirapan talaga naming mga elemental nagmukhang paraiso ang lugar na ito. Nahahati sa apat na elements ang bawat corner ng kwarto at kada isang corner ay iba't iba ang tinitinda, may pagkain at mayroon ring items.

Sumali rin ako sa iba't ibang games and luckily I won the first place in archery. Nakatanggap ako ng 10k nang walang kahirap hirap.

"Hey, Ditee, Excited ka na ba sa fireworks display mamayang gabi? For sure magandang panoorin 'yon while riding a Ferris wheel." masayang sabi ni Cleon.

"Yeah! Sumakay tayo mamaya!" I plainly said.

"C-Chance?"

Nilingon ko si Manami nang banggitin n'ya si Chance. Nakaawang ang bibig n'ya at nanlalaki ang mga mata. "Oh my G-God! H-He's back!" she said. Napatayo pa s'ya.

Sinundan namin ng tingin ang tinitingnan n'ya and there I saw him. Nakangiti s'ya habang kausap si...

'Who is she again?'

"Sino 'yong kausap n'ya?" tanong ni Cleon.

Nilingon ko ulit si Manami at kitang kita ko ang pagtatangis ng bagang n'ya. Her hands are shaking while forming a fist. "That bitch! Ang landi n'ya talaga! I swear, kung di mapupunta sa akin si Chance dapat ay kay Cassandra s'ya. What the hell is this!" inis na sabi n'ya bago s'ya inis na naglakad papunta aa table nila.

"Cleon, dito ka muna, pupuntahan ko lang sila." Tumango na lang s'ya na halatang naguguluhan. Alam n'ya na ang totoo pero naguguluhan raw s'ya kaya naman kapag may ganito na kami involve ay hindi na s'ya nakikialam pa.

"Chance! Bakit kasama mo si Steph?" inis na tanong ni Nami. Nilingon s'ya ng dalawa, nakangisi ang babae samantalang blanko ang tingin ni Chance. Ilang saglit pa ay bumalik silang muli sa pagkwekwentuhan. Nagtawanan sila na para bang wala kami sa harap nila.

Nagulat ako ng kunin ni Manami ang glass wine na may lamang orange shake at isinaboy 'yon sa mukha no'ng babae.

"Ugh!" sigaw nito na napatayo pa at maarte nagpunas. Tumayo rin si Chance at pinunasan ang babae. Tiningnan n'ya pa kami ng masama. "Why did you do that?" pa n'ya.

"Wow! At concern ka na ngayon kay Steph! Kailan pa?" tanong ni Manami.

Tiningnan ko 'yong Steph at nakangisi s'ya samin.

"Apparently, since he left this filthy school." sagat n'ya.

"Oh com'on! He's under your spell don't you! Necromancer!" sigaw ni Manami at nagflip ng buhok si Steph.

'Necromancy? The worst form of magic. Necromancy ang S.A n'ya?'

"Oh well hindi ako ang may gawa. Si Mom, but, I'm liking the result!" sagot n'ya kaya sinampal s'ya ni Nami. Nagulat pa kami ng humarang si Chance.

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedWhere stories live. Discover now