Must Read!

3.4K 121 1
                                    

Hello po! Pasensya na kung i-o-on hold ko muna ito ng 2 weeks or less dahil nasira yung phone ko na pinalalagyan ng update. Kailangan ko syang irecover dahil ilang chapter na ang naroon. Bawi na lang ako kapag narecover ko na sya.

Thank you!

Here's the shot  for the next chapter.

__________________________________________________________________________

29th Mystery

The Holix Code

Cassandra 

"Bumukas na ang lagusan." mahinang sabi ni Lycxis kaya nilingon ko s'ya.

"A-Anong lagusan?" tanong ko pero ngumiti lang s'ya.

Umupo ako sa tabi n'ya at bumungisngis s'ya.

"Natakot ako d'on ah! Mabuti naman at umalis na s'ya. Kung nagkataon ay may mangyayaring hindi maganda at hindi pa nararapat." makahulugang sabi n'ya at ngumuso ako.

"Ikaw talaga. Nagsasalita ka na naman ng mga di ko maintindihan."

"Maiintindihan mo rin pero hindi pa ngayon. S'ya nga pala, yung ibinigay ko sa'yo, lagi mo bang dinadala?" tanong nya at tumango ako.

Ipinakita ko sa kanya ang suot kong bracelet.

"Ito na 'yon. Ipinatunaw ko saka ko ipinagawang jewelry."

"Magaling! Wag mong huhubarin 'yan dahil sobrang halaga n'yan. Aalagan n'yan ang buhay mo." nakangiting sabi n'ya at tumango ako kahit hindi ko s'ya masyadong naiintindihan.

Nang mag-visitation kasi ay ipinadaan ko ito sa isa sa mga Kuya ko para maipatunaw ko 'yong coin na bigay ni Lycxis para gawing bracelet. Nagtaka sila syempre pero sabi ko ay importante lang kaya sinunod naman nila.

Ang totoo, hindi ko inaakala na si Lycxis ang may bigay nito, dahil 'yong malaking kamay ng falls naman talaga ang nagbigay nito sa akin, pero n'ong huling punta ko dito ay nagpakilala na s'ya sa akin at ipinagtapat na may magic lang ang fountain.

Baka raw kasi matakot ako kaya hindi muna s'ya nagpakita. Sinabi n'ya rin na Tierra Eterno ang tawag sa lugar na ito at ang sabi pa n'ya, piling tao lang ang nakakapunta rito kaya maswerta raw ako.

"Ah, Lycxis, pwedeng magtanong?"

"Ano 'yon?" balik tanong n'ya habang nakatitig sa paanan ng talon.

"Ah, eh, bakit natunaw na 'yong mga yelo tapos bakit may mga icebergs na hugis crown, sun, moon at stars na naiwan sa ibabaw? Hindi ba 'yan matutunaw?"

Tumitig s'ya sa akin saka s'ya nagpakawala ng buntong hininga. Hindi n'ya sinagot ang tanong ko sa halip ay hinawakan n'ya ang kamay ko at sa isang iglap ay muli kaming nilamon ng liwanag.

Nang muli kong imulat ang mga mata ko ay nasa gilid na ako ng paanan ng falls.

Kitang kita ko ang kumikinang sa linis na tubig.

Nagulat pa ako ng makitang wala si Lycxis sa tabi ko.

'Nasaan na 'yon?'

Akmang tatawagin ko na sana s'ya pero naunahan n'ya ako.

Nakita ko s'yang nakatapak sa ibabaw no'ng korteng crown na iceberg.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko at ngumiti s'ya.

"Marunong ka bang lumangoy?" tanong n'ya.

"H-Ha? Bakit? Marunong ako!"

"Kung ganoon, lumangoy ka papunta sa isa sa mga stars at tumungtong ka sa ibabaw." biglang sabi n'ya at nagulat ako.

___________________________________________________________________

- Peachberryfruity

Moonlight High ( Not your 'oh so' ORDINARY SCHOOL ) *2nd Generation* CompletedOn viuen les histories. Descobreix ara