Special chapter II

399 11 1
                                    

***

15 years later

Cassandra Fuentavilla Smith POV:

Nakakatamad naman ang araw na ito. Bakit kasi ako nagmana kay Mommy at Daddy na sobrang talino. Ayun tuloy bawat kilos ko laging may nakamasid. Ang hirap gumalaw nang walang nakatingin na mga mapanghusgang tao. 3nd year college na ako. Business Management ang kurso ko at bilang babaeng tagapagmana nang pamilya namin kailangan mataas ang expectation sa akin at yun ang ikinainis ko. Kasalanan kasi ni Kuya Seb kung bakit nandito ako sa sitwasyong to. Sumasakit tuloy ang ulo ko. Engineering kasi ang kinuha ni Sebastian.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nasa tabi ko na pala si Maryellen. Lukot din ang mukha niya at halatang tamad na tamad.

"Bakit ganyan ang hilatsa ng mukha mo? Umagang umaga nakabusangot ka." Sabi ko dito na lalong ikinalukot ng kanyang mukha.

"Sisihin mo yung kambal mong siraulo. Maghapon akong naghintay sa tawag niya. Ni ha, ni ho wala akong natanggap. Anong klaseng boyfriend yun. Nakakainis." Hayy. Sa akin na naman siya nagrereklamo. Ang hirap magkaroon ng kambal.

"Eh bakit sa akin ka nagagalit? Sino ba kasing nagsabi na jowain mo ang taong yun. Diba sinabi ko na sayo na wag mo siyang sasagutin?"

"Eh kasi-----"

"Eh kasi inuna mo yang kalandian mo. Alam mo naman na sa ibang bansa yun mag-aaral. Hindi ka kasi nag-iisip." Pinutol ko ang sasabihin niya dahil tulad nang dahilan niya dati, ganun parin ang dahilan niya ngayon.

"Grabe ka naman magsalita. Malandi agad? Hindi ba pwedeng mahal ko lang yung tao?" Angal nito sa akin.

Si Maryellen ay boyfriend ng kakambal kong si Seb. 1 year and 2 months na silang magkarelasyon pero mukhang hindi sila aabutin ng isa pang taon sa tingin ko. Long distance relationship ba naman. Tss. Mabuti kung matured na sila at kaya nilang i-handle and relasyon nila ang kaso hindi. Nasa first level pa nga lang sila eh.

"Mahal your face. Hindi porket mahal mo yung tao eh sisirain mo na ang buhay mo. Magpapaka martyr ka na. Wag kang tanga. Mahalin mo muna ang sarili mo bago ang iba." Kaya ang daming nasisirain ng bait dahil sa pagmamahal na yan eh. Tinaasan ako nito nang kilay bago magsalita.

"Eh kaysa naman gumaya ako sayo na isang pagkakamali lang nung tao eh binitawan mo na." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tinuran niya. Bwisit.  Inungkat na naman niya ang usapang yun. Nakalimutan ko na eh.

"Natural. Alangan namang tanggapin ko siya ulit. Hindi ako tanga at magpapaka martyr para lang sa isang lalaki. Nagluko siya, ibig sabihin nun sawa na siya sa akin. Ayaw na niya, edi ayaw ko na rin sa kanya. Madali akong kausap."

"Palibhasa puro utak ang pinaiiral mo." Singhal pa nito. Tss. Nakakabwisit talaga kapag umiiral ang katarayan nito.

"Bakit biglang napunta sa akin ang usapan?"

"Ikaw kasi eh. Sinisiraan mo yung Mahal ko sa harap ko." Tss. Ako pa talaga ang sinisi. Ang sarap bunutan ng kilay.

"Pumunta ka na nga sa klase mo. Bwisit ka."

"Fine. Wag mong kalimutang pumunta sa tambayan natin. May chika daw yung magkapatid na Ark at si Rocky. Pumunta ka ha. Baka kailangan ka pa naming sunduin sa library."

"Oo na. Basta lumayas ka lang sa harap ko." Singhal ko dito. Ang ingay ingay. Daig pa nung kambal. Pumunta na rin ako sa room ko.

15 years na ang nakalipas at marami na ang nagbago dito sa High University sabi ni Mommy.  Binago ang buong school. Sabi ni Mommy iba daw ang sistema ng school dati pero binago daw at sumabay sa ibang university. Kung dati ang teacher mismo ang pupunta sa room, ngayon hindi na. Nagkaroon na rin ng K-12 ang HU tulad ng ibang school at naabutan namin yun. Kung dati rin ay naka uniform ang mga college na tulad ng mga junior, ngayon ay iba na rin. Ang uniform ng mga college ay naka based na sa course pero hindi naman yun laging susuutin. Pwede kaming pumasok kahit na anong suot namin. Type C uniform kumbaga. Ang senior high na lang ang mga naka uniform. Ang junior high school naman ay hindi na dito nag-aaral. Nasa panibago silang school na handle rin ng family namin. Nasa ibang lugar iyon pero hindi namin naabutan. Last na namin nang junior high nung patapos na ang paggagawa. Ang naabutan namin ay ang bagong sistema ng school. Nagbago rin ang rooms ng bawat building. Mas lumawak daw ito.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon