Sixty One

1.7K 34 3
                                    

***

ELLAH POV:

Sabado ngayon kaya tambay lang muna ako sa bahay. Hindi ako makapunta sa company dahil ayaw parin akong tantanan ng media. Kaya minabuti ko munang dito sa bahay. Tahimik at walang gulo.

"Young Lady, may bisita po kayo." Saad sa akin ng isang katulong

Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Hindi rin naman nagsabi sina Dara na pupunta sila dito. Pero okay narin para naman may maka-usap ako.

"Papasukin mo." Sagot ko habang sa TV parin ako nakatingin

Hindi ko maalis ang tingin ko sa TV dahil nanonood ako ng Doraemon.
Nawawala kasi ang stress ko dito. Atsaka hindi nakakabored panoorin.
Nang maramdaman kong may paparating ay nilingon ko na kung sino ang bisita.

Napabalikwas ako ng bangin nang makita ko kung sino ang pumasok. Pinatay ko din agad yung TV.

"Vash, i-ikaw pala!" Alanganin kong saad

Bakit ako nautal. Nakakahiya pa baka sabihin nito isip bata ako dahil sa pinapanood ko.

"Hindi ka kasi pumasok kaya nag-alala ako. So naisipan kong dalawin ka." Sagot nito

Napaayos ako ng tayo ng lumapit ito sa akin. Nanlaki pa ang mata ko ng iabot niya sa akin ang bulaklak. Alanganin ko naman itong tinanggap.

"Salamat.. Maupo ka muna." Aya ko dito

Simula nung sinamahan niya ako sa hospital ay hindi ko na maitindihan kung bakit nag-aalangan akong makasama siya.

Ewan ko ba. Ang weird.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako naiinis o nagagalit kapag nakikita ko siya. Dati naman umiinit agad ang ulo ko pag nakikita siya.

"May gusto ka bang kainin?" Tanong ko

Buti na lang hindi na ako nautal kahit kinakabahan ako. Nagsisimula na akong mainis sa lintik na pusong ito. Ang lakas ng tibok.

Naririnig kaya niya? Sana naman hindi.

"I'm okay. Naparito lang ako para sana yayain ka. K-kung o-okay lang sayo."

Ahh.

Anong nakain nito at biglang nagyaya. Total naman wala akong gagawin dito sa bahay kundi tumunganga lang. Eh di mas mabuting sumama na lang.
Kaysa naman sa ugatin ako dito.

Kaya lang may problema kami.

"Paano tayo makalalabas kung hinahabol ako ng mga reporters? I know you that." Saad ko

Ngumiti lang siya sa akin.

"Sasama ka?" Nakangiti nitong tanong

Tss.

"Kaya nga nagtatanong ako kung ano ang gagawin sa mga reporters diba. Duh." Pairap kong saad

Hindi man lang maka pick up. Buti nga at hindi na ako ngayon Bwisit sa kanya. Gusto pa atang ibalik eh.

"Don't worry. Akong bahala sayo." Nakangiti na naman nitong turan

Okay.

Hindi ko na lang siya sinagot. Pumunta na ako sa kwarto ko para magpalit. Hindi na ako naligo, hindi naman niya siguro ako aamuyin.

Pagkabihis ko ay bumaba na ako. Simple lang ang sinout ko. Dress lang at pinarisan ng doll shoes. Like my old fashion before. Para hindi ako masyadong halata na pagala gala sa labas. Baka bigla akong dumugin. Mahirap na.

"Tara na." Sabi ko sa kanya nang maabutan ko siya sa sala

Tumango naman siya at naunang maglakad. Sumunod na lang ako sa kanya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto bago siya pumunta sa driver seat.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now