Special chapter III

418 12 4
                                    

***

Ingrid Lach Hitler Salazar POV:

First day ko ngayon sa College. First year college to be exact at kinakabahan ako. Hindi pa naman ako sumabay kina ate Maryellen. Ito pa naman ang unang beses na mag-aaral ako sa HU. Hindi kasi ako nag-aral dito nung senior high. Nakakapasok lang ako dito kapag sinasama ako nina ate Marly. Alam ko na ang pasikot sikot kaso nakakailang dahil maraming tumitingin sa akin.

"Miss naliligaw ka ba?" May lalaking lumapit sa akin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Siguro naman hindi ito masamang tao. Yung ayos kasi niya parang barumbado.

"Ahm hindi naman. Hinahanap ko lang yung building ng first year." Nahihiya kong sagot sa kanya. Tumango tango ito

"Dun din ang first subject ko. Sabay ka na sa akin."

"Huh?" Sasabay ba ako sa kanya. Dapat pala sumabay ako kay Kuya Rocky nung pumunta siya sa bahay.

"Wag kang mag-alala, wala naman akong masamang balak sayo. Ako nga pala si Gavin Hermosa and you are?" Inextend niya ang kamay sa akin upang magpakilala. Nakipagkamay na rin ako sa kanya.

"Ingrid Lach Salazar. Ingrid na lang. Nice to meet you." Ngumiti na ako sa kanya. Siguro naman hindi siya masamang tao.

"Let's go?" Tinuro nito ang daan na pupuntahan namin. Tumango ako at sabay na kaming naglakad.

"Hindi ka ba dito nag senior high? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Tanong nito

"Ahm oo. Sa ibang school ako pumapasok nung senior high." Sagot ko dito. Tumango tango naman ito.

Nakarating na rin kami sa room namin. Naghanap na ako ng mauupuan ko. Si Gavin naman ay pumunta na siya sa upuan niya, sa pinaka dulo. Mukhang mga kaibigan niya yung lumapit sa kanya. Pumasok na ang prof namin kaya umayos na ako ng upo.

______

Maryellen POV:

Lunch na namin kaya pumunta kami sa tambayan namin. Hindi sa cafeteria. Saka na kami pupunta doon. Walang masyadong klase dahil unang araw pa naman ng pasukan. Puro pagpapakilala lang ng mga guro namin at mga bagong estudyante. Yung iba kasi ay magkakakilala na kaya no need na sa pagpapakilala.

"Nandito ka na agad?" Tanong ni Rocky habang papalapit sa akin. Dala dala nito ang pang lunch namin na binili niya sa cafeteria. Ganito kami minsan. Kapag tatambay kami sa usual spot namin ay may nakatukang bibili para sa lunch naming lahat. May naka asign every day or every time na tatambay kami dito. Dahil madami masyado ang lunch na binibili namin ay dalawa ang nakatuka sa babae kapag bibili ng lunch naming lahat. Sa boys naman ay wala silang kapartner tutal kaya naman nila.

"Wala pa ako dito. Picture ko lang tong nakikita mo." Pambabara ko sa kanya. Kita naman na nandito na ako tapos magtatanong pa siya. Inirapan lang niya ako.

"Kaya ayaw umuwi ni Seb eh." Nakangisi na nitong sabi

"Excuse me." Tumawa lang ang loko. Kainis to. Nilabas nito ang mga pagkain sa loob ng plastic. Kahit na naiinis ako sa kanya ay tumulong parin ako.

"Nakita mo ba si Cassy?" Tanong ko dito. Minsan kasi ay nakakalimutang pumunta ni Cassy sa tamang oras. Busy lagi sa pag-aaral. Kaya yan ang mahirap sa mga matatalino eh. Nawawalan sila ng time sa sarili nila.

"Yeah. May ibabalik lang daw siyang libro sa library."

Buti ako nasa gitna lang. Hindi katalinuhan tulad ni Cassy pero hindi rin naman bobo. Wala sa lahi naming magkakaibigan ang salitang bobo.

"Hello guys." Magkasabay na bati ni Ark at Arkei. Kita mo ang layo layo pa lang nila sa amin pero nakapag hi na. Magkambal talaga. Silang dalawa ang pinakamakulit sa grupo namin. Pero wag kayo. Ang talino nang dalawang yan. Halos kapantay lang nila si Cassy pero simpre hindi nila mapapantayan ang talinong taglay ni Cassy. Nagmana kasi siya kay Tito Vash at Tita Ellah. Siya ang panlaban ng HU pagdating sa competition sa ibat ibang school. Siya ang itinuturing ng face ng HU dahil bukod sa matalino na maganda pa.

Naka jackpot nga sa kanya si William eh kaso nagloko. Kahit naman puro pag-aaral lang ang nasa isip ni Cassy ay marunong parin itong magmahal. Iba lang ang paniniwala niya sa love. Hinahaluan niya ng utak. Mas nangingibabaw ang utak kaysa sa puso niya lalo na sa usapang pag-ibig.

"Si Ingrid nasan? Ngayon ang first day niya dito sa HU. Ark, Arkie. Diba sabi ko sa inyo sunduin niyo siya bago kayo pumunta dito?" Itong dalawang to. Puro kasi kalukuhan ang inuuna. Nagkatingin naman ang dalawa habang papa-upo sila.

"Shit. Oo nga." Sabay pa nilang turan. Sabay din silang tumayo at tumakbo papunta sa building ng mga first year. Napailing na lang ako.

"Huy ikaw. Kamusta naman yung babaeng nililigawan mo? Balita ko may girlfrie-- boyfriend na yun ah. Hina mo pala eh." Iiling iling kong turan. Pero ang totoo inaasar ko lang siya. Nung first college pa kami yung tinutukoy ko.

"Shut up." Tinawanan ko lang siya

"Hahahaha. Hindi ka parin maka move on dun? Ang tagal na nun ah.  Ikaw kasi bakit hindi mo alam na tibo pala yung nililigawan mo. Kinikilabutan talaga ako pag naiisip ko yun."

Yung nililigawan kasi niya ay tibo pala. It means babae rin ang gusto. Nagulat nga kami dahil sobrang ganda nung babae. Ka level lang ni Cassy. Don't me. Idol ka talaga si Cassy sa lahat ng bagay except sa salitang love dahil mukhang wala pa siyang muwang dun kahit na naka two years sila ni William as couple.

Tinulungan pa namin siya nun na maghanda para sa surprise niya dun sa girl. Pasasagutin na niya nung time na yun pero sobrang nagulat kami dahil after tanungin ni Rocky kung pwede ba daw niyang maging gf si Lily ay humindi ito at ang matindi ay pinakilala niya sa amin ang boyfriend niya kuno. Sa sobrang hiya ni Rocky ay hindi na ito nakapagsalita at tumakbo papalayo sa amin. Kami naman ay hindi na nakapagreak. Hindi kasi halata kay Lily. Yun din ang naging pang-asar namin sa kanya. Wala na dito si Lily at yung bf niya. Lumipat sila ng ibang school.

Nagalit kasi si Ark at Arkie dahil pinaasa lang daw ni Lily si Rocky dahil sa pagpapakita nito ng motibo. Tinakot nung dalawa yung mag jowa dahil sa nangyari kay Rocky dahil bumaba ang tingin niya sa mga babae. Umiiwas na siya sa mga babae mula nung mangyari ang araw na yun except sa amin nina Cassy at Ingrid. Close parin namin siya.

Natanaw ko na si Ark at Arkei kasabay si Cassy at Ingrid. Lumapit na sila at nagsi-upo. "Oh anong nangyari kay Rocky. Bakit ganyan mukha niyan." Tanong ni Cassy. Natawa naman ako ng palihim

"Wala. Ang tagal niyo daw kasi." Sagot ko

"Napaka mainipin mo naman." Saad ni Cassy pagka-upo niya.

Nagsimula na rin kaming kumain. Nasa isang cottage kami katabi ng isang malaking puno. Ito na ang naging usual spot namin nung mag college kami.

"Kamusta naman ang first day mo dito?" Tanong ni Rocky kay Ingrid

"Okay naman. Mababait naman yung mga kaklase ko sa akin." Nakangiti nitong sagot.

"Dapat lang. Walang dapat manakit sa bunso namin." Saad ni Arkie

"Tama. Sabihin mo lang kapag may nang-away sayo. Kaming bahala sa kanila." Sang-ayon sa kanya ni Ark

Nagsalita na naman ang napaka over protective sa aming magkakaibigan. Sayang lang dahil hindi kami kompleto. Wala dito si Denser at Sebastian. Noon halos hindi kami mapaghiwalay. Napa sobra ang closeness namin. Di bale malapit rin naman kaming makapagtapos. Magsasama sama kami ulit at yun ang hihintayin namin.

***
So yun lang po. Hanggang 2 special chapter lang.

Sa mga gustong magkaroon ng story ang anak ng ating mga bida comment po kayo. Wala pa po akong naiisip na title pero pinag-iisipan ko kung gagawa ako next generation ng ating mga bida.

Sebastian and Maryellen

Cassandra, William and Tyrone.

Ingrid, _______ and Gavin

Rocky

Ark and Arkie

Denser

Comment po kayo kung sinong may gusto ng story nila. Kailangan ko po kasi ng inspiration galing sa inyo reyhngel's. Thank you and love lots.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now