Twenty

3.7K 66 0
                                    

***

ELLAH POV:

Monday na ngayon so meaning  may pasok na naman. Naglalakad na ako papunta sa try outs ng women's volleyball team. Pero nagpalit muna ako ng p.e. Pagkarating ko sa circle ground ay marami ng tao. Kanya kanyang pwesto ang bawat sports na magta-try outs since malawak naman ang grounds ng University.

"Ms.Fuentavilla."

"Yes, sir." Lumapit na ako sa unahan.

"Ang pangalan ko ay Matthew Dantes but you can call me couch D." Pagpapatuloy nito at Tumango naman kaming lahat.

Nagsimula na ang try outs. Lumipas ang oras at buti naman at natapos na. Bukas na lang daw sasabihin ni sir yung nakapasok.

Pumunta na ako sa comfort room para makaligo. Sa Theatre arts club naman ako pupunta. Pagkaligo ko ay sa meeting naman ng theatre arts club ako dumiretso. Pagkapasok ko ay naghanap na ako ng mauupuan ko.

"Ellah." Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Denise lang pala iyon at kumakaway Ito sa akin. Umupo siya sa tabi ko

"Nakapaghanda ka na ba?"

"Yeah. Ikaw?" Balik na tanong ko

"Oo naman ako pa." Proud niyang sabi
Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Pinanood lang namin ang mga nasa unahan. Tumawag ng tumawag yung president ng club.

"Denise Clinton and Andrew Tier." Tumaas naman ng kamay si Denise.
Pumunta na sila sa may stage.

Kinuha ko yung phone ko nang tumunog ito at lumabas muna. Buti nalang at mahina yung ring tone ko.

"Hello, sino to?"

"Hi. Si Ed to, natatandaan mo?"

"Oh yeah. So how are you?" Saad ko nang maalala ko yung cute waitress sa Dream's Restaurant.

"Ito okay naman. Katatapos lang ng klase lo. Pwede ba tayong lumabas bukas? Kung libre ka."

"Sure, why not."

"So saan mo gustong magpasundo?"

"Dito mo na lang ako sunduin sa High University. 5:30. Is that okay with you?"

"Okay. Magkita na lang tayo bukas. Ibababa ko na to. Bye!"

"Bye." Pumasok na ako sa loob. Natapos na pala si Denise at iba na ang nag aacting.

"Bakit ka lumabas?" Tanong ni Denise ng pabulong

"Tumawag sa akin si Ed."

"REALLY!?" Napalakas ang pagkakasabi niya kaya tumingin sa amin yung ibang nandito. Ngumiti naman ng alanganin si Denise.

"Sarehh. Sige, tuloy niyo lang ginagawa niyo. Don't mind me."Peace sign na sabi ni Denise. Buti naman at nawala na sa amin yung atensiyon nila kaya nakahinga ng maluwag itong katabi ko.

"You mean yung cute waitress sa Dream Restaurant?" Bulong niya. Tumango naman ako.

"Oh anong sabi?"

"Inaya niya ako lumabas bukas kaya pumayag ako."

"O M G! Ikaw girl huh. Loma-love life ka na." Kinikilig nitong bulong sa akin habang sinusundot sundot ang tagiliran ko kaya sinampal ko ang kamay niya.

"Ano ba. Kakain lang kami, wag ka nga." Inis kong sabi. Tusukin ba naman ako sa tagiliran

"Kinikilig ako sa inyo." Kinikilig pa na sabi nito

"Ewan ko sayo." Singhal ko

"Ellah Cassandra Fuentavilla and Sebastian Vash Smith." Napatigil ako sa pagngiti at napatingin sa harapan nang hindi makapaniwala nang marinig ko kung sino yung partner ko

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now