Fifty Seven

2K 40 11
                                    

***


ELLAH POV:

Naayos na ang ginawang gusot ni Claire kaya panatag na ako ngayon. Pero hindi ko parin nakakalimutan yung ginawa niya. Lintik lang ang walang ganti.

"Ellah naririnig mo ba ako." Nabaling ang tingin ko kay Dani ng magsalita siya.

"Ano ba yun?" Tanong ko na lang

"Itatanong ko lang kong may balak ka dun kay Claire. Yung kaaway mo since high school ka pa lang?" Tanong nito sa akin

"Yes. But how did you know na magka-away kami since high school?"
Takang tanong ko. Wala kasi akong matandaan na ikinuwento ko sa kanya yun

"A-Ahm. Diba sinabi ko na sayo na Idol kita noo pa?" Yun naman pala eh

Nga pala dalawang linggo na nung nailibing si Chloe. Ako din ang gumastos sa burol niya. Kahit gusto kong tumanggi ay hindi pwede dahil walang umaako sa kanya at tanging ako lang ang nakakakilala sa kanya.

Nung araw ng burol ay nandoon si Dani. Ewan ko nga kung bakit pa siya sumasama sa akin. Nilapitan din niya noon si Chloe at parang may binulong siyang salita pero walang tunog.
Pero pinagsawalang bahala ko na lang yun.

"Do me a favor." Biglang saad ko nang may dumaang pulis.

"Okay." Tugon naman nito

Ngayon ano kaya ang magiging reaksyon mo.

______

THIRD PERSON POV:

Nakangiting naglalakad si Claire kasama ang mga kaibigan niya papunta sa room nila. Nakangiti siya dahil alam niyang natalo niya si Ellah.

"I like your idea, Claire. Sana pala nakuhanan ko si Ellah. Hahaha." Tumatawang saad ni Carla

"Wag kang mag-alala dahil marami pa akong plano para sa babaing yun." Nakangising tugon sa kanya ni Carla

"I can't wait for that." Saad din ni Amara

"I know." Saad ni Claire at Nagtawanan sila

Nagpatuloy sila sa paglalakad pero Napatigil sila ng biglang may humarang sa kanilang mga pulis. Hindi lang isa kundi Sampu.

"Sino kayo huh?" Sigaw ni Carla sa nakaharang sa kanilang mga pulis

Hindi nila pinansin si Carla sa halip ay may inabot na papel kay Claire. Inabot naman ito ni Claire na nagtataka. Maraming mga estudyante ang pinagtitinginan sila at yung iba pa ay kinukuhanan sila.

Binuksan naman ito ni Claire. Nanlaki ang mata niya sa nakita. Tiningnan niya ang sampung pulis na nakapalibot sa kanila. Sina Carla at Amara naman ay natatakot na.

"Warrant of arrest? For what?" Hindi makapaniwalang tanong ni Claire

Hindi naman sumagot ang mga pulis sa halip ay luminya sila na parang nagbibigay ng daan.

"Warrant of arrest yan para sa isang killer na kagaya mo." Lumabas si Ellah sa pinagtataguan niya at dumaan sa nakahilirang mga pulis.

Si Claire naman ay nanlaki ang mata habang nakatingin kay Ellah na papalapit sa kanya.

"What?" Di makapaniwalang saad ni Claire at tumalim ang tingin niya kay Ellah na Nakangisi ngayon sa harap niya.

"Tapos na kasi tayong maglaro ng paunahang makahanap ng kriminal, dun naman tayo sa hulihan ng kriminal." Nakangising saad ni Ellah at nilaro laro ang dulo ng buhok niya

Lalo namang sumama ang tingin ni Claire kay Ellah. Ginusot niya ang papel at tinapon ito kay Ellah.

"Akala mo ba madadaan mo ako sa walang kwenta mong laro. Huh. Nakakatawa ka." Inis na saad ni Claire

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon