Seventy Seven

1.5K 26 0
                                    

***

Ellah POV:

Anong buwan na ba? 4 months na pero hanggang ngayon tulog parin si Vash. Siya lang ang hinihintay namin. Pinupunasan ko siya ng bimpo sa mukha. Nagawi ang tingin ko sa pinto nang bumukas ito. Pumasok sina Dara pati na ang boys.

"Hi Ellah. Tulog parin siya? Gusto mo sapakin ko na yan para magising?" Natawa na lang ako sa sinabi ni Denise
Nagsi-upo sila sa sofa.

"Sige gawin mo para sunugin ka ng buhay ni Tito Sen." Inismiran lang ni Denise si Dara dahil sa sinabi nito

"Ito naman. Ang dami na nating pinagdaanan ang seryoso mo parin. Wala ba sa vocabulary mo ang salitang joke?"

"Tss." Tanging sagot sa kanya ni Dara

Nabaling ang tingin namin sa pinto dahil sa malakas nitong pagkakabukas. Pumasok si Tristan. Halatang naiinis Ito. Kagagawan na naman siguro ng kakambal niya.

"Oh ano namang mukha yan? Ang aga aga eh." Natatawang tanong ni Margie

"Si Megan kasi ginawa pa akong stalker. Gusto niyang sundan ko si Ed 24/7. Ayoko na no. Napagkamalan nga akong bakla dahil dun. Siya itong patay na patay sa lokong yun bakit hindi siya ang gumawa. Kung bakit naman kasi pinakita ng lalaking yun ang pangit niyang mukha sa kakambal ko. Bwisit." Natawa na lang kaming lahat sa pagmamaktol niya. Hindi talaga siya makalaban sa kakambal niya.

Nagkita si Ed at Megan nung pinuntahan namin sina Dara sa hospital. Yun yung araw na nahanap namin sila.

-Flashback-

4 months ago....

Nagmamadaling pumunta si Ellah sa hospital kasama si Ed. Pagkarating niya sa tapat ng pinto ay binuksan na niya agad ito. Doon niya natagpuan ang mga kaibigan niya na may kanya kanyang ginagawa. Pagkakita sa kanya ng mga ito ay tinakbo na siya ni Denise at Margie ng yakap. Pati si Tristan ay ganun din ang ginawa. Ang iba naman ay Nakangiti lang sa kanya.

"Wahhhh! Ellah I missed you... Grabe akala ko hindi na tayo magkikita." Ngumangawang saad sa kanya ni Margie. Tumango tango naman ang mga kasama niya

Nagsibalik na ito sa mga kama nila. Siya naman ay lumapit sa mga ito.

"Akala ko wala na kayo..." paiyak na turan niya

"Akala nga rin namin katapusan na namin eh... Dinala kami ng mga tauhan ni Claire sa isang liblib na gubat... Doon ata kami balak patayin buti na lang may nakakita sa amin na mga magsasaka kaya natulungan nila kami." Pagpapaliwanag ni Finn. Sumang-ayon naman ang iba

"Pero bakit hindi agad kayo nakabalik?" Nagtataka niyang tanong

"Hindi kami pwedeng umalis nung time na yun. Bugbog sarado si Finn at Denver halos hindi na sila makalad. Si Cyrus at Tristan naman may tama ng bala. Kami lang ang konti ang sugat dahil prinotektahan nila kami.. Pinag stay muna kami ng mga tao sa baryo sa maliit nilang clinic para magpagaling. Hindi naman kami makatawag dahil walang signal. Atsaka mabuti na hindi muna daw kami magpakita sabi ni Mang Atoy baka daw bumalik yung mga gustong pumatay sa amin. Kaya nung magaling na kami sinamahan kami ni Mang Atoy papunta sa bayan. Tinawagan namin si Daddy kaya nasundo nila kami." Si Dara ang nagpatuloy sa Pagpapaliwanag

Halata nga rin ang mga pasa nila. Grabe pala yung pinagdaanan ng mga kaibigan niya.

"Sorry!" Tanging nasabi ni Ellah sa mga kaibigan

"Ano ka ba okay lang yun...Ay nga pala anong nangyari kay Claire?" Lumapit sa kanya si Denise

"Patay na siya. Nahulog siya sa building. Dead on the spot." Si Ed ang sumagot sa kanya. Tumalon naman palapit sa kanya si Denise kaya Tumango siya

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Kde žijí příběhy. Začni objevovat