Forty One

2.6K 48 1
                                    

***

Margie POV:

Pinapasok na kami ni Nanay Sonya at pina-upo sa upuang kahoy na mahaba. Magkabilaan ang upuang kahoy at sa mga gilid ng ay may mga nakasabi na lambat, dahon at ibat ibang gamit sa pangingisda. Hindi kami pumasok mismo sa bahay kundi sa may silong na katapat ng pinto kung saan mismo nakahilera ang upuang kahoy sa magkabilaan. Parang veranda.


Sinamaan ko ng tingin si Cyrus dahil tumabi siya sa akin. Sa lahat lahat pa talaga bakit sa tabi ko pa? Dapat kay Ellah ito tumabi dahil ito ang nagugustuhan niya. Pinandilatan ko siya ng mata pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Ano ba yan.

"Ipakilala mo naman sa amin itong mga kaibigan mo." Saad ni Tatay Kaloy at tumingin sa amin kaya nag hello ako.
"Hello po. Ako po si Margie. Ang dyosang sobrang ganda na bestfriend po ni Ellah. Nice too meet you po." Pakilala ko

"Saan banda." Rinig kong bulong ni Cyrus kaya sinamaan ko siya ng tingin at siniko sa tagiliran nito kaya napa-aray siya ng mahina. Epal kasi masyado. Nilihis ko na ang tingin ko sa kanya.

"Hi po. Ako naman po si Denise. Ang beauty queen na bestfriend po ni Ellah at ito naman pong katabi ko ay si Sandara, ang mute naming bestfriend. Ako na po ang nagpakilala sa kanya dahil may pagkamute po kasi siya. Mahilig po kasi siyang magpanis ng laway at baka po pati laway niyo mapanis. Yun po hehe." Pakilala ni Denise. Tumango tango naman ako sa sinabi ni Denise. Si Dara naman ay ang sama ng tingin sa aming dalawa ni Denise. Ang binalingan naman ng tingin nung mag asawa ay sina Cyrus.

"Ako po si Finn. Nice to meet you po."
Maikling pagpapakilala ni Finn.

"Ako naman po si Denver." Pakilala din ni Denver

"Hi po sa inyo, ako po si Cyrus. Ang pinaka gwapo sa lahat." Pakilala ni Cyrus bakla. Umakto naman ako na parang nasusuka kaya sinamaan niya ako ng tingin. Nginisihan ko nalang siya. Akala niya huh.

"Vash." Maikling pagpapakilala ni Vash. Hindi siya mukhang bored bored ano?

"Kibabait naman pala nitong mga kaibigan mo Ellah. Ako naman si Kaloy. Pwede niyo akong tawaging Tatay Kaloy at ito naman ang asawa ko si Sonya. Pwede niyo rin siyang tawaging Nay Sonya. Mayroon kaming isang anak si Brandon. Kaso nasa banyo pa at naliligo." Saad ni Mang Kaloy pero yung sinabi niya na mababait itong mga tokmol na kasama namin ay hindi na ako nagkomento kahit na gustong gusto Kong sabihin na mga kampon sila ni satanas.

Nagkwento lang ang mag-asawa tungkol sa nangyayari dito sa Isla Mapayapa nung mawala si Ellah dito. Naikwento rin nito na malaki raw ang pinagbago ng Isla dahil sa ginawa ni Ellah sa pangunguna nito na ipatayo ang resort. Nagulat nga kami dahil siya pala ang founder ng resort at kaya rin pala siya kilalang kilala rito bukod sa dito siya lumaki. Nagdonate rin daw siya ng malaking pera sa dalawang paaralan dito. Hindi ito naikwento sa amin ni Ellah.

Natigil lang sa pagkokwento si Nay Sonya dahil biglang may sumigaw at lumabas sa pinto na lalaki na nakangiti at nakatingin ito kay Ellah. Tumayo naman si Ellah nung makita niya yung lalaki. Mukhang siya si Brandon na tinutukoy ni Tatay Kaloy na anak nila ni Nay Sonya. May itsura naman ito at brusko rin pero may kaitiman dahil rin siguro sa dagat ang pangunahin nilang hanap buhay rito.

"Bunso ikaw nga!" Masayang saad nito at tumakbo sa gawi ni Ellah at niyakap ito. Gumanti naman ng yakap si Ellah.

"Namiss kita kuya!" Saad ni Ellah at parang nag crack yung boses niya. Nilingon ko yung mga kasama ko na nakamasid lang kina Ellah.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now