Fourteen

4.2K 97 2
                                    

***

Announcement

ELLAH POV:

Lunch break na kaya lumabas na kami ng room. Nadaanan kami ni Claire at ng mga kaibigan niya. Masama ang tingin nila sa amin pero binaliwala lang namin iyon.

"Guys punta na tayo ng caf. gutom na ako eh." Sigunda ni Denise na para bang walang taong nakatingin sa kanila ng masama.

"As always." Tumatawang turan ni Margie

"Yeah." Maikling sabi naman ni Dara

"Grabe naman kayo sa akin!" Pagtatampo ni Denise

"Tara na nga baka magwala pa ito sa sobrang gutom hahahaha." Sinamahan ko rin ang tatlo sa pang-aasar kay Denise. Tumayo na kami at pumunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay iniisip ko ang mangyayari mamaya pero ang tagal naman ata nilang i-announce. Hindi pwedeng umurong si ms. Principal sa napag-usapan nila.
Nakarating na kami sa caf kaya naghanap na kami ng bakanting upuan.

"Ako nalang ang bibili ng food  natin." Yaya ni Margie. Tumango naman kami

"Samahan na kita." Alok ni Denise at umalis na sila para bumili ng food. Kami naman ni Dara ay umupo na sa upuan.

"Bat ka umalis kanina?" Tanong ni Dara sa akin. Kami na lang ang naiwan sa table. Wala kaming nga katabi.

"It's a secret. Mamaya malalaman niyo." Sabi ko ng Nakangiti sa kanya at tumingin sa mga tao sa loob ng caf. Wala man lang silang kaalam kaalam sa mangyayari.

May dahilan ako kung bakit gusto kong makuha ang pinakamataas na posisyon sa school na ito pero wala akong balak na gamitin ito sa masama. Kunti pala. Makakatulong sa akin ng malaki kung magiging school president ako dahil sa ganung paraan maaari ko silang makontrol.

"We're here." Nilapag na nina Denise yung food sa table at umupo na sila. Nagsimula na kaming kumain. Masarap ang pagkain ngayon at mas mai-enjoy ko pa ito dahil sa mangyayari mamaya.

"Excuse me?" Lumingon ako sa kumulbit sa akin. Nakangiti Ito at may hawak na flower.

"What?" Walang gana kong tanong. Binaba ko ang kutsara.

"Para daw po sayo." Sabi niya at inabot sa akin ang bulaklak na red rose na hawak niya.

"Kanino galing?" Imbes na tanggapin ay tinanong ko pa ito ulit.

"Ayun po oh." Tiningnan ko yung tinuro niya at tumaas nang di oras ang kilay ko dahil sa taong Tinuro ng kaharap ko.
Ngiting ngiti pa ang gago habang kumakaway sa akin. Sino paba edi si Cyrus na naman. Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Ayokong masira ang mood ko dahil lang sa lalaking iyon.

"Wala talagang hiya sa katawan yang Cyrus na yan. Balak ka pa talagang ligawan sa kabila ng mga ginawa nila noon." Masama ang tingin ni Margie kay Cyrus na malayo sa amin.

"Ibalik mo sa kanya yan at sabihin mo na hindi ko na kailangan ng basura sa buhay ko." Sabi ko

Tumango naman yung lalaki at umalis na. Anong akala nila sa akin? Madadaan nila ako sa mga flowers nayan? Kalukuhan!

"Grabe girl ibang iba ka na! Bet ko yan." Nag thumbs up pa sa akin ni Denise

"Me too!Pero alam mo tama lang yung ginawa mo sa kanila." Ganun din ang reak ni Margie

"Oo nga. Mga peste kasi sila." Dagdag naman ni Denise

"May plano ka na ba para sa araw na to?" Napatingin naman ako kay Dara dahil sa tanong niya

"Anong plano?" Singit ni Margie

"Hindi namin alam yan ah." Denise

Ngumiti nalang ako. Alam ko na kasi ang tinutukoy ni Dara. Syempre naman. Ang umpisa ng paniningil ko. Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakatingin parin sa akin ang tatlo nang biglang tumunog ang speaker. Binitawan ko ang kobyertos na hawak ko. Mukhang ito na ang hinihintay ko. Tumingin ako kina Dara na nagtataka parin.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now