Thirty Seven

2.8K 44 0
                                    

***

MARGIE POV:

Naka upo lang ako dito sa hagdan. Nagri-search ako ng pwede naming pag bakasyonan. Kaso wala naman akong mahanap na magandang lugar.

"Anong ginagawa mo dito?"

Shit!

Muntik ko nang maitapon yung phone ko nnang may nagsalita. Napahawak rin ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Tiningnan ko naman ng masama si Cyrus.

"Wag ka ngang manggulat! Mamamatay ako ng maaga sayo eh!" Bulyaw ko kay Cyrus

Bwisit na ito. Umupo naman siya sa tabi ko at sinilip yung phone ko kaya tinago ko yung phone.

"Hindi naman kita ginulat eh. Kasalanan ko bang magugulatin ka." Saad nito at hindi tinantanan yung kakasilip sa phone ko

"Ano ba yang ginagawa mo? Patingin nga." Saad pa nito

"Lumayo ka nga sa akin. Wag kang masyadong madikit!" Naiinis kong sabi at inilayo siya sa akin

"Grabe ka naman. Kung makapag salita ka parang may malala akong sakit." Nakanguso nitong sabi

Hindi bagay sa kanya. Mukha siyang tanga.

"Oo may malala ka ngang sakit at yan ang pagiging pakialamero mo. Baka mahawa pa ako." Saad ko at Inirapan siya

"Grabe ka naman sa akin!" Nakanguso nitong sabi

(The first examination will be start in 10 minutes. So better go to your respective rooms now.)

Pagkatapos nung announce ay kinuha ko na yung bag ko at tumayo na. Umakyat na ako para pumunta sa room ko. Hindi ko na rin pinagtuunan ng pansin yung epal na yun. Hindi naman siguro siya tanga.

"HUY HINTAYIN MO AKO!" Sigaw nung epal. Pero hindi ko siya ulit pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nagmadali nga akong maglakad para hindi niya ako maabutan. Pero malas siguro ako ngayon dahil naabutan niya ako at hinigit ang braso ko

"ANO BA!" Sigaw ko sa kanya at binawi ang braso ko sa kanya. Makapanghila wagas.

"Sabi ko hintayin mo ako!" Saad nito pero inirapan ko lang siya. Hindi ko nalang siya pinansin ulit at naglakad na. Bahala siya diyan. Naririnig ko siyang daldal ng daldal pero hindi ko maitindihan. Hindi ko naman siya sinasagot. Atsaka pansin ko lang kanina pa ako nito sinusundan. Pero napatigil ulit ako sa paglalakad ng higitin niya ulit ako.

NAMAN!!

"ANO NA NAMAN!? WAG KA NGANG HIGIT NG HIGIT. NAKAKAINIS KA NA AH. EH KUNG PALTUKAN KAYA KITA DIYAN NG MAKITA MO!" Inis kong sigaw rito. Nakakabanas na ang lalaking to. Kung makahila ng braso akala mo close kami.

Tinaas naman niya yung kamay niya na parang sumusuko.

"Relax. Ikaw kasi eh. Hindi mo ako pinapansin. Mukha na nga akong tanga dito. Parang hangin kasi yung kausap ko." Sabi nito at binaba na ang Nakataas nitong kamay.

"Kasalanan ko ba iyon? Sino ba kasi nagsabi sayo na kausapin mo ako. Atsaka pansin ko lang, kanina mo pa ako sinusundan. ANO BANG PROBLEMA MO?" Bulyaw ko. Napaigtad naman ito sa lakas ng sigaw ko at tumingin sa paligid kahit wala namang tao dahil nasa room na silang lahat. Binalik ulit nito ang tingin sa akin.

"For your information Ms. Bungangira. Hindi po kita sinusundan. Baka nakakalimutan mo na magkaklase tayo at same tayo ng way." Nakataas pa ang kilay nito na akala mo babae.

Pero shit! Bakit nakalimutan ko iyon. Magkaklase nga pala kami sa lahat ng subject dahil same lang naman kami ng course. Nakakahiya. Kung anu-ano pa naman ang pinagsasabi ko. Kasalanan niya ito.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now