Six

3.9K 63 1
                                    

***

Missing

THIRD PERSON POV:

Galit, sakit at pagsisisi ang nararamdaman ni Ellah habang nag lalakad sa kawalan na tila walang patutunguhan. Iyak lang siya ng iyak. Hindi niya akalain na ganito pala ang igaganti sa kanya ng taong mahal niya. Tumingala siya ng maramdaman niya ang pagpatak ng tubig sa mukha niya at doon na nagsimulang bumuhos ang napakalakas na ulan. Tila nakikisama sa kanyang pighati. Natawa siya ng mapakla bago ituloy ang paglalakad

Hindi na alintana ni Ellah ang napaka lakas na ulan. Hindi na niya kayang tumakbo sa sobrang pang hihina at sa mga nalaman niya. Sa kabila ng ingay ng mga sasakyan na binabagtas ang mahabang kalsada ay tanging hikbi lamang niya ang kanyang naririnig. Lumiko siya sa may iskinita. Hindi niya alam kung paano siya makakauwi dahil bukod sa hindi niya alam ang pasikot sikot sa quezon ay wala pa siyang dalang phone dahil naiwan niya ito sa kotse ni Vash kaya hindi niya macontact ang mga kaibigan niya.

Sa kabilang dako naman ay may limang lalaki na naka sunod sa kanya kanina pa mula sa paglabas niya sa ginanapan ng party. Hindi niya ito napapansin dahil lutang ang kanyang isipan. Patuloy na lumalapit ang ang limang lalaki sa kanya. Ang isang lalaki ay kumuha ng panyo at nilagyan ng pampatulog. Papalapit ng papalapit ang lalaki kay Ellah hanggang sa sunggaban niya ito. Inilagay ng lalaki ang panyo sa ilong ni Ellah upang makatulog. Nag sisisigaw si Ellah pero walang makarinig sa kanya dahil walang katao-tao sa iskinita at wala ding dumadaan doon.

"HMMMM!" Sigaw ni Ellah at nag likot para makawala sa lalaki pero unti unti siyang nanghina dahil sa naamoy niya hanggang sa mawalan siyan ng malay.
Binuhat siya ng lalaki. Ang isa naman nilang kasama ay tinawagan ang isang babae.

"Hawak na po namin siya." Sabi ng lalaki

"Good. Dalhin niyo na siya dito."

"Opo." Sagot ng lalaki bago pinutol ang tawag. Dinala na nila si Ellah na walang malay sa napag-usapang lugar.

_______

ELLAH POV:

Ang sakit ng ulo ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko. May naririnig rin akong nag-uusap. Unti-unti kong minulat ang mata ko.

'Nasaan ako?' Tanong ko sa sarili ko at iginala ang paningin ko sa paligid

Ginalaw ko ang katawan ko pero hindi ako makagalaw. Tiningnan ko ang kabuuan ko at doon ko napagtanto na nakatali ang kamay ko sa likod ng upuan at ang mga paa ko. Doon ko rin naalala ang pagtakip ng panyo sa akin ng diko kilalang tao at ang pagdilim ng paningin ko.

"HMMMMM!" Sigaw ko pero hindi ako makasigaw ng maayos dahil may nakatakip na panyo sa bibig ko.
Unti-unti ng nagsilaglagan ang mga luha ko. Bakit ngayon pa? Bakit sabay sabay pa nangyari ang kamalasan sa buhay ko? Ano bang nagawa ko?

Nagsisisigaw lang ako. Ang dilim sa kwartong ito. Tumigil na ako sa pagsigaw dahil napapagod na rin ako. Wala man lang ilaw. Pero may isang bintana ang nakabukas kaso maliit ito. Kaunti lang ang nasisinagan ng araw sa kwarto kung nasaan ako. Tansya ko ay umaga pa lang. Hinahanap kaya ako nina Dara?

May pumasok na limang lalaki at isang babae. Pero hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nasa madilim siya na part ng kwarto. Hindi ko mapigilang humikbi dahil sa takot.

"Tanggalin niyo na ang nakatakip sa bibig niya." Utos nung babae

Pamilyar sa akin ang boses pero hindi ko matandaan kung kaninong boses.
Lumapit sa kinaruruunan ko ang isang lalaki at tinanggal ang nakatakip sa bibig ko.Pag katanggal na pagkatanggal nung lalaki ay nagsisisigaw ako.

"S-sino kayo? Anong gagawin niyo sa akin." Umiiyak kong pagmamakaawa.

"Shut up." Napatigil ako dahil sa pagsigaw nung babae. Pilit kong inaaninag ang mukha niya pero hindi ko talaga mahulaan kung sino siya pero pamilyar talaga ang boses niya.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon