Forty Four

2.6K 70 3
                                    

***

DARA POV:

Lumabas na ako ng rest house pagkabihis ko. Marami na ang mga bisitang dumating. Kasama din dito ang mga ininvite ni Ellah. Maglalakad na sana ako ng may kumulbit sa akin sa likod kaya agad ko itong nilingon.

"Ace!" Saad ko habang nakatingin sa kanyang maaliwalas na mukha.

"Anong ginagawa mo dito?" Taka kong tanong dito. Sabay na rin kaming naglakad papunta sa mga kaibigan namin.

"Ininvite ako ni Ellah." Nakangiti nitong sagot. Pang beach outfit ang suot niya.

"So, sinong kasama mong pumunta dito?"

"Sina Tristan at Edwin." Sagot nito nang nakapamulsa. Tumango tango naman ako. Magkakakilala na pala sila.

"Kung ganon kilala mo na si Ed?" Tanong ko pa. Ang kilala lang niya kasi ay si Tristan. Tumango naman siya pero may napansin akong lungkot sa mga mata nito na agad din namang nawala.

"Nakakainis nga kasi ang dami kong kaagaw kay Ellah. Una si Cyrus, pangalawa si Edwin, pangatlo si Tristan, Baka nga pati si Vash ay maging kaagaw ko pa. Tapos mga kasing edad lang ni Ellah samantalang ako. Tss." Turan nito. Tinawanan ko nalang siya. Alam ko na may gusto siya kay Ellah. Pero ako lang naman ang nakakaalam. Mukhang posible nga na magustuhan siya ni Ellah. Ang alam ko kasi ay kaibigan lang ang turing niya kay Ace.

"Maganda kasi ang kaibigan ko kaya ganon." Tumatawa kong sabi

"Yeah. Super." Sang-ayon nito. Natanaw na namin sina Margie na nagtatawanan. Kaya lumapit na kami. Nandoon din sina Tristan.

"Buti naman at bumangon ka na." Saad ni Margie kaya inirapan ko nalang siya.

"Dara buhay ka na pala? Ang akala ko hihintayin mo talaga yung imaginary prince charming mo. Hayyy.... Ang akala ko talaga tuluyan ka ng magpapa-ugat dun kakahintay." Lintayan ni Denise na kararating lang at may dalang food. Inirapan ko lang siya.

"Kumain ka na lang pwede?" Irita kong sabi at inirapan siya. Umupo na kami ni Ace sa table nila since malaki naman ito at pwede sa maramihan.

"Nakita ko kayo kanina habang papunta dito. Anong pinag-usapan niyo?" Biglang tanong ni Denise nang maka-upo na kami. Nandito rin si table sina Tristan at Edwin. Hinanap ng mata ko si Ellah pero hindi ko talaga siya makita. Baka may importante lang ginagawa.

"Nalulungkot lang isang to dahil ang dami daw niyang kaagaw kay Ellah na mas bata sa kanya." Sagot ko at tinapunan ng tingin ang apat na magkakatabi na si Tristan, Edwin, Vash at Cyrus.

"May gusto ka kay Ellah?" Di makapaniwalang tanong ni Margie kay Ace. Tumango naman ang huli. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Vash at ang paghigpit ng hawak niya sa kupita.

"Di nga? Hindi halata ah." Komento rin ni Denise.

"Ganda talaga ni Ellah pero wag kang mag-aalala sa ugok na to. Nabugok kasi ang ulo niya sa simento kaya narealize niya na wala talaga siyang pag-asa kay Ellah." Ani Margie at kinaltukan ang katabi nitong si Cyrus. Kami naman ay nagulat dahil sa rebelasyong yun. Kaya pala hindi na namin napapansin na nanliligaw ito dahil tumigil na pala. Ibang klase din ang utak ng isang to. Napalingon ulit ako kay Vash dahil sa mumunting ngiti na sumilay sa labi nito at agad ding nawala. Marahil ay itinatago nito ang sayang nararamdaman dahil nabawasan rin ang karibal niya.

"Grabe ka naman sa bugok, hindi ba pwedeng narealize ko lang na paghanga lang talaga ang nararamdaman ko sa kanya?" Saad ni Cyrus habang habang hinihimas ang kinaltukan rito ni Margie.

"Really?" Di makapaniwalang saad ni Ace. Mukhang nabuhayan rin ng loob ang isang to.

"Kung ganun pwede mo na akong magustuhan?" Napalingon kaming lahat dahil sa sinabing iyon ni Carla na kalalapit lang sa amin kasama si Amara at Claire.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now