Twenty Three

3.1K 67 1
                                    

***

ELLAH POV:

I'm here at Fuentavilla's Empire. Ngayon ko na kasi sisimulan ang pagpapabagsak kay Chloe. Sapat na kasi ang mga araw na binigay ko sa kanya. Kaharap ko ngayon ang gagawa ng mga plano ko. Nandito kami ngayon sa office. Siya si Anton ang isa sa tapat kong kaibigan. Naging magkakilala kami noong nag-aral ako sa America. Natulungan ko noon ang pamilya niya kaya ngayon ako naman ang tutulungan niya.

"Ito lang ang gusto kong gawin mo, Mag-apply ka sa Manoban's Reataurant at kunin mo ang tiwala ni Chloe at pag nakuha mo na pwede mo nang simulan ang planong napag-usapan natin. Kailangan buo ang tiwala niya sayo para walang problema. Pero dapat bilisan mo ang trabaho mo dahil ayaw kong umabot ng ilang buwan na hindi nakikita na nakalugmok ang babaeng yun sa putikan. Naiitidihan mo?" Tumango naman siya sa sinabi ko

"Good."

"So pag nakuha ko ang tiwala niya, ano ang sunod kong gagawin?" Tanong niya

"Ano pa edi yung napag-usapan natin. Hindi ka ba nakikinig? Tsk  Simple lang naman ang gagawin mo. Sirain mo ang image ng restaurant and after that ako na ang gagawa ng susunod na hakbang. Hanggang hindi mo pa nagagawa at natatapos ang pinapagawa ko sayo, wag ka munang magpapakita sa akin dahil baka masira lahat ng plano ko at baka makalimutan kong kaibigan kita." Saad ko at uminom ng wine

"Ang Seryuso mo ngayon ah." Napairap naman ako sa sinabi niya

"Oh come on Anton. Wag mong sirain ang moment ko. Ayusin mo ang trabaho mo kundi lagot ka sa akin."

"Tss. Sabing wag mo akong tatawagin sa pangalan na yan eh. Nagmumukha akong matanda. Ace ang pangalan ko okay. Ace." Pinagdiinan pa nito sa akin ang Ace.

"Eh sa mas gusto kitang tawagin sa first name mo eh, ano magagawa mo?" Nakangisi kong sabi. Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

Ang pangalan niya ay Anton Ace Reyes. Ayaw niyang tinatawag na Anton kasi pangmatanda daw kaya mas gusto niya ang Ace.

"Tsk. Oo nga pala kailangan ko bang mag palit ng identity?" Tanong niya at uminom din ng wine

"No need." Simpleng sabi ko na ikinataka niya.

"Bakit naman?" Umayos ako ng upo.

"Kailangan alam niya kung gaano ka kayaman para mapabilis ang plano natin."

"Ano namang kinalaman ng yaman ko dun?" Nagtataka niyang tanong

"Sakim sa pera si Chloe. Wala siyang ibang iniisip kundi ang pera. Lahat ng nagiging boyfriend niya ay mayayaman at hinuhuthutan niya ito bago niya hiwalayan at maghanap ng bagong lalaki. Kaya nga nagawa niya akong patayin dahil doon. Kaya kailangan na malaman niya na mayaman ka para mabilis na lumapit ang loob niya sayo. Kailangan natin siyang painan para madaling kumagat." Mahabang salaysay ko

"In sort goldigger siya?" Pagtatama niya

"You're right. Ingat ka lang baka ikaw ang mauto nita." Tumango tango naman siya.

____

ACE POV:

I'm Anton Ace Reyes but you can call me Ace. Ayuko sa Anton pang matanda kasi.  By the way. Ngayon na ang simula ng trabaho ko. Mag a-apply ako sa Manoban's Restaurant as a waitress.

"Good afternoon Sir. What can I help you?" Tanong sa akin nung waitress na babae

"Ahm mag-aapply sana ako as waitress. May bakante ba?" Tanong

"Sakto po ang dating niyo sir. Naghahanap po kasi kami ng isa pang waitress. Ang dami kasing customers." Pahayag niya. Napangiti ako sa loob ko. Sakto pala ang dating ko. Nakaayon na lahat sa plano.

"Saan ako pwedeng mag-apply?" Tanong ko

"Si Ms. Chloe na lang po ang kausapin niyo. Halika sasamahan kita." Sabi nito. Sumunod naman ako sa kanya
Pumunta na kami kung saan ang office niya.

"Maghintay po muna kayo dito." Sabi nung babae kaya Tumango nalang ako

Pinagmasdan ko ang paligid. Maganda rin naman itong lugar pero hindi parin maipagkakaila na galing lahat ito sa kasakiman.

"Sir pasok na raw po kayo." Pumasok na ako sa office ni Chloe.

"Good morning ma'am." Bati ko Pagkapasok ko

"Have a seat." Sabi nito kaya umupo na ako sa sofa. Umupo rin siya sa sofa.

"So, ikaw yung mag a apply as waitress." Tumango naman ako
Maganda naman siya pero halatang may pag ka Mataray siya. Pero mas maganda parin si Ellah ko.

"But, base on your requirement ay galing ka sa mayamang pamilya. So what is your purpose. Bakit gusto mong mag trabaho?" Tanong niya habang nakatingin sa resume ko na binigay ko sa kanya.

"Gusto kong ipakita sa Family ko na kaya kong magtrabaho para sa sarili ko kaya naghahanap ako ng trabaho." Pagpapanggap ko

"Okay, you're hired. Pwede ka nangagsimula bukas." Walang pag-aalinlangan niyang sabi.

"Totoo pala?" Bulong ko. Isa lang ang tinanong niya sa akin pero hired na agad ako. Hindi manlang niya inalam yung mga skill ko at kung ano ang magagawa ko sa restaurant niya.

"Pardon?" Tanong nito

"Ah wala. Thank you." Tumango lang ito. Nagpaalam na rin ako na aalis na ako at babalik na lang ako bukas para simulan ang trabaho ko.

_____

ELLAH POV:

"Ma'am may naghahanap po sa inyo." Sabi sa akin ng Secretary ko

"Papasukin mo." I said bago tinuloy ang pagbabasa

"Hey Cassandra. Miss me?" Naibaba ko bigla ang hawak ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Umangat ang tingin ko dito at siya naman ay ngiting ngiti sa akin.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Ang alam ko kasi nasa America siya.

"Wala man lang bang hi o kamusta ka na? Grabe. Sakit mo sa puso ah." Sabi pa nito

"Pwede ba Tristan, tigilan mo ako." Inis kong bulyaw dito. Si Tristan Adolf Hitler ang sumagip sa buhay ko noon kasama niya ang kakambal niyang si Megan Hye Hitler. Sila ang nag uwi sa akin noon kina Dara. Nung nasa America na ako ay nagkita kami kaya magmula noon ay naging magkakaibigan na kami.

"Ito naman hindi na mabiro." Usal nito at umupo sa couch

"Bakit ka ba dito napadpad?" I asked again

"Dito na ako mag-aaral." Simpleng Sagot nito

"Really?" Di makapaniwalang tanong ko

"Yeah."

"Si Megan, nandito ba siya?"

"Hindi siya sumama. Susunod na lang daw siya." Tumango nalang ako

"About dun sa plano mong pagpapabagsak sa kanila. Nagawa mo na ba?" Tanong nito

"Nagsisimula palang ako at kay Chloe ko na Sinimulan." Nakangiti kong pahayag

"So paano mo siya pababagsakin?"
Masyado namang atat ito.

"Basta maghintay ka lang. Malalaman mo din." Pilyo kong sabi

"Pwede bang pumunta sa bahay mo?" Pa-cute nitong sabi

"Sure, why not." Sagot ko

"Pero kailangan ko munang tapusin itong trabaho ko. Makakapaghintay ka ba?" I asked

Mainipin pa naman to. Tiningnan ko yung itsura niya na nakabusangot.

"Sige na nga. Sanay naman kasi akong maghintay." Pagtatampo nito.

Napa iling na lang ako. Sobrang kulit. Magkaiba talaga sila ni Megan. Dahil si Megan ay may pagkamataray at makulit. Parang yung ugali lang ng mga kaibigan ko pero ito nasobrahan sa kulit at napakatakaw rin tulad ni Denise.

_Leydeereyhn

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now