Fifty Four

2.2K 37 2
                                    

***

Third Person POV:

Umiinom ng masarap na Champaign ang isang babaeng kulot ang buhok habang pinagmamasdan ang isa pang babae na nakatali ngayon sa upuan at  punong puno ng sugat sa buo nitong katawan at halos mawalan na ng malay pero nakakaya pa nitong sumigaw at makipaglaban ng titigan sa kanya.

"HAYOP KA! PAKAWALAN MO KO DITO!" sigaw nito at nagwawala sa upuan nito. Binaba naman ng babae ang hawak na kupita katabi ng baril at hinarap ito.

"Paano kung ayaw ko?" nakangisi niyang sambit sa dalaga.

"Ano bang kasalanan ko sayo?" balik na tanong ng babae. Kinuha niya ang baril na nakapatong sa table at itinutok sa babae. Napapikit naman ito sa sobrang takot. Hindi nga siya makapaniwala ang babaeng ito na katulad rin niyang demonyo ay may itinatagong takot sa katawan at ayaw na mamatay. Pero hindi siya ganun. Wala siyang takot kay kamatayan dahil na rin sa babaeng yun.

"Hahaha. Natakot ba kita?" tumatawa niyang saad at binaba ang baril. Nanginginig naman ang katawan ng babae na minulat ang mga mata nito at sobrang sama ng tingin nito sa kanya.

"Sabihin mo na lang sa akin kung anong kailangan mo." Galit nitong sigaw sa kanya.

Ngumiti naman siya ng pangdemonyo. Yumuko siya at pinantayan ang nagpupuyos na babae. Kahit na marami na itong sugat sa katawan dahil sa pangto-torture niya ay nagagawa pa nitong lumaban sa kanya. Itinutok rin niya ang baril sa sintido nito. Gamit naman niya ang kaliwang kamay at hinawakan ang panga nito at diniinan ang pagkakahawak. Nagpumiglas ang nakagapos na babae ngunit dahil sa naghihina ito ay wala itong magawa.

"Gusto mong malaman kung ano ang kailangan ko sayo? Hmm? Pero baka matakot ka." Humagikgik siya sa tuwa habang hawak parin ang panga nito. "Gusto kong mamatay ka para ipakita sa babaeng yun na maling tao ang kinalaban niya. Na isang malaking pagkakamali na nabuhay pa siya. Kung namatay na sana siya noon pa man edi sana nasa akin na ang lahat ngayon, edi sana masaya na kami ngayon. Ang kamatayan mo ang gagamitin ko upang ipakita sa kanya ang nakakubling demonyo sa loob ng pagkatao ko... Maganda ang ideya ko, hindi ba? Pero wag kang mag-alala dahil isusunod ko naman siya sayo. Dahil kung demonyo siya mas demonyo ako. Hahahaha" Halos dumagundong na sa loob ng silid na iyon ang nakakahindik niyang tawa. Pabalibag din niyang binitawan ang panga nito at lumayo dito.

"DEMONYO KA! SINUNOD KO LAHAT NG GUSTO MO TAPOS ITO ANG IGAGANTI MO SA AKIN? AT TAMA KA, DEMONYO KA KAYA HINDI MO NAKUKUHA ANG GUSTO MO." sigaw nito.

"SHUT UP!" Sigaw niya at inihampas sa ulo nito ang baril na hawak. Nagdugo naman naman ang ulo nito. Kinalma niya ang sarili at muling ngumiti sa babae. "Oh well, okay naman na magwala ka diyan dahil bukas na bukas sinisigurado ko sayo na pinagpipyistahan ka na ng mga daga. Hahahaha." malademonyo ulit niyang tawa at naglakad palayo sa dito habang hinahaplos ang hawak na baril.

Ang babae naman ay nagwawala na sa upuan nito at nagsisisigaw na. Bago siya humarap dito ay kinasa muna niya ang baril na hawak at nakangisi itinutok dito ang baril. Napatigil naman ang kakawang dalaga sa pagwawala at nanlaki ang mata habang nakatingin sa kanya.

Umiling iling ang kakawang babae dahil ayaw pa niyang mamatay. Paghihigantihan pa niya ang babaeng sumira sa buhay niya na umagaw ng pamilya niya. Hindi siya maaaring mamatay nang walang laban. Kalalabas lang niya sa kulungan pero ito pa ang sumalubong sa kanya. Hindi pala ang babaeng kinamumuhian niya ang papatay sa kanya kundi ang babaeng kaharap na malawak na ang pagkakangiti sa kanya. Baliw ang babaeng to. Isa itong baliw.

"M-maawa ka, wag mo akong papatayin, please! Gagawin ko lahat ng gusto mo just don't kill me! Please! I'm begging you." pagmamakaawa nito na lalong ikinatuwa at ikinangisi ang babae.

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now