Seven

4.1K 80 0
                                    

***

Chloe Manoban

SANDARA POV:

2 Days nang nawawala si Ellah at hanggang ngayon ay hindi namin alam kung nasaan siya. Nalaman na rin ito ni Margie. Noong malaman niya ay iyak siya ng iyak. Hindi ko naman siya masisi eh. Hindi rin namin makita si Vash. Sobrang saya niya siguro ngayon dahil nasaktan na niya ang babaing nagmamahal sa kanya ng sobra kahit na ang kasayahan ang kapalit nito.

"Kain na." Walang ganang sabi ni Denise. Ngayon lang siya nawalan ng gana dahil sa mga nangyayari. Sino ba naman ang gaganahang kumain kung nawawala ang isa sa mga kaibigan mo.

"I miss Ellah." Biglang sabi ni Margie habang pinaglalaruan ang food niya. Napabuntong hininga na lang ako. Parang kahapon lang ang saya saya namin. Ngayon hindi na dahil parang nawala ang kalahati ng pagkatao namin dahil sa pagkawala ni Ellah.

"Wala tayong magagawa kundi ang mag hintay ng balita kay Maam Margarette." Sabi ko nalang. Wala akong maisip na paraan kung saan namin siya makikita. Wala siyang kamag-anak na maaari naming puntahan dahil tanging si Mam Margarette lang ang kilala namin na may malasakit kay Ellah.

"Pero Dara hanggang kailan tayo maghihintay? H-hindi ko na k-kaya. Paano kung may nangyari palang masama sa kanya?" Tumulo na ang luha ni Margie

"Eh anong magagawa natin? Wala diba? Kahit ako hindi ko na kayang mag hintay pero anong magagawa ko? Hindi na akong na pwede nating lapitan." Pinigilan ko ang umiyak dahil kailangan kong maging matatag

"Pinagplanuhan nila itong lahat." Napatingin kami kay Margie

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Denise

"Hindi naman tayo school officer diba para ipagawa sa atin ang bagay na hindi natin responsibilidad. Pwede rin naman na ipagawa sa atin yun ng hindi sa oras ng party. Malaki ang oras natin ng araw na inutusan tayo pero mas gusto nila na sa gabi natin gawin." Tama. Planado lahat ng ito. Nakakainis dahil ngayon ko lang naitindihan ang mga nangyari. Kumain na kami bago bumalik sa room namin.

______

Nakikinig lang kami kay Maam. Wala naman kaming magagawa kung iiyak lang kami ng iiyak eh. Di rin nagtagal ay lumabas na si Mam dahil tapos na niyang ituro ang lesson. Sabay kaming tatlo na lumabas ng room.

Hayyy!

Ellah nasaan ka na ba? San a naman kung buhay ka pa please magpakita ka sa amin kahit saglit lang. Alam ko ang nararamdaman mo pero please lang.
Sa kakaisip ko ay hindi ko napansin na lumabas na pala ang prof namin.

"O M G si Vash pumasok na." Girl

"Really? O MY GOD i missed him. Ang tagal niyang nawala huh."

Bumalik na siya? Napatingin ako kina Denise na katabi ko lang. Mabilis kaming naglakad para hanapin sila. Kailangan naming makausap ang demonyong yun. Habang naglalakad kami sa hallway ng campus ay nakita namin si Vash. Parang wala siya sa sarili habang naglalakad. Palapit na ng palapit ang mga agwat namin. Nang makalapit na kami sa kanya ay hindi ako nag-atubiling sampalin siya ng malakas. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin.

"Bakit mo ko sinampal?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya at sinampal ulit siya.

"Ano masaya ka na huh? Nakuha mo na ang gusto mo diba? KAYA PLEASE LANG IBALIK MO NA SI ELLAH SA AMIN!" Umiiyak kong sabi

"Ano bang pinagsasabi mo? Hindi kita maitindihan." Tss. Tama yung hinala ko noon na wala siyang gagawing mabuti kay Ellah.

"Pwede ba Vash wag ka ng magmalinis."

NOW I'M RICH:NERD REVENGE (Complete)Where stories live. Discover now